Forum Topic

Gaming Mouse Personal Reviews

  • ^boss curious, what if i-map mo na lang sa side buttons yung function nung MMB (Middle Mouse Button/Mouse3)


    Di pwede. Ginagamit ko rin ang Mouse4 and Mouse5 para sa Dota 2 items ko.

    Marami mouse modders sa fb. Isa na kita ko pero di ko pa try is jettiemodz


    Thank you! Messaged them right away haha.

    Anung mouse ito? Naka ilang palit na rin ako sa mga middle mouse clicker.


    Gamesense MVP ung Mouse na may built in Kaihl 4.0 switches on every mouse button (kahit mouse4 and mouse5) pero hindi siya available sa pinas.

    Any more modders para sa mouse para makapag inquire na kagad asap?
  • ^
    pati middle click Kaihl 4.0 hehe. Madali lang yan repair.
  • Madali i-repair kung cheap part rin ang ipapalit pero syempre ung mouse ko is not built for that so need ng serious modders. So far isa palang nakakausap ko. Wala nakong ibang alam na modders :( Any help?
  • Ako nag rerepair pero tinatamad haha. Dami diyan gumagawa. Marami naman available na Kailh GM 4.0.
  • Yeah pero do you have any facebook links of trusted modders? Haha!
  • @markieboy

    Thanks for the input master. I heard it has similar shape sa G Pro Superlight kaya gusto ko sana i-try muna yung isa just so I can decide if the G Pro is worth keeping XD

    Might order the Tecware Pulse Elite soon :)

    -- edited by RyuzakiL on Jul 09 2022, 04:45 PM
  • Yeah pero do you have any facebook links of trusted modders? Haha!


    Jettiemodz
  • Mga Sir...tanong ko lang...fake ba yun mga mouse na logitech G304 sa shoppee na tig 300 pesos?

    TIA
  • Sa presyo pa lang obvious na. Around 1,800 yung G304, impossible na legit yung 300 pesos na yan. Madaming knockoff/fake na mouse sa suking online platforms. Para sigurado bili ka sa reputable seller like D*t*bl*tz.
  • Mga Sir...tanong ko lang...fake ba yun mga mouse na logitech G304 sa shoppee na tig 300 pesos?
    Yes
  • eapi_tech Send Message View User Items on 14 Jul 22 @ 06:47 PM #
    Mga Sir...tanong ko lang...fake ba yun mga mouse na logitech G304 sa shoppee na tig 300 pesos?

    TIA

    Abangan mo na lang ang sale sa online mall platforms, monthly naman meron. You can get it as low as P1200 less vouchers. May official warranty ka pa.
  • whew, mga 1 hour din pala yung buong process ng disassembly > desoldering of old switch > soldering new switch > reassembly ng G304.
    Dami na screws. Dati mga mouse na binuksan ko, naka-unibody lang.

    But yeah, good pay off. Wala na double clicking issue nung G304 ko. Hopefully it will last longer than the omron stocks.

    EDIT: I've replaced the stock omron with TTC Dustproof Gold Switches.

    -- edited by blue_apple_pencil on Jul 19 2022, 11:28 PM
  • Ganyan nga din exp ko pero nakakatuwa sa G304 is ang modular nung design. Last na replacement ko nung nag switch umangat na yung solder pad, buti may nabibili na mouse clicker board sa shapi. Nireplace ko na lang ng buo tapos naka solder na agad yung microswitches.

    I'm considering buying gpro wireless kasi may nakita din akong similar replacement part para sa kanya.
  • Nagdo-double click nga rin daw yang GPro wireless. So yeah, buy that one expecting to replace it in 1-2 years. hehe.
  • ^ Ugh. Kung bubuksan mo siya, check mo kung older blue dot omron switch siya or yung white dot omron switch katulad doon sa G Pro X Superlight.

    Balita ko yung white dot omron switch nung superlight improved version daw para less likely mag double click agad. Kung white dot yan at nag double click pa rin, ibig sabihin, sablay pa rin yung mga omrons ng logitech.

    -- edited by MrBungle on Jul 22 2022, 12:43 AM
  • Balak ko palitan ng switch yung spare G102 prodigy, kakadating lang ng switches ko, excited pa naman ako, sa kasamaang palad sira yung solder. Yung current ko na G102 lightsync nag double click pero minsan hindi naman. ang weird eh baka pag dating dun sa warranty eh hindi mag double click kahit may video pa ako, hehe yari ako.

    Yung G403 wired at G603 ay same size lang ba? identical ba yung size nila. Yung G403 palang kasi nahawakan ko na saktong sakto sa kamay ko. Nakadalawang isip lang mag LugeTech gawa ng double clicking.

    -- edited by Bright_Light on Jul 22 2022, 07:48 AM
  • ^Panong sira paps? Yung solder point sunog? Or yung pins? Bad luck, pero at least hindi super mahal ng G102.
  • ^ Yung solder point at yung body paps nangitim, umusok tapos inoff ko, pag ka on ko ayaw na uminit..
    Oks naman na, na earlyrefund agad. Buti dun ko muna sinubukan sa sirang rakk na mouse bago sa spare na g102.
    Yung double click din dahilan kung bakit nag stay muna ako sa budget friendly na G102.
    Pag natuto na ako paps mag palit ng swicth, saka ako kuha ng G403 or G603. Type ko talaga size ng G403.
  • Para sa mga G102 na nagdododuble click


    Para sa mga G600 na mabibigat
  • @ Yohan, thanks pala sa Video, pinanood ko yan, medyo matagal na kaya nag ka idea ako mag palit. Yung Kailh GM8.0 nabili ko.
    Di ko lang alam kung ano maganda pero gumana naman. Medyo natagalan lang ako gawa ng nasira una kong 60W solder kaya nag order ako ng ng medyo mas mababa na wattage, 40 Watts lotus na, pang personal use lang naman. Nung tingin ko ay kompleto na lahat ng tools ko, ang di ko na anticipate ay iba pala size ng screw nito.. heheh.. di ko masyado napansin dati gamit mong screw driver, ngayon ko lang ulit nakita. Salamat sa tutorial mo paps. Yung isang mouse kahit under warranty pa,, binaklas ko na rin..Ngayon dalawa na working mouse ko at di na ako maiinis sa double click at may paraan na.
  • Yung G600 ko nagdodouble click na din kaso hindi na nagagamit kahit yang G102. May wireless na kasi ako na Logi din. Creston screwdriver set lang gamit ko. At creston soldering din. Wala din akong desolder at octopus arm. Kapag nagakatime ako baka kalikutin ko.
  • sakto puro double click usapan, few months ko pa lang nagagamit G304 double click na. Quit na ako logitech, pangalawang G304 ko na to, any alternative na wireless with same design ergonomics?
  • ^to be fair kay logi, yung gaming side, yung G series, nila yung nget-pangs. Yung work/office brand nila na MX, matibay ang clicks.

    Yung MX Master 3 ng pinsan ko, naluma na at lahat lahat, nasiraan na siya ng 2 gaming mouse, yun parin gamit niya. Yung sub 1000 petot namin ni misis na M300 series mice, nag disintegrate na lang yung rubber part niya after 4 years in service, wala parin kami sa issue sa mismong internals.

    Diko lang malaman kay logi bakit yung gaming nila yung palyado ang performance.

    Anyway, to recommend, oks ako so far sa glorious model D paps. Halos daily ko gamit, pero wala pa nga lang 1 year sakin.
  • @ViperExtreme

    master bilhin ko na lang yang defective G304 mu :)

    -- edited by RyuzakiL on Aug 05 2022, 07:54 AM
  • hit or miss ang Logitech.... yung isang MX Master 3 ko - nag double click, yung isa naman hindi.

    to be fair, hindi sila ang gumagawa ng switches (Omron) - ang hindi ko magets, bakit hindi nila maiwan yang Omron China na yan. Pwede naman mag Omron Japan or Kaihl.


    @ViperXtreme -- try mo Razer Orochi, IMO yan ang closest sa G304 - or better yet, papalitan mo na lang ng Kaihl 8.0 switches yang G304 mo... 350-500 lang ata ang service nito (yan din naman ang gagawin ng bibili sayo nyan).

    -- edited by smuggy on Aug 05 2022, 09:44 AM
  • @VIPER
    Sakit na talaga yan ng Logitech ,bought before wireless logitech walang panng 1 year double clicking issue na napalitan under warranty sa [email protected]@blitz ,same issue lumagpas na sa warranty same problem double clicking,

    Buti pa Razer tumatagal ,sinubukan ko lang logitech, wala palpak,
  • Ive heard on other sources na not really switches daw issue sa gaming line ng logitech, kundi yun overvoltage kaya kahit palit ng switch it may persist.
    Ano equivalent shape and sizewise ang logitech G304 sa razer?
  • Ive heard on other sources na not really switches daw issue sa gaming line ng logitech, kundi yun overvoltage kaya kahit palit ng switch it may persist.

    Test ko tong bagong palit ng switches ng G102 lightsync ko kung ilang months tatagal. 4 months sya nung nag double click bago ko pinalitan ng swicthes. Mas ok pa yung prodigy version nito, lumagpas sa warranty period bago mag double click at mas maganda cord. Itong lightsync parang alambre., nadala naman ng DPI setting.
  • Ano equivalent shape and sizewise ang logitech G304 sa razer?


    razer viper mini kaso wired ata walang wireless