Forum Topic

IT Certification Fees (MS, CompTIA, CISCO, Sun, Linux, RH, etc)

  • may OSCP certified na dito? naghahanap kasi ako ng pwede magguide sakin. willing ako magbayad.
  • Puede naman sir self-study. Umpisahan mo sa hackthebox.eu
  • @harin

    Nakaregister ka na sa PWK?

    Plan ko magregister for PWK for OSCP pero parang nagdadalawang isip ako unahin ko muna eCPPT ng elearnsecurity siguro 1st quarter na nxt year sa OSCP.
  • @autoran010

    Oo pero nagexpire na at hindi ko pa kinukuha yung exam at hindi ako confident na papasa ako. Nakita ko nga rin yang sa elearnsecurity. iniisip ko rin magenroll at mukhang mas ok daw materials jan, tipong igaguide ka. yung sa OSCP kasi eh ikaw talaga bahala kaya nahihirapan ako. OSCP pa rin pinakatarget ko pero balak ko muna alamin effective na learning method na para sakin. huli ko na kinonsider yung sa forum ng PWK mismo pag nahirapan ka. andon din pala yung mga tips. try ko muna yung mga tipong HTB.
  • @artsky

    yun nga balak ko pero huli ko na nalaman. nakaenroll na ako kaya feeling ko kulang pa alam ko.
  • Gusto ko sana kumuha ng certification na pwede kong gamitin for IT jobs, undergraduate ako but currently working on an AT&T enviroment for connections like private lines and various kinds of ethernet and avpn. Ano ang path ko dapat kung gusto ko matutunan ang "CLOUD Services"? Very noob ako dito that I only knew the basic use of a cloud service nothing more nothing less.
    sa dami kasi ng certification, nalilito na ko anong dapat unahin or kung pwedeng recta na sa gusto ko, example cloud security.

    Meron ba tong mga online courses?

    Nasa magkano ang aabutin to get the certification needed?

    Pa help naman mga sir. Need to step up na or move out of the call center industry for my son.

    Thanks ng marami
  • @bloodyvamp

    Depende sa path mo. Maski yung cloud eh marami path like risk manager ba, engineer, tester

    Try mo dito. May mga free dito:

    https://www.cybrary.it/
    <click here for link>
  • Pa advise naman. Seems like self study doesnt work for me. Planning to take CCNA course, may nabasa ako na mag papalit ata ulit ng curriculum. Advisable po ba mag take ako ngaun or wait ko ung new course? and san mas ok sa MFI or sa mapua?
  • @WhiteWizard

    Sa NCC ako dati sa may UP campus. mas mura. Hindi ko lang alam kung meron pa. CCNA isa sa nirerecommend ko na cert sa mga nagtatanong sakin as basic networking course (para sakin how the Internet works with details hehe). dami ko natutunan na details dati. kahit hindi mo magamit yung cert, yung learnings para sakin eh worth it na.
  • Medyo malayo kasi samen UP. totoo ba na mag kakaroon ng bagong curriculum ang CCNA? advisable ba na kumuha now or wait na lang sa new ?
  • @WhiteWizard

    sorry, no idea. expired na yung akin matagal na. baka yung iba alam. hehe
  • totoo ba na mag kakaroon ng bagong curriculum ang CCNA? advisable ba na kumuha now or wait na lang sa new ?


    check cisco website para malaman mo kung ano ang current track at kung may plano na palitan in the future
    kung may nakalagay na magpapalit nga, nakalagay din dun ang last day to take the test for the current track
    then ask yourself kung kakayanin mo bang mag aral at ipasa ang exam para sa current track before the last day ng exam
    kung oo ang sagot, then go for the current track
    kung hindi, then study the new one

    why go for the current track? kasi matagal na ito kaya madami ng available materials online
    unlike yung bagong track, wala masyadong books or review materials na makukuha agad agad unless magbabayad ka sa official cisco training partner

    Ano ang path ko dapat kung gusto ko matutunan ang "CLOUD Services"?


    pagisipan mo muna kung anong track or field ng IT ang gusto mo
    then check kung paano ito maiaapply sa cloud services
    pareho lang naman ang on prem at cloud, nagkaiba lang sa location ng devices at tawag sa ibat ibang services
    pero hindi ka naman mahihirapan since wala namang bago, yung mismong perspective at implementation lang ang medyo pag aaralan mo ng maigi

    since nasa carrier/telco environment ka, malamang mag shi shift ka ng technology unless marunong ka ng data networking and security since hindi kailangan ang telco experience sa cloud services UNLESS ikaw ang mismong provider
    sample is sa Azure ka magwowork so pwedeng sayo mapunta ang expressroute service
    other than that, hindi ginagamit ang carrier/telco background sa cloud
  • Ask lang kung meron sa inyo na nag take ng CCNA cert exam sa IETI Guadalupe? Okay ba dun? O saan ba magandang magtake ng exam around Makati through Ortigas?
  • hi ask ko lang kung meron ba dito nakapasa na or certified RHCSA na, how's the exam po ba?

    -- edited by jherdy on Nov 28 2019, 11:16 AM
  • up
  • Up
  • RHCSA here... Exam is easy if you study / do lab practice. I used sander materials and lots of practice. Pati laptop ko sa bahay ginawa kong Fedora OS para everyday ma-practice sa Linux.

  • ryanrudolf Send Message on 15 Dec 19 @ 10:41 PM #

    RHCSA here... Exam is easy if you study / do lab practice. I used sander materials and lots of practice. Pati laptop ko sa bahay ginawa kong Fedora OS para everyday ma-practice sa Linux.


    Currently preparing for my RHCE renewal and will go for V8 Ansible. Medyo excited hehehe. Kamusta RHCSA ngayon? Alin yung tinake mo na exam, yung V7 or V8?
  • RHCSA v7 for me.... Nalilito pa kung will recertify for RHCSA v8 next year or do the RHCE ansible.

  • ryanrudolf Send Message on 27 Dec 19 @ 11:38 PM #

    RHCSA v7 for me.... Nalilito pa kung will recertify for RHCSA v8 next year or do the RHCE ansible.


    No need to recertify for RHCSA bro. Yung certifications ni Red Hat hindi tied sa version. it so happen lang since nilabas na is RHEL 8, may overlap at choice ang exam takers until June 2020 I believe for V7.

    Go straight RHCE pero if you decide to go for V7 yung Datacenter track, hanggang June 2020 lang yun (feel free to correct me kung mali).
  • me na nagtake ba dito ng ecih v2? can you share your experience. thanks.
  • Guys pa add naman ako ng info nyo for my research about sa ITIL, benefits and worth it pa ba sya now?
  • CISSP san kaya meron affordable pero quality training center
  • @techsonix

    For me, hindi worth it yung 1 week crash course para sa CISSP. Hindi mo matutunan lahat in 1 week. Ang naging path ko dati eh online vids, udemy courses, sunflower pdf, at practice tests online.
  • Bale magkano po ang bayad nyo para sa RHCSA exam na based sa RHEL 8?

    Nakapaginquire po kasi ako 24,500 Php po kasi ang fee. May mga discount voucher po ba na available para makamenos?
  • Hello!

    Mayron po ba dito na may idea kung saan pwede mag training ng CompTIA A+? at kung magkano po yung session. Thanks in Advance.
  • ^

    check mo si Professor Messer sa youtube and website nya. Libre ung videos nya sa A+/Net+/Sec+

    <click here for link>
    <click here for link>
    <click here for link> <- website nya
  • Hi Guys, newbie lang ako sa AZURE so if I am planing to certify in AZURE, ano ba ang tamang path? where to start (course) and what is next and so on?

    Alsom, saan ako pwedeng mag exam and how much?