Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • Share lang din mga master...

    Nagpa register din ako kahapon sa LTO Novaliches

    insurance 400
    Emission- 450
    Registration- 469

    Tapos 100 sa nag stencil (dalawang motor kasi pinarehistro namin)

    Total ko 1,419 may sticker na rin agad yun...

    9am kami nagstart natapos kami ng 1 pm sa dami ng tao...
  • Di ba wala ng stencil?
  • meron po laging stencil
  • Di ba wala ng stencil?
    akala ko nga din bro, pero nun sept. 2019 meron parin
    di ko alam kung raket nila yun

    pero personally, i dont mind
    feeling ko OK lang ma stencil as record? kasi kung iba lumabas tapos na rehistro diba? lol

    -- edited by ninjababez on Jan 23 2020, 06:26 AM
  • insurance 400


    sa cebuana sir 300 lang po ata ang insurance
    sa stencil naman kapag motor sir 20 lang iabot ninyo oks na yun
    sa mga taga Rizal jan sa antipolo super bilis ng parehistro asa 45 mins lang after mo magpa emission
  • nung nagrehistro ako ng kotse may 2019 wala na din stencil, tapos etong motor ko kakarehistro ko lang last week wala din stencil, pero last year feb 2019 wala din naman stencil na ginawa sa motor ko. my disconnect sa process somewhere.
    ang mahalaga naman nakarehistro tayo.
    eto naman sabi ng google search:
    https://www.topgear.com.ph/news/motoring-news/new-cars-no-stenciling-lto-registration-a2619-20181002
  • sa cebuana sir 300 lang po ata ang insurance


    Sa cebuana po ako kumukuha ng insurance boss... 400 na daw po talaga...

    Sa stencil naman dalawa kasi yung motor ska sa dami talaga ng tao dun yung binigay ko medyo napabilis na rin kami kasi siya na rin nag abot ng papers namin sa inspector habang naghahanap kami ng pag pa-parkingan ng motor kaya pagpasok namin sa cashier ng LTO next na kami agad... Hehehe...

    -- edited by damnoldcoot on Jan 23 2020, 08:34 PM
  • nga pla pwede na ba uli dumaan dun sa SLEX Nichols below 400cc to Osmenia, Pasay or Makati?

    -- edited by keso420 on Jan 23 2020, 10:40 PM
  • Hi, kakabili ko lang second hand na aerox na 100 pa lang tinakbo pero ngayon 500 na, so change oil na siya. Question lang, pwede ko ba ito ipaservice kahit sa ibang branch na pinagkuhanan? Wala po ba kaya problem un kahit hindi pa nakapanglan sakinung motor? Nandito rin po pala yung booklet. And free po ba ang services?

    -- edited by nino24 on Jan 25 2020, 11:35 AM
  • Wala problem dun pwedeng pwede yan
  • @nino24

    no problem yan sir, babayaran mo lang yung mga langis
  • @keso420, pwede dumaan.
    @nino24, kung change oil lang naman, pwede na sa mga suking motorcycle shop. around 50-60 pesos lang naman ang babayaran sa labor, sympre yung langis ikaw bibili nun. Kung sa 3S kasi, masayang lang yung oras mo sa pagaantay kasi first come first serve. maaga pa lang may nakapila na, tpos yung bukas mga 9:00AM pa. Kung malapit ka lang din don sa Yzone mandaluyong, pwede yung appointment don.
  • ^agree sa experience ko dati pag changeoil and gear oil 100 pesos agad sa Honda (every change oil kasi sabay ko na palit gear oil mura lang naman eh) tagal pa ng waiting time

    sa suking shop 50 lang for both may libreng buga pa ng filter, adjust break recommendation, kwento, etc

    pag sa Honda napakababagal kumilos parang tamad na tamad sa trabaho pag tinatanong mo ng kahit ano about sa motor mo puro 1 liner lang sagot tipong baka kasi may ipagawa ka pang additional abala pa sa kanila.
  • ^
    kaya ako nung nakatikim ng gawa sa labas, nawili na rin ako. although meron din naman gawa sa labas na mahal na rin sumingil. Meron dito sa amin 3s tapos mga ilan hakbang lang meron normal na motorcycle accessories shop. Punong puno dun sa normal lang, yung sa 3s walang tao almost.

  • Salamat sa feedback, siguro sa labas na lang ako.
  • lights on your helmet

    <click here for link>

    <click here for link>
  • isa sa masarap na pakiramdam yung bagong linis motor mo, tapos bago rin full tank. tapos maraming laman pera wallet mo. tapos maganda weather. tapos di ka busy buong araw.

    nakakamiss na rin. di ko alam kung kelan mangyari ulit. tagal na walang ride. busy. tsaka financial crisis pa rin ^_^
  • nga pla pwede na ba uli dumaan dun sa SLEX Nichols below 400cc to Osmenia, Pasay or Makati?

    pwede na ulit. pero dun ba dadaan sa off-ramp sa ibabaw ng sales bridge. di tayo pwede dumaan sa riles ng PNR.

  • just sharing guys
  • lights on your helmet

    dapat magaling dumiskarte yung maglalagay, may nakita ako niyan tanghaling tapat. panget nung wiring kalat kalat. hehe
  • pwede na ulit. pero dun ba dadaan sa off-ramp sa ibabaw ng sales bridge. di tayo pwede dumaan sa riles ng PNR.

    Nice! Thanks sir gen0 buti pwede na uli. iikot lng ng konti sa may stop light.
  • medyo mahirap na pala mag renew ng registration ngaun dito sa Taguig. Iisa na lang kasi yung emission testing center don sa lto FTI, limited lang yung tinatanggap kada araw. GAbi pa lang meron nang pila at kelangan bumalik ng mga 4AM. insurance lang nakuha ko knina.
  • mga sir newbie po hingi lang advise balak ko kasi kumuha ng 2nd hand motor sa mga shop. as per sa mga nababasa ko na yung mga nahila na motor eh usually laspag na at napalita na mga pyesa.

    1. Kung wala akong experience sa mga motor, may mga hints/tips ba kayong mabibigay kung ano mga usually ichecheck para matignan if ok pa ang motor?

    ang gamit pala ng motor eh usual 7eleven, refill tubig, bili ng ulam sa carinderia at pagsundo sa junakis
  • mga sir newbie po hingi lang advise balak ko kasi kumuha ng 2nd hand motor sa mga shop. as per sa mga nababasa ko na yung mga nahila na motor eh usually laspag na at napalita na mga pyesa.

    1. Kung wala akong experience sa mga motor, may mga hints/tips ba kayong mabibigay kung ano mga usually ichecheck para matignan if ok pa ang motor?

    ang gamit pala ng motor eh usual 7eleven, refill tubig, bili ng ulam sa carinderia at pagsundo sa junakis


    Magkano ang budget mo sir?

    ang mga hila na motor ay kadalasan inoperahan na. tama ka. kalimitan napalitan na ng mga parts.

    pero kung gusto pa din talaga. magsama ka nalang ng mekaniko para matingnan na maigi ang gusto mong motor. bigyan mo nalang ng pang meryenda. madameng mekaniko jan sa mga tabi tabi na motor shops.

    pero kung gusto mo swak na budget, meron mura na motor. 31k lang eto, TVS XL100. pasok sa pag gagamitan mo ng motor. brand new pa.

    sana ay natulungan kita. :D
  • ^sir salamat actually nasa ganyang range ang budget ko. balak ko nga sana 2nd hand na yamaha mio sporty. pero chinecheck ko sa youtube tong TVS abay maganda sirr! thanks!
  • mga sir newbie po hingi lang advise balak ko kasi kumuha ng 2nd hand motor sa mga shop. as per sa mga nababasa ko na yung mga nahila na motor eh usually laspag na at napalita na mga pyesa.

    cash mo ba bibilhin o hulugan?

    add mo na din diyan yung mga nabangga o nasemplang tapos may pamahiin na "malas" yung motor kaya pinahatak nalang.
  • swertihan lang makakuha ng hatak na maganda, yung tropa ko kumuha ng hatak na pcx sa sumisho onting gasgas lang ang problema at wala lang yung free tools na kamasa.
  • cash mo ba bibilhin o hulugan?


    cash sana meron lang akong 35K na budget.
  • Bawal na nga ba talaga gamitin mc na walang temporary plate number? kahit na registered?