Forum Topic

Ano kinaiinisan nyo sa kapitbahay nyo?

  • Bakit kasi nasa inyo yun kapatid ng gf ng pinsan mo?
  • yung sa tapat namin, pagkaliit liit ng apartment, yung sasakyan apat! lahat nasa kalsada pa!. Yung isa nasa tapat pa ng gate namin!
  • Try muna kausapin kung madadaan sa maayos na usapan
  • @beansent

    na abutan ng quarantine? hehe
  • Try muna kausapin kung madadaan sa maayos na usapan


    Tama.
  • ^Kung ako ganun sir medyo mahihiya naman ako kumabaga ako na yun makikisama kasi bahay nila yun
  • Dati nung wala pa yung kapatid eh ok lang naman na mag speakers ako sa laptop. nung dumating parang ang lumalabas eh ako pa dapat ang makisama.
    ayaw ko na din kausapin kasi baka kung ano pa ang magawa ko doon
    walang ginawa maghapon kundi mag Mobile legends. pesteng laro yan
    tinanong ko naman ang ate nya kung hanggang kailan na lang ang sabi sa akin
    after quarantine na lang. tanong hanggang kailan matatapos ang quarantine.
  • Kick/blacklist mo sa router yun device nya
  • naka blacklist na pero nagdata naman
  • Meron na namang "BOBONG" dog owner sumulpot dito sa amin. Ung aso pinapakawalan sa kalsada at nanghahabol ng lahat dumadaan. Kinompronta ng isang hinabol at sinabihan lang siya na kumpleto naman daw sa vaccine.. LMAO

    Ano ang tawag mo sa may-ari ng aso.
    A.) Ignorante
    B.) BOBO
    C.) All of the above
  • Pwede yan ireklamo sa barangay
  • Meron na namang "BOBONG" dog owner sumulpot dito sa amin. Ung aso pinapakawalan sa kalsada at nanghahabol ng lahat dumadaan. Kinompronta ng isang hinabol at sinabihan lang siya na kumpleto naman daw sa vaccine.. LMAO

    Ano ang tawag mo sa may-ari ng aso.
    A.) Ignorante
    B.) BOBO
    C.) All of the above


    TABOGO
  • taena nyan kahit pa kumpleto bakuna nyan haha.
    pakagat ko sya sa german sheperd namin. kumpleto din naman bakuna nito haha
  • ^ mentality nga ng illiterates sir eh, professionals pa naman. LOL
  • Malaking Bagay talaga nagagawa nang CCTV yung mga pasaway kong kapitbahay na akala mo hindi tinatablan nang bala at nagwawala pag lasing biglang nagsibaitan ^_^
  • may umuuwi ng 12:30am na ka open pipe,ng re-rev pa bago mag patay ng makina..
    sarap pakingan ....
  • mag rant lang din ako.

    Yung kapitbahay naming ginawang sampayan yung harapan namin, andun na yung sampayan before namin nabili yung property, akala ko tatanggalin nung malamang nabili na namin, awa ng Diyos tuloy ang pagsampay ng mga panty at dugyot na damit. haaay.. walang urbanidad, di ko alam kung paano i approach, malamang ako pa masama pag pinaalis to.
  • malamang ako pa masama pag pinaalis to.


    naku walang duda yan.
  • ung tapat ng bahay namin sila lang yung maingay at wlaang urbanidad

    mahilig mag inuman sa ltapat ng bahay pataasan ng ihi at ang lakas ng magpatugtog

    nakakaabala sila sa mga naka WFH
  • ComPeter Send Message View User Items on 23 Feb 21 @ 09:44 AM #

    may umuuwi ng 12:30am na ka open pipe,ng re-rev pa bago mag patay ng makina..
    sarap pakingan ....


    Natamaan ako ah hahah
  • ^masarap sa tenga pag inline 4 cylinder hehe
  • Meron pala nito... Mga bata sa kalye naglalaro at walang mask... Yung isang nanay naman sa tapat namen "fake daw ang covid".
  • mag rant lang din ako.

    Yung kapitbahay naming ginawang sampayan yung harapan namin, andun na yung sampayan before namin nabili yung property, akala ko tatanggalin nung malamang nabili na namin, awa ng Diyos tuloy ang pagsampay ng mga panty at dugyot na damit. haaay.. walang urbanidad, di ko alam kung paano i approach, malamang ako pa masama pag pinaalis to.


    Same kapitbahay, umiihi sa plantbox namin pag nag iinom nung nasita mukhang sya pa masama loob. di na ko nagtataka bakit may napapatay na kapitbahay eh. haha.
  • May kapitbahay kaming "Gina" (Pinoy version ng Karen.) Kapag bumibili kala mo laging natatae sa pagmamadali, tuktok ng tuktok gamit barya sa bakal ng tindahan, nakakaburyo hahaha.
  • ^ Lagyan mo ng bell tindahan niyo.
  • umay sa dog owner na ganyan
  • Kapitbahay na ayaw magpatulog at madaling araw na kung magsitulog. Kainis din mga pusakal nilang tumatangay nang pagkain ng kapitbahay at nakakabasag na ng kagamitan.
  • Itong kapitbahay kong pinsan na INC palagi ako inaaya dumalo ng pagdiriwang nila sa kapilya. Meron kasi kapilya mismo katabi ng bahay nila.
    May respeto naman tayo sympre sa paniniwala ng ating mga kapatid na INC
    kaso haha. panggabi ang work ko, pag tumatawag sya sa labas nasisira ang tulog ko kasi tuwing gabi rin ang kanilang pagdiriwang.
    Jusko po.
  • Nakatira kami sa apartment 2nd floor kami, ang problema ko is yung nakatira sa baba namin, ang lakas manigarilyo and yung usok is napasok sa aircon namin sa loob ng kwarto. Madalas ganito sitwasyon namin 11pm 2log na kami misis at 2 yrs old kong anak magigising kami sa baho ng usok. Ung misis ko at anak ko may asthma uubuhin, nagsabi na kami sa may ari ng apartment at sinabihan yata ung tenant sa baba namin pero daretso pa din sya sa paninigarilyo. Ang pasamantala na solution namin is wag gamitin ung aircon at mag electric fan na lang.

    Iniiwasan ko na lang gantihan pero sarap talaga gantihan ang ganung ugali. Pero sa ngayon naghahanap ako ng way para di makapasok ang usok sa aircon may filter kaya para sa ganun. Thanks
  • ezalorsara Send Message View User Items on 18 Jan 22 @ 04:53 PM #
    Nakatira kami sa apartment 2nd floor kami, ang problema ko is yung nakatira sa baba namin, ang lakas manigarilyo and yung usok is napasok sa aircon namin sa loob ng kwarto. Madalas ganito sitwasyon namin 11pm 2log na kami misis at 2 yrs old kong anak magigising kami sa baho ng usok. Ung misis ko at anak ko may asthma uubuhin, nagsabi na kami sa may ari ng apartment at sinabihan yata ung tenant sa baba namin pero daretso pa din sya sa paninigarilyo. Ang pasamantala na solution namin is wag gamitin ung aircon at mag electric fan na lang.

    Iniiwasan ko na lang gantihan pero sarap talaga gantihan ang ganung ugali. Pero sa ngayon naghahanap ako ng way para di makapasok ang usok sa aircon may filter kaya para sa ganun.


    pasaway yan kabitbahay mo, kawawa kayo dyan sa passive smoke. hindi ba madaan sa pakiusap na sa labas na lang ng unit nila or sa medyo malayo na lang magyosi?
    unfortunately walang magagawa ang kahit na anong AC filter dyan. seal mo lang mabuti ang mga bintana at doors mo, window type ba AC mo? baka may gaps sa sides, seal mo rin mabuti.