Forum Topic

HELP! Newly built PC wont boot!

  • Pa help naman mga sir, Nagbubuo kasi ko ng pc right now. After installing everything, iikot lang isa yung cpu fan, then hihinto. tapos iikot ulit ng isa, then stop ulit. ganun lang ng ganun. I double check all the connections at wala naman ako napansin na mali.

    Eto po specs na binubuo ko:

    Pentium G4560
    ECS H110M4-C2H
    Corsair Vengeance 8GB DDR4-2400 mhz
    WD Blue 1TB sata
    Corsair Vs450
    Inwin 503 case

    Salamat po sa sasagot.

    -- edited by dekisugi on Aug 05 2017, 11:52 AM

    -- edited by dekisugi on Aug 05 2017, 11:53 AM
  • Yung mobo ko pala ay 4 pins lang yung atx 12v niya, while yung psu ko ay 8 pins. Kaya ini split ko sa dalawa yung power pins at yun ang sinalpak ko sa mobo. Sinubukan ko din yung isang pair ng 4 pins pero ayaw parehas mag boot.
  • The 4 pin atx shoudnt be a problem

    Check you front panel connectors
  • sir ok naman po yung front panel connectors. nag try din ako magpa boot by shorting mobo by screwdrivers. Yun palang mobo ko sir ay direct contact sa casing, pag ginamitan ko kasi ng standoff screw ay tataas yung level at di mag fit ung casing sa backplate.
  • now ay inalis ko muna sa casing yung mobo at nag try ako mag pa boot sa labas, pero same result pa din. Ano kaya problema nito?
  • balik nyo nalang po sa pinag bilhan nyo para safe
  • Yun palang mobo ko sir ay direct contact sa casing, pag ginamitan ko kasi ng standoff screw ay tataas yung level at di mag fit ung casing sa backplate.

    Dapat sir palaging may standoffs ang motherboard. Yung purpose nun para hindi mag touch yung PCB traces at soldering points sa ilalim ng board with the motherboard tray. Otherwise pwede sila mag touch and cause ng short circuit. So sadyang inaangat ng standoffs yung motherboard para hindi mag touch yung ilalim ng motherboard.

    Baka kailangan din sir ng BIOS update for Kabylake compatibility. Mas maganda dalhin mo na sa shop para ma update muna ang BIOS.
  • @lorin1992

    alin po sir specific ang ibabalik? brand new po kasi lahat ng components ko.
  • @sleepy

    Nag google ako sir at may nabasa ako na hindi na need ng inwin 503 ang standoff kasi yung bump ng casing serves as standoff. di na kasi fit sa backplate pag may standoff.

    <click here for link>

    sir sabi ng binilhan ko ng mobo ay updated na daw sa kabylake yung mobo ko,

    -- edited by dekisugi on Aug 05 2017, 02:30 PM
  • UPDATE:
    Napaikot ko na sa wakas yung cpu fan, pero wala display. yung mouse ay nag blink lang. wala din ilaw ang keyboard.
  • @dekisugi
    Nag google ako sir at may nabasa ako na hindi na need ng inwin 503 ang standoff kasi yung bump ng casing serves as standoff. di na kasi fit sa backplate pag may standoff.

    Ah nakita ko na sir, oo nga built-in na pala yung standoffs sa motherboard tray. Medyo malaki lang mga "cones" at hindi ko makita sa pic kung may washers / insulation sila. Kung gusto mo sir... try mo din sir lagyan ng electrical tape or rubber / cardboard washers yung mga standoff para hindi talaga nag touch yung bare metal sa ilalim ng motherboard.

    Kapag naka boot ka na sa BIOS check mo yung BIOS version, baka hindi pa kasi na flash yan to the latest BIOS for Kabylake.
  • ^
    nilalagyan ko sir ng washer para sure, pero dapat sir may display pa din di ba? i mean kahit hindi nga updated yung bios, dapat may display pa din.
  • ^
    Suspecha ko lang sir... hindi pa siguro updated ang BIOS niyan for Kabylake kaya hindi siguro makapag POST at mag-display ng BIOS screen.

    You can also try clearing the CMOS para ma-reset ang BIOS settings. Pero medyo risky sir at pwede ma-brick yung motherboard.

    Yung motherboard ba is brand new from the shop or nabili mo slightly used from a TipidPC seller? Kung slightly used ang motherboard at ginamitan or pinag-testing siya before with a Skylake CPU... possible na naka-default ang motherboard settings sa Skylake CPU na ginamit. Explain ko konti...

    For example: Yung seller ng motherboard mo nilagyan muna ng Core i3-6100 para ma-flash ang BIOS to the latest version para compatible sa Kabylake. Nung na flash na yung BIOS, nakalimutan i-reset ang motherboard sa BIOS defaults. Ginawa lang is turn-off ang PC, remove CPU, then sell sayo ang board. Yung motherboard mo ngayon ine-expect niya yung Core i3-6100 parin ang naka install sa kaniya. So nalilito ang settings kasi Pentium G4560 na yung naka-salpak sa socket.
  • thanks sa info sir sleepy,

    Actually brand new ito ay sealed. Nabili ko ito sa LZD. According to the seller, tested at updated sa kabylake. Tinanong ko nga kung supported ang G4560, sabi niya ay "yes, supported po'
  • ^
    Kung brand new and sealed sa box ang motherboard, may chance na hindi pa updated ang BIOS for Kabylake.

    May nakikita ka na markings or sticker or pamphlet sa box ng motherboard na naka-indicate na Kabylake ready na siya?
  • Yun nga ang una ko tinanong sa seller kung updated na, yes po sabi nya.
    yung sa box 6th gen lang ang supported, pero sa website ng ecs 6th at 7th gen supported na
    may sticker sa ilalim ng mobo, nakasulat yung name ng seller "techtrends" then may date. 7-31-17
  • I started at 10am this morning, but until now hindi ko pa napapa boot newly built pc ko. hahaha..saklap naman. Mukha ngang hindi pa updated bios nito sa kabylake. Gunggong talaga ang seller na yun sa LZD.

    What do you suggest guys...

    update my mobo or buy a 6th gen procee?
  • Suggestion ko sir bring the motherboard, CPU, and memory to your trusted PC shop. Then ask kung pwede nila i-flash yung BIOS ng motherboard and test na working siya with your CPU and memory. Mas maganda na andun ka din para makita mo first-hand yung ginagawa nila.

    Another thing... keep track mo lang yung serial number ng CPU, board, and memory mo baka ma-swap by accident. Also make sure na walang bent pins yung socket and take a picture as proof.

    Pwede din bumili ng B250 motherboard... pero mas maganda na verify mo muna na yung motherboard ang may problem. What if you got a bad CPU?
  • Sige sir sleepy, hanap na lang muna ko ng matinong shop dito sa amin. Actually Asrock b250 talaga 1st choice ko as mobo, kaya lang nung may nabasa ako na pwede na rin tumakbo yung ddr4 2400 mhz na ram sa h110 na mobo, kaya nagbago ko ng isip kasi mas mura din siya.

    Actually yun talaga siniguro ko sa seller kung updated ang bios niya bago ko binili. Haayyss..charge to experience na lang ako. Dapat talaga nag b250 na board na lang ako.

    Thanks Sir sleepy sa time mo.
  • @TS

    check mo muna sa website ng mobo if its supported na (on what version) or requires bios update then check your mobo box version before going through the process of flashing.

    -- edited by KiraValentine32 on Aug 05 2017, 04:55 PM
  • ^ di ba pwedeng ibalik muna sa pinag bilhan??? Baka may sira talaga yan tapos ma-void lang warranty...

    Kung nkausap mo na seller tapos sinabi niyang supported procie mo, then ayaw gumana ibalik mo na yan... mahirapan kabpa pag no warranty na kasi dami mo na ginawang troubleshooting...
  • @Kira
    Paano ba malalaman ang version ng mobo sa box?

    @damnoldcoot

    expired na sir yung 7 days warranty sa lzd. try ko kunin sa lzd yung info ng seller. manloloko kasi, sabi updated na daw yung bios, yun pala hindi pa. 2 customer nabiktima nila dun sa mobo.
  • PROBLEM SOLVED

    Ipina refund ko na lang sa LZD yung mobo na updated daw, pero di naman pala at bumili na lang ako ng MSI B250M Bazooka. Isang salpak lang ng mga components at Boot agad. Now gamit ko na yung first built PC ko. Sarap pala pag first time kang makabuo ng PC from scratch. hehe.