Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • Inabot ng 14days bago naayos yung dial tone ng phone namin at maibalik yung internet. Problema ko naman ay nasa 3mbps na lang yung speed ng internet namin...sabi ng technician ay hindi na nila sakop yon dahil ang reklamo ko lang ay walang dial tone at internet yung linya namin...kailangang ko raw na mag-file ng panibagong ticket para maibalik sa 10mbps yung speed ng internet namin.

    Isa ko pang problema ay hindi ma-detect ng mikrotik namin yung bagong repair na dsl namin...

    Mamaya ko pa matse-check kung ano ang problema. Magsasarado muna ako ng maaga.

    ============================================

    Comtrends na ang subcontractor ng PLDT na nag-aayos ng mga telepono sa lugar namin...dati ay Fiberhome.

    ============================================

    gamit ka ng queue's sa mikrotik para malimit mo ng 2-3mb each IP


    Nagpa-config lang ako sa Cubao.
  • Mga master sa tingin nyo ba okay lang ang 10mbps na ibiz converge para sa 12 units?
  • Bad trip ako ngayon...meron gumagamit ng wifi ng mikrotik ko...nagtataka nga ako kung paanong naka-connect sa mikrotik namin...eh ako nga...hindi ko alam kung ano yung password ng wifi. Hindi ko naman ma-disable dahil hindi ko alam kung paano at ano yung password ng mikrotik para mabago ko yung config.
  • Bad trip na naman ako...nagpunta rito yung pldt para ayusin yung internet naming bumagal...naayos naman nila kanina...yung 3mbps ay bumalis sa 10mbps. Pagkaalis ng technician ay ni-restart ko yung modem at kinabit sa mikrotik namin...disconnected ang lumalabas...test ko...kinabit ko yung server namin direkta sa modem...nakakapunta sa menu ng modem pero walang internet...nare-redirect sa webpage ng pldt...customer payment reminder portal...kababayad ko palang kaninang pumunta ako sa pldt...at nagbayad din ako nitong April 2. Lagi akong maagang nagbabayad ng pldt.

    Sabi sa akin ng technician kanina ay ililipat daw ng port yung linya namin...mukhang linya ng hindi nagbabayad yung nilipatan.

    Pupunta ulit ako sa PLDT bukas.
  • Post deleted #12121485
  • paconfirm naman kung tama ang observation ko.
    preferred ang mikrotik routers sa LAN shops because:

    1. multiple ISP uplink
    2. Queues to separate different types of traffic ex. games,youtube (QoS - Quality of Service)

    tama ba? meron pa bang ibang major reason?
  • Maganda ang mikrotik doon sa mga lanshop na naka-DSL pa rin...pero sa naka-fibr na ay hindi na kailangan.

    Tingin ko pag naging common na ang fibr ay mauuso na ang wifi-tingi sa mga suking tindahan/computer shop. Malamang ay lalong hihina ang mga computer shop.
  • pero sa naka-fibr na ay hindi na kailangan


    are you saying this because of point no. 1 or no. 2 ?
  • ask lang mga bossing ano maganda model mikrotik pang computer shop?
  • Nai-stress na naman ako dahil sa PLDT...hindi na ako makapasok sa pldt modem namin. Tinanggal ko kanina yung pagka-block ng patch server ng ROS dahil magpa-patch ako...pero nuong binabalik ko na sa pagka-block yung ip ng ROS patch server ay hindi na ako makapasok sa pldt modem.

    Ngayon...download ng download tuloy sa 104.105.9.52 at 23.37.13.100 kahit nai-patch ko na kanina yung ROS ng mga pc rito. Madaling masisira yung hdisk namin at bumabagal tuloy yung mga nag-i-internet dito.

    Isa ko pang problema ay may ibang nakakaalam ng wifi password ng pldt modem namin...kaya tuloy lagi kong tinitingnan kung naka-enable yung wifi...meron kasi ritong 2 magkakabarkada na ine-enable yung wifi ng modem namin para makapag-internet sila sa celfone ng libre. Maski nga yung wifi ng mikrotik namin ay kailangan kong ipa-disable dahil meron nakaalam ng password at ginagamit yung wifi ng mikrotik namin ng libre.

    Kailangan ko tuloy magpunta sa PLDT bukas.
  • mga sir, ano po kaya solution ng pisonet box ko, ang problem po kasi pag on ko po yung plug sa 220v may ilaw po yung switch then pag o on ko na po yung switch wla pong power sa timer/pisonet box.

    Ano po kaya sira nun sa switch po ba or sa transformer 220v and 12v?

    Note:
    yung timer po tinest ko sa isang box ok namn po may power sya.
  • *** Clients (39) PC Timer (1) ***
    Processor : Intel Pentium G3250 Socket 1150 3.2GHz 3M
    Motherboard : MSI H81M-P33 Socket 1150 PCIE DDR3
    Memory : 4GB DDR3 1600
    Video Card : Zotac GT730 1GB 64BIT DDR5
    Casing : Xtyle PR-1B Black / PSU 650
    Monitor : BenQ DL2020 Led 19.5"
    *** Server (1 Unit) ***
    Processor : Intel Core i3 4170
    Motherboard : Gigabyte Z97 HD3
    Memory : Hyper X Blue 32GB
    Hard Drive Image : Kingston SSD 120GB Sata3
    Hard Drive Write : Kingston SSD 240GB Sata3
    Hard Drive Write : Western Digital Caviar 500GB Sata Blue
    Hard Drive Game : Western Digital Caviar 1TB Sata Black
    Casing : Thermaltake Versa H25
    Power Supply : Seasonic 850w
    *** TP-Link TL-SG1024D Switch 24 Ports Gigabit (2) ***
    *** CCBoot Solution (40) ***

    <click here for link>

    Mura ba sa 550k php 'to o mahal??? Dapat siguro ay mga 50% or less ng price ng bago. Or mas maganda ay bumili ng lang ng bago at magpa-config na lang ng diskless.
  • May problema ang handycafe ko simula pa kahapon...pag nalagyan mo na ng oras yung client ay bigla na lang hindi na makikita ng server pero nakakapaglaro pa rin sila...meron nga sumusobra ang oras dahil na-disable yung handycafe client.

    Ano kaya ang solution dito???
  • Nakita ko na kung anong dahilan kung bakit yung ibang mga clients ay basta na lang hindi nakikita ng server....ROS ang dahilan.
  • Tanghali pa lang ay sarado na ang shop...meron pinapalitan na parang hub sa cabinet ng PLDT...tinanong ko yung contractor kung fibr na yung kinakabit niya...sabi sa akin ay hindi fibr...dsl pa rin pero mas mabilis. Pagkatanda ko...meron nag-post sa ULOP na ngayong 2018 ay bibilis ang mga naka-DSL.
  • Nag-speedtest ako...akala ko ay bumilis na yung internet namin...parehong bumagal ang dalawang dsl namin...yung 15mbps ay naging 9mbps na lang...tapos yung 10mbps ay naging 6mbps na lang ngayon.

    Kailangan ko na naman tumawag sa pldt para ibalik sa dating speed yung dalawang dsl namin.
  • kamustasa sa mga dating ka lanshop =)

    pub-g era na kamusta mga di pa nag a upgrade?
  • Walang naghahanap ng pubg dito sa lugar namin...ROS, LOL at CF lang ang nialalaro rito.

    Saka pakonti ng pakonti na lang ang mga customer ngayon. Sobrang bagal ng dsl dito sa lugar namin...6.2k php/month ang binabayad ko pero hanggang ngayon ay 10mbps pa rin.

    Saka mukhang walang balak magkabit ng fibr ang pldt dito sa lugar namin.
  • "Not Optimum Mode Recomended Mode: 1360x768" sa LOL...eto yung problema ko sa isang pc kahapon pero naayos ko ngayon lang. Buti nabasa ko sa forum:

    Log in to League of Legends

    1. Browse to C:\Program Files\Garena Messenger\Apps\lolph and open "Game.cfg" in notepad or any other text editor

    2. Find this line: WindowMode=0

    3. Change the "0" to 2. IE: WindowMode=2

    4. Save this, then launch a custom game

    ====================================

    Akala ko ay sira yung video card...bibili sana ako ng bagong video card sa Gilmore. Sinubukan ko nuong una na mag-copy paste sa ibang pc na gumagana ng matino ang LOL pero ganoon pa rin.
  • musta mga master?
  • Meron akong naobserbahan....pag minsan na biglang tumataas ang ping ng LOL dito at yung ibang mga pc ay nawawalan ng internet at saka yung ibang mga pc ay bigla na lang hindi nakikita sa Handycafe server...ginagawa ko ay pinapatay ko agad sa AVR yung pc na pinakahuling binuhay sa shop....bigla na lang naayos yung problema. Ilang beses ko nang naobserbahan 'to...kaya imbes na isarado ko yung shop para i-restart yung buong network ay pinapatay ko na lang yung pc na pinakahuling binuhay.

    =========================================
    Yung LOL dito ay me problema kung minsan...napakatagal mag-start ng game...ang tagal mong maghihintay para lang mag-start...minsan ay inaabot ng 15+minutes mahigit...pero pag nag-spawn na yung hero mo ay kasabay mong mag-i-spawn yung mga kakampi mo sa starting point...ibig sabihin ay hindi lang dito ang me problema...nagagalit tuloy yung ibang mga player dito at yung pc namin ang sinisisi...eh ang tingin ko ay yung mismong server ng LOL ang me problema...buti sana kung pag-spawn ng hero ng naglalaro rito ay yung mga kakampi niya ay nakalusob na sa kalaban..eh kaso kasabay niyang nag-spawn at hindi naman siya naiwan.

    ================================================

    Tumaas ang sales ko ng e-coin...ang tagal din na biglang naging matumal simula nuong mauso ang ROS...tingin ko ay hindi nakabuti yung pagba-ban ng ROS sa mga cheater...dumalang na tuloy ang naglalaro ng ROS dito.

    ===============================================

    Pag nagpa-patch ako...pinapatay ko yung mikrotik namin at inaandar ko yung QNO dual wan router namin para magamit ko yung 2dsl namin sa pagpa-patch para mabilis...saka naobserbahan ko na kahit naka-patch na yung game namin dito ay nagda-download pa rin yung mga computer namin dito...naisip ko na eto siguro ang dahilan kung bakit nagla-lag dito sa shop...kaya ang ginawa ko ay pinabayaan ko na lang na umandar ang mga pc rito hanggang sa tumigil na sila sa pagda-download...naka-turn off ang autoupdate ng mga pc namin rito.
  • Nagpa-patch ako ng LOL kanina at biglang nag-brown out ng sandali...bumalik sa default password ang password ng handycafe ng mga client pc at hindi na nakikita ng handycafe server. Kailangan ko pang ibalik sa dating password para lang makita ulit ng handycafe server yung mga client.
  • May naglalaro din ba ng PUBG sa cafe mo boss?

    Papaano ginawa mo if ever?
  • I don't think na kaya ng mga system units niya ang PUBG. GT 730 is old and the G3250 won't help even at low settings.
  • ok po ba gamitin ang thin client pang internet lang at office work up to 5-10 pieces? ano po kaya specs ng server na pwede gamitin?

    thanks,
  • Saturday pa sira yung isang dsl namin...walang sumasagot sa 171...Monday na ako nakapunta sa customer care nila...inabot ako ng halos 2 hours sa pila...ang daming senior na nilalaktawan yung number ko sa pila dahil priority sila kaya inabot ng ganoon katagal. Mga 8am dapat siguro ay nandoon na para mauna sa pila.

    Pupunta ulit ako sa office nila...walang tumatawag at nagpupuntang technician dito sa shop.

    =============================================

    May naglalaro din ba ng PUBG sa cafe mo boss?


    LOL, CF at ROS lang nilalaro rito sa shop. Walang naghahanap ng PUBG. Saka mabagal lang ang dsl dito sa lugar namin...wala pang fibr.
  • Ano kaya ok na mga components na pasok sa P10,000 per unit? Unit lang and brandnew. Salamat.
  • Mura na po ba to for 255k? 2nd-Hand

    20 Clients
    Intel® Core™ i3-2120 Processor
    Kingston 4GB DDR3
    GeForce® GTX 1050 2GB
    19" Monitor

    Server
    H110M PRO-VD
    Intel® Core™ i5-6400
    Team Elite Plus 8GB 288-Pin DDR4
    Corsair 8GB (1 x 8GB) DDR4 DRAM 2400MHz
    1 SSD 120 GB KINGSTON FOR IMAGE
    1 SSD 120 GB KINGSTON FOR SERVER OS
    1 SSD 250 GB KINGSTON FOR WRITEBACK
    2TB WD BLACK FOR GAMES DISK

    Timer
    Intel® Core™ i3-2120 Processor
    Kingston 4GB DDR3
    19" Monitor
    GEFORCE GT 430 VS207T-P
    Seagate Video ST1000VM002 1TB
    ST3250318AS Seagate 250GB

    -- edited by jovzbernal on Oct 05 2018, 02:35 PM
  • Question:

    Magkano na print ng docs Manila ubelt area? Piso pa rin ba or dos na?
  • Hello, matumal na dito.