Forum Topic

PC Technician Lounge (Trading/Selling Not Allowed)

  • It looks like you may have to do some modding to get the issue fixed:

    <click here for link>
  • Post deleted #12408524
  • Good evening mga kaTpc.

    Baka may kilala kayong nagrerepair ng MSI G24C Optix 144hz Gaming Monitor.

    Short History: Purchased last Jan 2018, Okay pa to til August 2021.

    Problem: 1) random events ng horizontal lines sa baba, minsan meron, minsan okay naman. 2) Changing brightness nagdidim then bright, nagookay din pag tumagal ginagamit. 3) Burning plastic smell sa ibabang bezel.

    After all the occuring problems, bigla nalang nawala yung display.
    Take note: wala pong dead pixel or garbage display, never nabagsak or nasagi.

    Any fixes or ideas, and price qoutation if magkano aabutin.
    Salamat ng madame.
  • mga sir, after 10 yrs, biglang nag off ang pc ko at di na po mag on. blinking po ang status ng power led sa mobo pag naka plug sa ac. ok naman po ang psu. meron pa po bang fix sa mobo o dead na po talaga?
  • blinking might mean naka sleep mode mo cya. Try pressing the power button to see if it will wake up. If not, just unplug, replug and try turning it back on
  • good day mga sir ..patulong po... ano po kaya trouble ng pc ng anak ko nag a alarm parang POLICE SIREN sya,, humihinto din po after siguro 20 mins balik nanaman po ...bago lng po kasi sa ganitong trouble,,salamat mga sir..

    -- edited by achilles060611 on Mar 08 2022, 09:50 PM
  • ^ baka may nainstall na app yan na parang virus. pag nagalarm, tignan mo temp ng pc kung nasa mga 80-90c. baka may temp sensor yung bios nya. download ka ng coretemp na app para mamonitor mo temp ng cpu.
  • Hello mga sir sino kaya may idea, kasi ung mobo ko msi b450 yomahawk max, naka cpu debug led, pero umiinit naman ung processor ibig sabihin may power.

    Pag tinanggal ko naman ung ram sticks, nag dram led debug naman sya


    , saan kaya prob nito, ayaw mag post ng pc ko eh.

    Processor : amd 3500x

    -- edited by Deadmau5 on Mar 11 2022, 12:45 AM
  • Good day sa mga troubleshooting expert dito.

    May question lang ako regarding sa aking printer. Wala naman sira actually pero concern ako sa mga langgam na pumapasok sa loob, medyo dumadami na kase. Eto po yung aking mga katanungan.

    1. Maari bang masira ang printer ko kapag nilanggam?
    2. Paano po ba maiiwasan na langgamin ang electronic devices natin katulad ng printer or pc? Hindi po ako kumakain sa table kung saan nakapwesto ang pc ko kaya I'm sure hindi po yun ang reason bat nilalanggam.
    3. Meron po bang pang spray or chemical na pwede gamitin para hindi langgamin.

    Maraming salamat po sa sasagot.
  • Maari bang masira ang printer ko kapag nilanggam?


    pag tinamaan yung timing sensor nyan (one from paper feed mech and another one from print head carriage) that could be a issue, what can happen here is makakaranas yan ng print head crash or meron error na paper jam kahit wala naman.

    or worst titirahin yung print head nyan, if the print head is included with the cartridge, this should be a less issue since madali lang palitan pero for printers with Ink tank system this could be a big issue and expensive to repair.

    Paano po ba maiiwasan na langgamin ang electronic devices natin katulad ng printer or pc? Hindi po ako kumakain sa table kung saan nakapwesto ang pc ko kaya I'm sure hindi po yun ang reason bat nilalanggam.


    wala naman dapat lalangamin dyan, its just those insects really like the environment dyan sa mga electronics kaya ginawa nilang lungga. its basically the same with other things like roach and rats.

    Meron po bang pang spray or chemical na pwede gamitin para hindi langgamin.


    tawag ka na ng experts para sa mga ganyan. they know what to do para mawala (pansamantala) yung mga peste nayan, they will also give you advise para maiwasan na yang mga yan.
  • @polka

    Maraming salamat po sir sa insights at response mo sa aking concern. Nagdecide na lang ako na ipalinis ang printer luckily hindi pa naman binabahayan ng marami.

    Sundin ko po yung advise nyo nag magconsult sa mga pest control expert.
  • New build po sana pa help lang po NO POST po pag na turn on

    Asus B550-E Gaming WiFi
    Ryzen 5600x with Coolermaster Hype 212 Evo V2
    Corsair Vengeance RGB 16x2 3600MHz
    CMH32GX4M2D3600C18
    Corsair RM1000 PSU

    BIOS updated to latest via BIOS Flashback

    LEDs from IO and Chipset light up when PSU switch is turned on

    When grounding the Pwr switch leads from the mobo - ayaw po nya mag on
    me nadidinig lang ako isang click sound from PSU and that is it
    no lights no fans turning on

    yung 4 PIN and 8 PIN na papunta sa mobo is plugged properly and sa PSU po eh naka plug sya sa 4+4 CPU sockets
    Type 3 connector po gamit ko from Corsair na ksama ng PSU

    Lahat po components bago except sa PSU and GPU na gamit ko sa existing rig ko (intel i5)

    Any ideas to check would be appreciated.
  • Hello mga Sir, would like to know, what kind of tweak and solution did you use to share the printer of Windows 10 64-bit desktop users with all my Windows 7 32-bit. Have tried different methods on google and youtube, gaya ng installing 32-bit driver, editing the registry on Windows 10 64-bit, adding a printer via TCP IP, etc... But unfortunately, none of them works for me. Hoping for your utmost support T.I.A.
  • Mga sir baka pede matulungan niyo Ako. Bale pah nag lalaro ako ng mga heavy games nag fefreeze Yung PC ko with sounds. Bale sa simula nakakapaglaro ako ng walang problema pero pag tumagal nag papa kita na Yung problema. Madame na ako ginagawang TS like babaan Yung sa pinaka lowest Yung graphics. Pero nagpapakita pa Rin problema. Sinubukan ko mag stress test. Bale napansin ko nanyayare Yung problema pag nagkakaroon ng heavy load sa nilalaro ko. Katulad ng parang Ang daming explosions or effect nanyayare. Anu Po kaya problema nito? Chineck ko na health ng RAM, GPU HDD ok Naman lahat. Ni reseat ko na ram at GPU pero nagpapakita pa Rin problema..
  • ^Kumusta temperatures ng GPU at CPU habang naglalaro ng demanding games?
  • Pag mga MMO games like na not too dmenading umaaboy ng 60 Ang GPU pag mga high end katulad ng farcry 6 umaabot 80. Pero sinisigurado ko na di lumalagpas ng 80
  • Suggest ko gawa ka ng separate CPU stress test (tulad ng Linpack) at GPU stress test (tulad ng Furmark). Then tignan mo kung ma-reproduce ang problem. Ang games kasi parehong stressed ang CPU at GPU kaya hindi masyado useful para alamin kung anong subsystem ang may problem. For example, kung sa GPU stress testing nagkaroon ng problem at hindi sa CPU stress test then ang problem nasa GPU.
  • Post deleted #12420822
  • Good day sirs/mams.

    Nasira na ata yung mech kb ko (Steelseries Apex M750). Ayaw na gumana, backlights wala na, dead na talaga. Namatay na lang siya habang naglalaro ako. Pag nakakabit siya, nadedetect na may overcurrent sa USB. Plinug ko siya sa ibang PC kaso dead pa rin. Naaayos pa kaya to? TIA.




    -- edited by darkness333 on Jun 21 2022, 09:15 AM
  • magkano po ang service charge ngayon ng paglinis at paglagay ng bagong thermal paste para sa lumang IBM Thinkpad?
    may gusto akong irestore na IBM X61.
  • between 500-1k. pero yung 1k medyo mataas na. good range is around 400-700 pesos
  • @griid
    Kaya mo yang gawin boss. Nasa website ng lenovo mismo ang service manual ng mga Thinkpad (google "thinkpad X61 hmm"). Basta maingat ka lang hindi naman masisira yan. Basta siguraduhin mo lang na tanggal na yung battery at charger bago ka magsimula.

    Merong thermal pad sa northbridge chip, kailangan yung palitan. Yung pad 0.5mm o 1mm ang kapal, di pwede yung 1.5mm pataas (nasubukan ko na).

    Ingat sa pagtanggal ng piyesa, hwag magmadali. Nung unang beses ako magbukas ng X61 inabot ng mga 4 na oras kasama na yung paglinis at pagbuo muli.

    Isa pa, makakatulong sa pagbaba ng temperature ang pag-undervolt ng processor.

    -- edited by awakeruze on Jun 21 2022, 06:09 PM
  • Kaya mo yang gawin. Nasa website ng lenovo mismo ang service manual ng mga Thinkpad


    medyo clumsy ako sa pag disasseble/assemble ng mga laptop parts. hehe, palaging may extra screws na naiiwan. hehe

    at marami na akong nasisra ng mga plastic bezels pag tinatangal ko for cleaning. better to pay someone else who knows what they are doing.
    thanks sa info guys.
  • Nasa manual mismo nakalista yung mga screw. Pag unang beses, kumukuha ako ng maraming photo sa cellphone habang nagbabaklas. Kung makakalimutin ka talaga, kumuha ka ng malinis na papel, maglagay ka ng double-sided tape, tapos i-label mo kung saan nakalagay yung mga screw.

    Pagdating sa mga plastic, minsan hindi na maiiwasan yan dahil nagiging brittle ang plastic pagtagal (mga 10 years, eh mga 14-15 years na ang X61). Merong binebenta na mga plastic spudger para makatulong sa pagtanggal ng plastic parts, pero mas madalas, lumang credit card, guitar pick, o kuko ng hinlalaki (LOL totoo ito, pinapahaba ko ng konti ang thumbnail ko) ang ginagamit.
  • Makakakita ng spudger sets sa shop** and laz****, mura lang and maraming kinds. Ung current set ko mga 2 years na although bungi na ung iba but worth it. Ingat dun sa spudger na may pointed end, baka matusok mata.

    For screws, highly recommended ung magnetic na mat. Ung gamit ko kasama ng wow stick (electric screwdriver) set, useful para hindi mawala and ma-organize mo ung mga screws. Ung wala ako neto, used to tape screws together.

    Pag nag-crack plasic, use baking soda + super glue
  • Pag nag-crack plasic, use baking soda + super glue

    I used this with great results on my Thinkpad X220's palmrest.

    It works well when there's a large contact area for the superglue to take hold, and that there's enough free space around the damaged area (the superglue and baking soda will add some bulk).
  • mga pre, tanong kp lang kung ano ang specs ng mga glass fuse (20mm) na ginagamit sa mga PC voltage regulator?
    ayaw na mag-on ng avr after ng brownout. nakita ko na wala na yung wire sa fuse ng avr. kaso wala akong makitang
    specs nya.
    at saan din pala kayo bumibili ng fuse? ok ba yung sa sho*ee?
    salamat bro
  • kung ano ang specs ng mga glass fuse


    naka sulat yan (or rather naka engrave) doon sa metal part ng fuse.
  • ^ meron pero ang labo na. parang 240v pero yung A ang hindi na mabasa,
  • Hello po. Ano po kaya prob ng laptop ayaw mag-turn on.
    Nalaglag po yung battery habang naka-sleep tapos nagtry ako tanggalin battery at isaksak. Ayaw din umilaw yung powerlight habang nakasaksak pero nakakapag-charge sya ng cp na nakasaksak sa USB port.