Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • hindi ako sigurado kung modus o engot lang yung driver:

    na-bad trip ako kahapon sa Grab Driver...GrabPay naman ginamit ko pero ini-insist niya na bayaran ko in cash yung singil ng ride ko..

    Sabi niya, yun daw yung tinuro sa seminar nila..nung umaga raw, may ganun din siyang pasahero..siguro, nagmamadali na yung pasahero kaya hindi na siya nagdispute, at binayaran in cash yung driver..

    So tumawag pa ako sa csr ng Grab para ipa explain dun sa driver na kalokohan yung sinasabi niya..

    sinabi naman ng csr ng Grab dun sa driver na wala nang sisingilin dapat sa akin kasi credit card gamit ko..

    so, sinayang nung driver oras ko..sana nanghingi ako ng discount sa Grab sa susunod na gamit ko ng GrabCar/Taxi, haha

    mabuti na lang din, may reviews kyeme, at least may feedback ka sa serbisiyo nila..oo nga pala, 3 stars lang yung rating nung driver..better na umiwas talaga pag ganun kababa rating
  • ^

    baka naman first time niya?
  • ^may seminar naman yan bago ipagmaneho

    makikita naman nila kung cash or card yung gagamitin na mode of payment..

    akala ko nga, nagkamali lang ako na cash yung mode of payment ko, pero GrabPay nga, may icon ng MasterCard e, pinakita ko pa sa driver..hindi naman niya first time, may pasahero nga siya nung umaga na ganun din, pero sabi nga nung csr ng Grab, bago pa lang daw yung driver

    ibig sabihin ba nun, hindi siya nakinig dun sa seminar, at wala man lang paraan ang Grab para ma-test yung mga drivers kung tama ba yung ginagawa nila?
  • well baka ganun na nga, pag pasensiyahan mo na, pero dapat mabalik ang na charge sa iyo. :)
    ako lagi nag gragrb kahit magkano abutin kasi may receipt na ma rereimburse ko naman.
  • ^ sana ganun nga talaga..maiisip mo rin kasi na pumaparaan lang si kuya para kumita ng extra, kaya nga nag credit card ka kasi walang cash

    Wala naman problema sa akin, tama naman yung na-charge..yung sa naunang pasahero yung nagkaproblema..Maire reimburse naman ata yun nung unang pasahero kung nagreklamo siya sa Grab..

    Anyway, fair warning na rin..lalo pag nagmamadali ka at wala ng oras para magdispute, masasamantala yun
  • madami na mag lie low sa july 1 hehehe
  • yung mga manyak dyan pati yung mga driver sa jeep, magbate muna kayo ng itlog nyo o tumira kaya ng saging
  • Sana abutin ng death penalty yung mga pulis na nahuli na pumataya at naglagay sa drum nung businesswoman. Mga pulis pa man din, tsk tsk.
  • saka yung lalaking nang rape ng 3 years old na bata.
  • nanonood ako ng news kanina habang nagkakape..yung 2 babae na nakasakay sa UV express na narape..bwisit talaga! sana mahuli pa yung isang suspek. kawawa naman yung mga babae..habang buhay nila dadalhin yon..death by hanging na dapat dito sa mga nanrarape na ito.
  • ^ mukhang di naman daw UV express. private lang yata na nagpanggap na UV express. dapat talaga maging vigilang sa panahon na to na nagkalat mga addict. Check yung sinasakyan nyo na di colorum (lalo mga babae).
  • nanonood ako ng news kanina habang nagkakape..yung 2 babae na nakasakay sa UV express na narape..bwisit talaga! sana mahuli pa yung isang suspek. kawawa naman yung mga babae..habang buhay nila dadalhin yon..death by hanging na dapat dito sa mga nanrarape na ito


    nanginig laman ko nung narinig ko yung balita..

    parang sabog daw sa droga yung mga suspek..

    yung ganyan, hindi na dapat litisin, pampadami pa yan ng aasikasuhin ng piskal, abugado at hukom, tutal naman umamin na at identified ng mga biktima, diretso bitay na..

    naalala ko yung opismate ko dati na naholdap naman sa kolorum na fx..parang normal naman kasing may bumabiyaheng kolorum sa ruta niya papunta sa opis..since walang masakyan, dun siya sumasakay..

    nasaktong mga holdaper pala yun..inikot-ikot siya sa QC Circle habang kinukuhanan ng mga gamit niya, tapos nag-hanap pa ng ibang mabibiktima..may sumakay at hinoldap din, kinuha yung mga pinamili..

    binaba sila somewhere sa Commonwealth
  • Kaya mag grab uber nalang dapat mga babae kahit mahal pag ginagabi pauwi or papasok ng trabaho.
  • mukhang di naman daw UV express. private lang yata na nagpanggap na UV express.


    Madami nito lalo na sa Cavite area. Yung mga toyota at urvan na puti lang, wala markings na UV Express etc at mga puti lang plaka. Kaya minsan nagtataka ako bakit hindi hinuhuli to ng mga pulis considering na may out post dito mismo sa Kalayaan - Lancaster crossing. San kaya pwede ma report tong mga to? Perwisyo din kasi mga hayup, pampasikip lang sa daan nag ttraffic pa minsan dahil sa kanila.
  • good news, nanlaban daw ang isang suspect sa pulis, tepok na. sa ganito mabilis ang justice natin

    sana isunod na din ang isa.
  • tanong lang:

    ano kaya ang pakiramdam ng pumatay ng tao (kriminal)? yung tipong nakaluhod sa harap mo at nagmamakaawa.
  • ^ one thing for sure, natuwa yung binaboy na babae at pamilya nya.
  • tanong lang:

    ano kaya ang pakiramdam ng pumatay ng tao (kriminal)? yung tipong nakaluhod sa harap mo at nagmamakaawa.


    Depende sir. Kung ikaw siguro ang naagrabyado like ikaw ang kamag anak ng biktima, siguro andun yung feeling of revenge. Siguro kung ilalagay mo din ang sarili mo sa victim or let's say naging biktima ka na din dati, i think iisipin mong nararapat lang and you will think na you are doing the right thing. Depende na din sa crime na nagawa. Kung paulit ulit at walang halang na talagang pumapatay, i don't think magkakaroon ka pa ng awa jan kasi baka ikaw isunod, or ala spiderman, mahal mo sa buhay naman ang maging next victim
  • Sunod sunod ata rin ang napapatay na drug lords and pusher ngayon a.. Buti naman.
  • Am bilis umaksyon ng chr nung malaman nilang namatay ung isang rapist sa van ng qcpd. Lol. Chr talaga.
  • based sa news, madami palang biktima ung rapist na yun. may lumutang na na isa at nabuntis nya pa. may apat pa daw.
  • May viral video sa fb ngayon, college student hinipuan ng katabi niya sa van. Si kuya todo tanggi pa, at sinasabing masikip daw, eh nahuli ni ate yung kamay ni kuya na nasa hita niya.
  • mainam yan para mabawasan mga ungas, isunod na rin dapat ung isa ng di pamarisan. Tapos simulan na bitayin ung mga death penalty sa kulungan sabi ni pareng digong gawing 50 katao kada araw kung kulang daw dag2an pa hahaha
  • tanong lang:

    ano kaya ang pakiramdam ng pumatay ng tao (kriminal)? yung tipong nakaluhod sa harap mo at nagmamakaawa.


    hindi ako approved diyan na papatayin mo habang nagmamakaawa yung suspek na buhayin siya, mas maganda yun suspek mismo yung magmamakaawa na patayin na siya, its more satisfying..

    --

    may binalita kanina sa DZMM, taxi driver na nang-rape ng lasing na babae..

    nung narinig ko yung balita, may kasama naman daw yung babae, pero iniwan sa loob kasi mag cr daw, kinda dumb, namaling akala na walang gagawin yung driver dun sa kasama nila..e bigla daw humarurot at dinala sa motel yung babae tapos ninakawan pa pagkatapos gahasain..

    mabuti na lang at nakuhanan ng pic yung driver kasi nag-selfie yung kasama ng biktima, nahagip yung mukha nung driver..nahuli naman agad sa follow up operation, nakapila kasi ulit sa taxi bay yung driver..

    https://www.youtube.com/watch?v=ttvoqza7nNc

    nag-makaawa pa raw yung asawa nung suspek, may dalawa daw silang anak..

    misis, alam naman niya siguro na may binubuhay siyang pamilya, sana naman naisip niya yun bago gumawa ng kagaguhan..medyo maiintindihan ko pa kung hinoldap lang, e ni-rape pa yung babae..wala, inuna yung libog

    -- edited by Valorian on Jun 20 2016, 09:21 AM
  • hahahaha yan napapala kakapanood ng faketaxi nyehehehe.
  • I cant call this a modus pero kinabahan ako.

    So after so many long years dealing with buy and sell sites pangalawa itong experience na to na malala.
    I posted an item dun sa kabilang site and may nagtext na bibilhin daw yung item so ang meetup namin sa mall @ 8pm. Since wala namang feedback system dun and also i search the number online and walang lumabas pero i continued the deal. So ayun na nga mga 8:00 or before 8:00 nasa mall na ako sabi ko "magkita na lang tayo sir sa food court" he replied "hindi na ako makakapasok ng mall pumunta ka na lang dito sa labas". So ayun yung instinct ko na wag ng ituloy yung deal kicked in sabi ko parang modus to kasi grabe yung text na sunod sunod parang hinahadali ako nagtext pa "may sasakyan kami, pumunta ka na lang", "andito kami sa labas" , "naghahadali kami", "sir pakibilisan lang". So I replied back "dito na lang tayo magkita sir sa starbucks" So tagal ng conversation namin umabot siguro ng 30-40 mins kasi ang kulit i stand dun sa sinabi ko na dito lang ako makikipag deal sa loob ng mall. So ayun pumunta naman yung buyer sa starbucks and roaming the coffee shop minamasdan ko muna nagkunware pa akong customer kasi nakakakaba talaga. Pero ayun the deal went through naman and dahil sa pagkaparanoid ko naghanap agad ako ng shop na may UV light just to have the money checked.
    ---------------
    Tip ko lang wag na wag makikipag deal sa labas and even na iinsist sa inyo na maghahadali sila then stand with your words mahirap na sa dami dami ng modus ngayon.
  • ^ tama lang ginawa mo sir di bale ng paranoid basta safe sa panahon ngayon kahit may du30 na tayo kelangan padin naten mag-ingat..good job sir buti at walang nangyari sayo at ok ung perang binayad sayo
  • ayun na nga ang point e, makiki pag deal siya dapat may time siya i meet ka hindi yung mamadaliin ka nya. Dapat na isip ng buyer yun. (kung legit siya) na baka mag isipan mo siya ng masama. :) Isa pa umabot kayo ng 30 minutes kaduda duda yan, Usually ako mga 5 to 10 minutes lang pag naka ready na ang pera, check the items kung fake ba o hindi, may sira ba o wala.
  • ^Good job Sir anonymousX. Dapat ganyan tayo kung makikipag deal. mall dapat sa may pulis.
  • bakit puro addict lang namamatay wala pang mga riding in tandem or holdaper