Forum Topic

Criminal Modus Operandi! Share your scam experiences!

  • Oh sa mga gustong makipagkilala sa mga chicks..
    Natanggap kong PM

  • Ewan ko kung modus.

    Kahapon sa megamall, yung driver kumain dun sa canteen sa parking area ng megamall (bldg b, 3rd floor) tapos yung crew daw tinanong pangalan nya, pero hinde nya sinabi, tapos sinasabihan daw sya na nasaan daw yung cellphone na hiniram nya at bakit ngayon lang daw sya bumalik eh ang tagal na daw nun. Pinagbibintangan sya na hiniram nya daw yung cp at nakitext. Mabuti naman at marunong sumagot yung driver at hinde nagpasindak. Nung sinabi nya daw na tatawagin nya kame sinabi daw sa kanya na wag na sige na daw umalis nalang daw sya.

    Di ko alam kung anong anggulo nung mga loko. Iniisip ko siguro iniisip nila maging reaction eh wala syang hinihiram sa kanila tapos ilalabas nya cellphone nya at lahat ng laman ng bulsa nya, ineexpect siguro nila ilabas din yung susi ng sasakyan tapos sasalisi na pag distracted na yung driver.
  • Condolence mastercritic82...

    Ingat mga kaTPC magbeber months na naman...
  • Sana mainform ang lahat sa bagong modus nila ngayon..
    <click here for link>
  • received this message on my mobile phone the other day

    medyo malabo kasi sa phone sulat ko with the numbers that sent me this

    Ma/Pa. nadisgrasya kmi d2ako hospital. nki txt lang aq
    nsira cp ko loadan mo # 09071221592 p300 lang may
    ttwagan kmiimportante langpoh.
    pzl hintay ko ma!.



    naki txt lang daw pero ayun pa rin sim ang gamit

    print screen ko para may proof





    malabo lang kasi webcam lang gamit pang capture ng screen

    -- edited by laggers000 on Aug 14 2014, 05:02 AM
  • ^ nakatanggap ako ng ganyan text dati pa, sinagot ko ng; \"mas malaki pa ang kakailanganin mo dyan pagdating ng karma mo, wait ka lang ha?\"
  • last two days ago ay meron ako nareceived na ganito txt message sa roaming no# ko.

    Kmusta na kyo? e2 na bgo kung roaming #. D2 nyo nako itxt plagi smart ofw sim na gamit ko tipid lang txt d2.mis ko na kyo. ingat kyo plagi. Txtbak


    Nakalimutan ko magpaload kaya hindi ako nakapagreply sa roaming ko kaya napilitan ako magreply ng P.I. gamit ang simcard ko dito sa abroad. =D
  • RE: ATM Scams

    Ingat din kayo sa mga ATM machines na nasa labas lang (BPI ATM: Gaya ng sa ayala underpass, sa BGC Fort Strip at kung saan-saan pa)

    Hindi lang mga devices na nasa interface ang pwede makakuha ng data niyo, ito yung madalas maibalita. Marami ring mga atm ang compromised gamit yung mga private vpn devices.

    Ito yung sample diagram ng ATM papunta sa network:

    Modem - via RJ45 - ATM

    Yan yung normal, yung modus pinapagitnaan yung modem at atm ng vpn device na konektado sa wireless broadband or other means.

    Modem - RJ45 - vpn device (na may isa pang connection papunta sa internet) - RJ45 - ATM

    Kung ano yung nailalabas na data papunta sa bank network, nakukuha rin nila.


    May client kasi ako na network eng\'g sa isang banko, at pag nag su-survey daw sila sa mga ATMs nila, madalas nila makita na may mga ganung device sa ATM (ng ibang bangko)
  • Share ko lang...

    Itong mga Bus na LRT Ayala hanggang Baclaran/Costal, eh talagang dagsain ng mga Holdaper at Mandurukot.

    Kapag Rush Hour papasok at pauwi, mandurukot ang nanjan. Mga nangiipit sa pagsakay at pagbaba. Kung kelan ka bababa, saka sila sabay sabay na bababa at gagawa ng eksena na mabagal bumaba para magkaroon ng time para makadukot yung mga kasabwat nya sa iyo.

    Kapag naman hindi na Rush hour, magingat naman sa mga Holdaper. After LRT Station, medyo konti na ang tao kaya pag konti na lang kayo sa Bus, saka naman sila mag declare ng HOLDAP.

    Para maiwasan, maging mapagmasid. Usually, tignan nyo yung mga tao kung palipat lipat ng upuan na hindi naman kailangan, kapag feeling nyo din na magkakasama sama pero nasa magkakaibang pwesto, di naguusap pero nagtitinginan lang.



    Experience ko, mga 11:30PM, merong parang bangag na palipat lipat ng upuan. Naka Cap at Naka sando. Matatakot ka pag nakatabi mo. Mukhang may dalang matulis din na bagay na nakaipit sa pantalon nya sa bandang likuran. Madaldal din parang agaw attention. Pero tingin ko, decoy lang sya para makakuha ng attention ng mga tao. Napansin ko syang nakipagtitigan sa ibang lalake sa bus at may parang hand signal syang ginawa na unnecessary. Nung kinutuban ako, bumaba na lang ako. Sumakay na lang ulit ng ibang bus papuntang baclaran. Yung sinakyan kong bus naman, pansin ko din na may grupo ng mga kalalakihan na parang magkakakilala pero hindi nag uusap. Tapos nakita ko na kung kelan may bababa, saka tumayo yung nasa unahan at nag delay ang pagbaba. Tapos saka naman tumayo yung ibang nasa harapan din. Halatang may raket. Nakababa sila. Hindi ko lang alam kung may nadukutan. Pero sabi nung driver at kundoktor, mga magnanakaw daw yung mga yun. Halata kasi sa style at alam na nila lalo na at konti ang tao, walang dahilan para magbagal sa pagbaba ng bus.


    Nakalusot ako sa dalawang ito sa loob ng isang gabi sa magkaibang bus. Pero hindi pa dyan nagtatapos. Nadukutan na din ako dati ng iPod nung baguhan pa ako sa trabaho.

    Nakakainis lang, parang laging walang pulis.

    Dapat talaga sa mga to pinapatay na. Kasi papatay din naman sila pag nalagay sa alanganin. Salot sa lipunan.
  • Crimebuster Support Group scam

    http://www.tipidpc.com/viewtopic.php?tid=168213


    got a call this yesterday afternoon.. same modus operandi.. Crimebuster Support Group daw based in Camp Aguinaldo.. Col Hernani Acosta daw sya... 5000/ticket para sa programa nila inclusive of dinner sa QC .. nagoffer din ng ID & calling card ..
    ganito modus nila:

    I received a call around 3 to 3.30 pm ..nagring yung phone , tapos hinanap pangalan ko... nung maconfirm sabi from QC Intelligence group daw based in Camp Aguinaldo at kakausapin daw ako ni Col Hernani Acosta. Normally, pag di ko kilala or solicitations binababa ko agad phone pero coming from \"allegedly\" police, sinagot ko. .. Mabait naman kausap, Si Col Acosta daw sya at nagrerequest lang kung pwede ako sumupoRta sa kid\'s education project nila... magaling sa psychology tong grupo na to.. una kakabahan ka bat meron tatawag na taga Aguinaldo, tapos you feel a relief na yun lang pala so you\'ll just do anything to get them off your back...so yun na, inofferan ako ng 3 tickets , na 5,000 each... ticket daw to sa dinner, at bibigyan din ako ng ID & calling card nya para in case na magkaproblema with MMDA or police pakita ko lang daw yun , ok na.
    so sabi, ok para na rin sa mga batang nagaaral, i\'ll get one ticket, sabi ko kelan nyo pipikupin yun cash.. biglang paran natuwa at sabi mga 5 pm meron pupunta jan tapos tinanong full address ko.. ditto na pumasok yung kabobohan ko kasi binigay ko full address pati floor & room number.
    Ganito ata pakiramdam ng mga nadudugo-dugo.. nagwthdraw ako ng money tapos niready ko na.. kinukutuban na rin ako and si misis nagtatanong na kung ano & sino ba yun. hindi nagger misis ko, so parang nagparamdam lang na worried sya.
    mga 4.30 ata, tumawag yng secretary daw ni \"Col Acosta\" daw at sinabing next day na lang at 9.30 am, since kinutuban ako tinanong ko uli yung detalye. Nagsearch ako sa Internet , wala ako makita.. Buti na lang naisip ko ba sa TPC meron .. salamat ng marami, ditto ko nabasa yung mga detalye. &yung nasa link)
    So ginawa, prinint ko yung TPC thread tapos pinabasa ko sa mga guards ng bldg... sabi ko bukas pag me naghanap sa kin, paki hold lang kasi scammer yun..


    sa kanina dumating yung collector nila sakto 9:30 am.. babae , 57 years old.. me photo & video ako. kasi nirecord ko habang tinatanong ko .. parang interrogation na nga kasi nabaliktad na.. ako na yung nasa point of strength kasi alam ko na scam na.. sinabi vinivideo kita alam ko scam yang ginagawa nyo,
    for my own security & peace of mind, I decided na ipa-blotter para merong official record so dinala namin ng head of security sa barangay..nagmamakaawa nga na kung pwede wag na lang
    ..
    . dun sa barangay hall.. ininterview sya ng pulis ... pinakita ko yung Crimebuster Support Group ID, tinawanan lang .

    Sabi nung police, yun palang tatawag sa bahay mo na di mo naman kilala tapos ayaw sabihin kung pano nakuha numbre, violation of of right of privacy na.. then yung pupunta sa bahay mo para magsolicit without barangay permit, another violation..

    gusto na ikulong ng pulis.. yung violation nya good for 6 months na . sabi ko sa scammer... wag na kayo tatawag sa bahay, I-delete ang record ko sa file nila, di na ko maggfifile sa kanya. . iniiwan na namin sa barangay hall kasi iniinterview pa nung pulis at mukang balak syang tuluyan. Galit sila ditto kasi nagagamit at nasisira mga pangalan ng official nila pati HQ at image na ring ng PNP dahil sa namedropping ng mga ito.

    -ganito yung mga tanong ko kanina bago kami pumunta sa barangay
    1. Duda ako jan, kung gusto mo pumunta muna tayo sa Police HQ, pag authentic babayaran ko,, .ayaw

    2. Call natin staff ni Mr Tulfo, baka gusto rin nila bumil ng ticket kasi para sa mga bata naman yan.. ayaw din.


    Sayang nga di ko naitanong kung bakit di nya gamitin yun Crimebuster ID nya total pulis na kausap nya.

    Pinost ko lang as my way of paying forward.. Kung wala yung TPC malamang na-scam na ko at tuloy tuloy na to kasi modus nila pag nagbigay ka sunod sunod na yan.


    Sana makatulong to prevent potential victims from being scammed by this group.
  • Good thing you didn\'t fall for the scam. A stranger that calls and knows your name without a good reason is automatically suspicious. Even if the caller creates a believable reason, anything that involves handing money or anything valuable over to a stranger is 100% bogus.
  • @ariel
    nice.. salamat sa pagshare. Sana nga tinuluyan ng pulis.
  • Maybe you should post pictures of the scammer here as well. It would also help.
  • ma-exposed na rin sana sa media para matigil na nang tuluyan ang mga kalokohan ng mga pu7@***!
  • Extortion through bogus claims. Entrapment ang nangyari. Nice save on your part. Maganda sana din kung involved ang T3 sa ganitong sitwasyon. More media coverage to spread awareness.
  • I have photos/videos of the collector & IDs & tickets. I\'m not sure if it\'s legal though to post of \"suspects\" here in TPC. Under law, she\'s still considered as innocent until proven guilty. but maybe I can post her Crimebuster ID. I\'ll post it later... nagmamadali lang ako isulat & ipost to.
    I can\'t stress enough na without TPC baka nabiktima na rin ako. so salamat talaga. I consider myself smart & very wary of peole with bad intentions. Pero pag naunahan ka ng kaba ganun pala. Sabi nga nung wife ko, parang ibang tao ako during the moment, nagmamadali pa bumaba para magwithdraw.
    So if this ever happens to you., just step back, relax and think for a moment. You are smarter than these criminals. I play chess so when I realized that this is a scam after the second call I regained my confidence & devised a plan to set a trap. First, I thought they realized na mahigpit security sa bldg so hindi na nila tinuloy.
    Their blunder is tinuloy pa rin nila. Their main blunder is pumunta talaga sa loob ng bldg. This is important kasi pag pumasok sila sa loob, responsibility ka na rin ng building security & (and barangay officials if in your case you informed them). I think it\'s their greed akala low-hanging fruit & easy money. Play dumb initially, then since your\'re playing in position of strength, attack with full force. I brought a GoPro clone camera, (dito ko ata sa TPC binili)), printouts of TPC thread,
    Nung una ngitng aso kasi akala easy money. Then yun, I said I\'m putting this on record, then tinanong ko na ng tinanong, attack , find loopholes in their statement, paulitulit... unti makikita mo nagbebreak down na confidence.. if they can name, you namedrop too.. sa Tulfo brothers, takot yan, drop the name of the chief police in your area sabhin mo sinabi mo chief & gusto rin bumili, kasi kung legal yan with confidence sasama yan sila to prove na totoo.
    Pero it should be impt na you make it look like a normal conversation not like you are detaining him/here
    Ako, I confronted her alone in the lobby, but sa front desk ng guard & also guards are loitering around (I informed them earlier about the scam).
    Kung nasa bahay kayo, at this point dapat pumasok na barangay, parang guest lang.

    At this point, her position is very weak, and I made the final move (check in chess). sabi ko this is clearly a scam so let\'s go to the barangay just to make this incident an official record and for my safety as well.

    Tips: never threaten, never shout, never make physical contact even a tap on shoulder, always your normal voice.

    However, do notice that the main player is playing a chess of game too because they sent a \"pawn\"..courier lang yan.. baka kunng tinuluyan yan, biglang nawala na sa office yan kasi at some point nagtext yung scammer & a few minutes later meron tumawag sa barangay to talk to her.. parang tinatanong kung ikukulong ba sya.
    The main brains are out there.

    - eto nga pala... tinanong sya ng pulis, if this fellow hand you over the money, me resibo ka? sagot nya. wala po sir.

    -me instruction dun sa letter to deposit in the group\'s bank account.. sabi nung police officer, pag nagdepoist ka dun wala kang habol because you did it on your own. ... nabasa ko dun sa thread na habang di ka pa nagdedeposit, tatawag lagi sa bahay nyo and they will harass & threaten you.


    - advice din ng police: never meet them outside.... sabi nya meron nangyari na resident din dito pero mineet nya sa labas dun sa me kanto... I agree, you lose you position pag sa labas ka nakipagkita/


    so again.. thank you TPC and dun sa TPC member na nagpost!.. I hope this message will least one potential victim .

    if these people are smart, we are smarter than them. These people are playing on our ingrained/indoctrinated fear of military/police/authority. This is their position of strength (thus the use of positions ;ilke Colonerl/Major/General, use of power-sounding names like Bello, Acosta, etc, and name dropping Camp Aguinaldo). However, their weakness is greed, money.
    If you realize that this is a scam & they didn\'t realize that you already knew that it is a scam. then you reversed the position & you are now playing in position of strength, now you are playing on their weakness: greed & money.
    This is quite a dangerous game fellow TPCs, so play with it the real authority like the security/barangay/police, or even the media on your side.

    This scam has been happening since 2008. maybe earlier and this is now 2014, meaning the brains are still out there.
  • dapat nag sampa kayo sir, di dapat nagpapadaan sa pakiusap kasi kung hindi ka naging aware, ikaw yung madadale. fyi, kung mapapansin nyo sa tv kapag nahuhuli ang mga yan, mas maamo pa tupa at may paiyak iyak pa kunwari nag sisi. pero hindi ako naniniwala

    mas makakatulong po kayo kung pinatikim po ng rehas yun. kasi kung hindi iisipin nila ganun pala kasimple lumusot, konting iyak, hingi kunwari tawad tapos ayun back to operation sila. ganun p man, salamat sa pag share ng modus nila

    -- edited by CarloSan on Aug 17 2014, 09:13 AM
  • gusto na ikulong ng pulis.. yung violation nya good for 6 months na . sabi ko sa scammer... wag na kayo tatawag sa bahay, I-delete ang record ko sa file nila, di na ko maggfifile sa kanya.


    Really??? You trust them to do that? LoL.
  • ...I can\'t stress enough na without TPC baka nabiktima na rin ako. so salamat talaga. I consider myself smart & very wary of peole with bad intentions. Pero pag naunahan ka ng kaba ganun pala. Sabi nga nung wife ko, parang ibang tao ako during the moment, nagmamadali pa bumaba para magwithdraw...


    Here\'s an important point: Don\'t be afraid if you know you haven\'t done anything wrong. Many modus operandis operate on the premise of fear (\"sindak\") making people lose their wits, for example the ones wherein you get accused of stealing some cellphone or harassing some girl. If you know you\'ve done nothing wrong then do not be afraid to confront your accusers and settle things at a police station (not with the \"bogus policeman\" that\'s their accomplice).
  • Sir Ariel, thanks for sharing but you lose a chess move on something very important. You should have assured that that scammer was grilled and sent to prison. Di mo dapat hinayaan sa pulis yun. Pakawalan lang nila yun unless you\'ve signed an affidavit detailing the scam for filing a case. Ako nun pagsasalitain ko yun if sino utak nila before turning her to police. (if that\'s a guy, I\'ll add a bit violence.) It doesn\'t make sense if their \'pawn\' has sent to prison. They can get one somewhere easy. Sawa nako sa mga modus na ganyan and I am dying to have my knuckles marked on their face. if I can corner one, I\'ll harvest their organs myself and put them in good use to someone deserved to live. Thats how frustrated I am against these scumbags.

    By the way, just last night at the grocery store in Market Market mall, may napansin wife ko na may teen na sobrang dugyot na nag withdraw ng pera without an ATM. He\'s got a 1K and a receipt. Buti napansin din ng guard and she\'s calling a backup kaya umalis na rin kami. The lady guard is just less 3 meters away from the ATM machine. Wala na talagang pinipiling lugar mga magnanakaw. Lesson here, fellows, is that ATMs inside the mall are not safe anymore. So we\'re left on our own how to secure our hard earned money.

    * added few lines

    -- edited by Kentthegreet on Aug 17 2014, 10:30 AM
  • Really??? You trust them to do that? LoL.


    +1


    But thanks for sharing sir. A bigbig help sa tpc community.
  • once na tumawag pa sila sabi ko tutuluyan ko yung kaso , I said I\'ll be recording incoming calls. since nakablotter , andun yun home address nya,
    yung mga evidence like IDs, solicitation letter, dinner ticker.. kinumpiska ng police as evidence. sabi nya kasi balak nya sya magsampa ng kaso ... galit yung police kasi sabi nya nalagasan na syan ng myembro ng pamilya dahil sa ganyan, yung police, assigned yun sa barangay to handle incidents, dun sya nakaposte.

    it\'s easy to post LoL as your retort but I think it\'s a different thing if you\'re the one confronting faceless/nameless crooks. I know it sounds stupid to let go on my part but it\'s between the police and her group now. I\'ve done my part, the police will do the next move. On the scammer\'s part, it\'s a different level of game because it\'s the police not a potential civilian victim that they\'re facing now.
    nung umalis kami sa barangay, ininterview pa yung scammer ng police.

    here\'s the photo of IDs

    <click here for link>

    -- edited by ariel908 on Aug 17 2014, 11:16 AM

    -- edited by ariel908 on Aug 17 2014, 11:17 AM
  • buhay pa pala ang mga ghostbusters, este crimebusters.

    sana madala na din sila at tumigil na.. :)
  • Dahil jan.. pang-chill hehe LOL (may part 2 na 16min video)
    <click here for link>
  • Useless, irrelevant post.

    Much better...
    <click here for link>

    -- edited by limyar on Aug 18 2014, 09:40 PM
  • @ariel908

    iri-release lang ng mga police yan kasi ikaw ang dapat magsasampa ng kaso kasi ikaw ang biktima... so once na idrop mo yung kaso... wala ng reason ang police para idetain pa yung taong yan... kung meron man... sobrang minimal na lang (possession of fake IDs etc)... i am sorry pero huli na sana... pinakawalan mo pa... kung itinuloy mo kaso... may chance pa mahuli ang mga kasama nya kasi iba yung taong kausap mo sa telepono at iba nag taong pumipick-up... mapipilitan sya magsabi ng totoo or face a longer jail time...
  • Exactly also my point, Sir James. Grabe sayang talaga. Nasa kamay na para malagasan sila nawala pa.
  • ganito na lang.. no money was exchanged, it has not gone beyond two calls (no more calls after I reported), so I\'m not too eager to file a case.. if you\'ve you been a victim who lost money & looking for these crooks, or an online/real vigilant citizen who goes after these people, I\'d be happy to provide the details (the exact time/location/barangay for the blotter report). The police can actually file a case, sila na ang complainant because the scammers are misreprensenting themselves as part of the police/military organization.
  • The police can actually file a case, sila na ang complainant because the scammers are misreprensenting themselves as part of the police/military organization.


    exactly.
  • sa totoo lang marami nahuhuli ganito and iba pa krimen, ang problema walang aksyon
    sadly but true

    need ng effort talaga kasi, kakainin oras mo