Forum Topic

Fully Automatic Washing Machine Thread

  • hi guys!

    would like to seek your recommendations for the most affordable automatic washing machine (sana inverter type din but let me know if hindi din) na bang for the buck. medyo limited budget but gusto ko na kasi magupgrade from the conventional washing machine to a new one na di masyado hassle maglaba. salamat!
    Re


    up ko lang po :)
  • ^For how many persons? What is the budget?
  • dm1179 at mga kapatid sa paglabada,
    Napagusapan nyo na ba dito ano magandang detergent for washing machine. Long time pride user kami since 1991 pa ata. Nag try ako mag Surf with fabcon pero parang gusto ko bumalik sa pride. Kahit ano kasi sa dalawang iyan nagkala-suds yung ibang pants ko lalo na pag nylon. Eh kesa isaisahin ko pa subukan iyang mga sabon tanungin ko na kayo ano ba magandang sabon, kung meron naman na parang special detergent kayo na ginagamit, ano yun at san pwede mabili? Thanks.
  • @dm1179

    sir 4 to 5 persons lang naman kami sa bahay. :) sana close to 15k lang if may ganun ba. 10k-15k realistic budget
  • @bluet0ps: Pride ang gamit namin sa bahay.


  • sir 4 to 5 persons lang naman kami sa bahay. :) sana close to 15k lang if may ganun ba. 10k-15k realistic budget


    Recommended 10 kg and up washing machine for 5 and up persons.

    Mas maganda malaking machine para hindi hirap sa work load at mas mapahaba rin ang service life.

    Pag inverter, mag-ready ka ng P25k and up budget.

    Yung binili namin Panasonic NA-F115X5 11.5 kg is P22,999. Non-inverter.
  • dm1179,
    Hahaha! So, its pride all along. Thanks!

    teyr,
    Kung kaya naman magdagdag sa budget mo maganda na yung recommended ni dm1179. Pero kung hanggang 15 k talaga may mga top loader na 7.5kg na pasok jan from LG panasonic samsung. Iwas lang sa electrolux, based on experience ko.
  • @bluet0ps

    Would you mind sharing yung experience nyo sa Electrolux? Kasi ang choice ko na FAWM ay yung inverter ni Panasonic pero yung aunt ko ang gusto ay Electrolux.
  • bumili ako ng FAWM last sunday, nasira na kasi yung spin-dry ng manual ko after 8 years. Panasonic NA-F115X5 11.5 kg and kinuha ko, 21.8k bigay sakin.
  • vanhale,
    Electrolux 7.5kg fully auto top loader with bubble machine (nakalimutan ko exact term na ginamit nila for the bubble machine). Eto yung may parang oxygen generator ng aquarium sa ilalim ng washing machine. After a year of use ayaw na umikot kasi napupuno ng bubbles yung wm. Upon inspection sa ilalim nakita ko nga na may bubble maker sa ilalim. Pinutol ko yung power source nung bubble maker na rectangular box at yun, nagwork na sya as normal. On its 2nd year also, nagloloko na yung lcd, di na maayos yung display, pero dahil kabisado ko naman pipindutin nagagamit ko pa rin. Then, habang baglalaba biglang kumalabog tapos nakita ko naka tabingi na yung drum sa loob. Naputol na pala yung isa sa 4 na suspension rod na bumubuhat sa buong drum. Binaluktot ko at nilagyan ko ng alambre. After that sumunod naman Maputol yung isa pa. On the 4th year malala na talaga yung board, erratic na at yung programs di na mapindot.

    Chinaga ko talaga kasi ayaw kong mapahiya ke misis. After the breakdown of our LG i told her na bibilin ko ying matibay pero malala pala yung nakuha kong electrolux. Hehe.

    Ngayon nag samsung na tag 12.5k lang ako. Ang ratio ko ngayon sa pagbili ng wm is yung mura lang tapos binababaan ko rin service life expectancy ng mga 4-5yrs lang. Parang mabubwisit siguro talaga ko kung bibili ko ng 20k up wm tapos masisira in 3 yrs. Hehe.
  • Maraming salamat for sharing sir @bluet0ps!
  • Para kasi sa mga umabot sa 80's matunog na matunog yung pangalang electrolux dahil sa commercial nila noon na "I'm your friendly electrolux man". Hehe, only to findout that quality then eh iba.
  • Recommended 10 kg and up washing machine for 5 and up persons.

    Mas maganda malaking machine para hindi hirap sa work load at mas mapahaba rin ang service life.

    Pag inverter, mag-ready ka ng P25k and up budget.

    Yung binili namin Panasonic NA-F115X5 11.5 kg is P22,999. Non-inverter.


    sir dm1179, bale ako, parents and isang 4 years old na bata lang naman kami. okay na kaya yung mga 15k na washing machines? malakas ba sa kuryente pag di inverter?

    teyr,
    Kung kaya naman magdagdag sa budget mo maganda na yung recommended ni dm1179. Pero kung hanggang 15 k talaga may mga top loader na 7.5kg na pasok jan from LG panasonic samsung. Iwas lang sa electrolux, based on experience ko.


    sir bluet0ps
    may specific brands and model ka bang preferred sir?

    salamat po!
  • teyr,
    wala sir. si sir dm1179 ang mas maraming alam jan. pero I bet kahit yung mga datihan na nahihiwagaan pa rin sa kung anong brand and model ang tatagal sa end user. sakin siguro narrow down nalang sa mga kilalang brands like LG, panny, samsung, for budget grade, maytag, speedqueen,american home, etc. for commercial grade.
  • Any user of BEKO WTL7019w here?
  • @ Tawiti
    Anong brand ng fawm na may agitator?
    4 persons in home.

    -- edited by Bogie67 on Oct 22 2017, 05:31 AM
  • sir dm1179, bale ako, parents and isang 4 years old na bata lang naman kami. okay na kaya yung mga 15k na washing machines?


    I suggest list down the models na pasok sa 15k budget mo. Compare features, spec and power consumption.

    malakas ba sa kuryente pag di inverter


    Hindi kami nag-measure ng power consumption ng washing machine sa bahay eh. There is no way to measure it unless kabitan mo ng sariling power meter ang washing machine. Mahina lang sa kuryente ang mga washing machine unless meron sila built-in water heater. Panasonic NA-F115X5 only use 550W for wash and 360W for spin.
  • Mga sir question.

    Napansin ko may tubig sa loob ng AFM unit ko na di natatanggal. Kahit i-drain na, andun pa rin. Pag inaalog ko yung unit, rinig mo may tubig sa loob.

    Every 1 month nag tub hygiene ako para sure malinis yung loob. Sharp AFM pala gamit ko. Baka may naka encounter or may alam pano tanggalin yung tubig na yun? Salamat!
  • Bros, ayaw na mag on ng Samsung Wobble FAWM ko. A few years old pa lang 'to. Ok pa naman kanina.

    Itawag na sa Service Center 'to?
  • Kaka-deliver lang samin ng first FAWM namin na Panasonic NA-120VX6 sa Fair&Square. Hindi pa namin binubuksan until now. Baka pwede makahingi ng general tips sa mga long-time users dito. Maraming salamat in advance! :)
  • ayaw na mag on ng Samsung Wobble FAWM ko.


    Following ako sir. Samsung wobble din gamit ko. Mukang service kelangan jan. Pero yung chord naman hindi damaged?
  • Hi all, Baka po may reviews kayo for WA90J5710SG and wa10j5750sp. Planning to get one. Mas mura ang 9.0 pero ang 10 naman po ay direct inverter.
  • @vanhale: Nice. How much kuha mo sa Panasonic NA-120VX6?
  • Nakuha po namin yung Panasonic NA-120VX6 at Php33k. Nag-aask din kami sa store ng free installation at demo if possible :)
  • Good pm sa lahat! Ask ko lang kung ano mas okay sa dalawa Panasonic NA-F135X5 13.5kg or LG WF-S120V 12kg. Hindi naman nagkakalayo sa price, gusto ko lang malaman kung ano mas matibay sa dalawa. Thank you!
  • Following ako sir. Samsung wobble din gamit ko. Mukang service kelangan jan. Pero yung chord naman hindi damaged?


    Ok naman yung cord.

    Anyway gumana na ulit sya after a few hours. Baka napagod lang hehe. Observe ko muna.
  • NA-F90A1WRM 9KG musta na users?
  • Mga ganitong panahon maaapreciate mo ang hrater sa AWM. Wahahaha. Spin dry kang sa amin. Hirap patuyo. Amoy kulob.
  • panasonic na-f60mb

    Boss ok po ba ang panasonic na-f60mb for two persons lang po, ito lang po kasi yung kasya sa provision na binigay for washing machine. 2015 inches lang yung width provision

    Salamat po
  • Nakuha po namin yung Panasonic NA-120VX6 at Php33k.


    Good price na yan for me. P38,999 yan sa Anson's website. SRP: P54,999.

    <click here for link>

    Nag-aask din kami sa store ng free installation at demo if possible :)


    Installation of washing machine is very simple. Connect water hose to faucet. Connect power cord to AC wall outlet. Ready to use na.

    Ang pwede lang magpatagal dyan is kung hindi tama ang adaptor ng water hose sa shape ng faucet nyo. You would need a different adaptor.

    Yung sa Electrolux front loader ng sister ko, may free install at demo from Electrolux mismo. Sa Las Pinas sila that time.

    Pero dito sa province, hindi uso ang demo. No big thing, I just read the owner's manual completely.