Forum Topic

Washing Machine fully automatic owner! ano po kayang magandang & matibay na brand???

  • @heaux mother mo ba ang naglalaba by hands? Ganyan din scenario sa bahay before, may thinking na mas malinis pag kinamay. Pero na convince ko na bumili ng FAWM (Panasonic). Mas malaki benefit ng time save ng FAWM kesa sa "mas malinis" na laba. Sabi ko sa nanay ko, pag may nakita ka na hinde ka satisfied sa nilabhan, edi isama ulit sa next wash. Ayun adik na maglaba ng the next few weeks, like 3-4 loads a week.

    TIP: Do not overload. Dahil kahit gaano pa kamahal yung machine kung overloaded eh sure na hinde malinis.
  • Guys, nagagamit nyo ba FAWM nyo ngayon na mahina ang water pressure?
  • ^exact reason why we went with Panasonic since designed for low water pressure.
  • @crashandburn, napansin nyo ba sir kung mas humaba ang operation time now that we have low water pressure?
  • ^mas mahaba kasi mas matagal yung pag fill ng tubig. Pero at least hinde kagaya ng ibang brand na may minimum required pressure na pag hinde na meet eh mag eerror na at hihinto for manual intervention
  • @crashandburn, Thanks!
  • Agree with overloading.
    Nag sale sa SNR last week, napabili ko ng liquid detergent.
    Medyo mahina pala sa bula yun. Konting Pagsisisi.

    I like the pre setting feature.
    pag unbox ko ng 16k FAWM Panasonic parang napaka simple lang ng internals upon checking, mukang marketing at computer ang binili mo talaga..he he..

    July manganganak si Misis, matest ang heated water.

    Previous owner of Samsung FAWM 6.5kg (15 years before we retired it, binigay sa iba, pero ayos na ayos pa)
    Parang hindi ganon ka significant ang difference nya interms of tub volume vs 16kgs. pero ang nakalagay sa max water level is 99Liters. hanggang 70+ lang muna ako.
  • ^mas mahaba kasi mas matagal yung pag fill ng tubig. Pero at least hinde kagaya ng ibang brand na may minimum required pressure na pag hinde na meet eh mag eerror na at hihinto for manual intervention


    Nag try kami kagabi, timer specified: 54 minutes pero mga 1 hr 15 minutes umabot ang run time. Observed the WM during operation, matagal di gumalaw ang timer habang nag iipon ng tubig. Nice!
  • @euen

    Mas mabula not means mas nakakalinis. Ganyan din first impression ko nung gumamit ako ng liquid detergent.
  • Most HE or front load detergents are not designed na maging mabula.

    Warning na din sa mga mahilig sa mabula na may front load. Pag hinde designed sa machine nyo yung sabon, pwedeng ma void warranty. Ang nangyayari kasi yung sobrang bula eh nagbaback flow sa pinapasukan ng sabon all the way to the electricals/PCB which causes short circuit.

    I highly suggest to follow yung amount ng sabon which is normally 1 scoop for normal load or 1 1/2 for full load.
  • Hello mga Sir!

    Kakabili ko lang Samsung WA80J5712SW sa Ben Son, 16,999.00

    May mga nakagamit na ba nito sa inyo?

    ***
    mukhang OK naman itong Washing Machine na ito..
    madali ituro kay Misis at sa Anak ko..

    akala ko pan-lalaki lang itong Washing Machine na ito eh.. buti na lang.. hehehehe..

    -- edited by ivan_lee05 on Apr 05 2019, 06:54 PM

    ***

    ayos na ayos naman pala.. sing-linis ng conventional two-tab Washing Machine namin (LG 7kg forgotten model - 12years in service. kung di lang naging Washing Machine ng Bayan, baka umabot pa ng 20years!)

    kaya fully auto na pinili ko kasi gusto ko sa loob na ng bahay at since pareho kami may work ni misis, panis na ang maglaba..

    Spin Dry and Wash, halos same sa Two Tab namin.. mas tipid pa sa H2O kasi controlled.. di mo rin pansin na tapos na.. seselpon lang anak ko habang naglalaba.. [email protected]@[email protected]@[email protected]

    -- edited by ivan_lee05 on Apr 05 2019, 10:04 PM
  • planning to buy FAWM, normally ba ilan hours duration ng isang wash cycle? I was thinking kung pano na ang batches ng laba pag naka-FAWM. Currently kasi heto ang wash batches namin:
    - adult clothes white
    - adult clothes dekolor
    - baby clothes
    - toddler clothes
    - beddings / curtains

    so kung 1hour per wash cycle kunyari sa FAWM, eh di abutin ng 5+ hours kung sakali?

    planning to get the 12-14kg WM, baka pag masyado underload mas bumaba pa yung washing time.
  • ^Yup around 1hr cycle time. Sa una mo lang iniisip na matagal sir kasi baka nasanay ka na dirediretso 2hrs ka naglalaba kapag manual. Sa automatic kasi after every cycle, 5-10mins lang yung paglagay mo ulit ng bagong damit at pagsampay. Pwede mo rin gamitin yung presets para ilagay mo na yung damit sa gabi tapos sakto sa umaga matatapos.

    Mukhang ok din yung current setup niyo ng batches, pwedeng same style na sa FAWM.

    7 kami sa bahay ngayon tapos dalawang magkahiwalay na laba and more than enough na samin yung 8kg capacity na FAWM. Panasonic NA-F80A5.
  • Gamit na gamit sakin recently yung delayed start/preset. Ginagawa ko siya dun sa mga kailangan pa i-soak, usually kasi 2hrs pag soak cycle. Sa gabi ilalagay ko tapos i-setup ko lang na saktong pag gising ko magsasampay ako at magsasalang ulit ng bagong damit bago kumain ng breakfast.

    Malaking improvement kesa dati na Sat morning hanggang tanghali naglalaba lang kami. Ngayon after breakfast usually isang cycle na lang then tapos na kami maglaba. More time to do other things. :D
  • heto rin gusto ko mangyari. sa nabanggit mo na 8kg gamit mo, mukang sobrang laki nung target ko na 14kg ng Panasonic. re-consider ko mga options namin.
    Gamit na gamit sakin recently yung delayed start/preset. Ginagawa ko siya dun sa mga kailangan pa i-soak, usually kasi 2hrs pag soak cycle. Sa gabi ilalagay ko tapos i-setup ko lang na saktong pag gising ko magsasampay ako at magsasalang ulit ng bagong damit bago kumain ng breakfast.

    Malaking improvement kesa dati na Sat morning hanggang tanghali naglalaba lang kami. Ngayon after breakfast usually isang cycle na lang then tapos na kami maglaba. More time to do other things. :D
  • Depende rin talaga siya sa usage. Yung paglaba kasi samin bale twice a week, yung weekday nilalabhan yung for 5 persons. For 2 persons naman yung nilalababhan pag weekends + comforter or kumot.

    Pero kung gusto mo na isang cycle lang talaga lahat ayos na rin yung malaking capacity. Saka kung may budget, why not
  • heaux Send Message View User Items on 31 Mar 19 @ 11:43 PM #

    May napanood ako na review sa youtube, is it true na yung Panasonic dinidispense agad yung FabCon sa first spin after wash? Planning on buying a topload FAWM and pinagpipilian is Panasonic, LG or Sharp, preferably ~10kg
    Effective ba talaga yung 40°C sa pag wwash ng clothes? Medyo heavily soiled kasi yung konting portion ng damit na lalabhan.
    And habol ko lang talaga is mabango/malinis yung damit, si mother kasi mas pref yung mag-hand wash


    Yung amin, sa last rinse nag didispense.

    My 1st Month Experience/impression sa FAWM Panasonic namin:

    1. SOAK feature is the best
    2. Nagtataka kami dahil hindi ganon ka bango ang laba, only to realize odor neutralizev kirkland brand na bili namin ha ha.
    3. Combination ako ng powder at liquid detergent.
    4. Ang kulang nalang dito imo yung turbo shot tech ni LG, meron kaya nito si Panasonic?

    nakaka inis yung katulong namin, ang tigas ng ulo, sabi ko, ako ang maglalaba, aba pag dating ko galing office nakatuwaan mag laba. nyema haha.
  • guys ano gamit niyo na pang linis ng washing machine? may itim na kasi yung sakin parang lumot kailangan pala linisin monthly haha
  • Guys hingi lang po ng suggestion. Ano po mas ok sa 2?
    SAMSUNG WA70H4000SG
    PANASONIC NA-F70S7WRM

    Or do you have other suggestion? Looking for 7kg. Thanks!
  • guys ano gamit niyo na pang linis ng washing machine? may itim na kasi yung sakin parang lumot kailangan pala linisin monthly haha

    Front or top loading? If front, punasan mo ng vinegar yung rubber gasket lalo na yung sa inner part. Then mag run ka ng cycle. Kahit yung pinaka maiksing cycle lang. No need for soap, instead add 1 cup vinegar sa bleach dispenser kung meron yung sayo. Best if may hot water option.
  • tanong lang po sa mga naka samsung fawm.

    pano yung soak na wash cycle niya? gaano katagal yung soak?

  • Front or top loading? If front, punasan mo ng vinegar yung rubber gasket lalo na yung sa inner part. Then mag run ka ng cycle. Kahit yung pinaka maiksing cycle lang. No need for soap, instead add 1 cup vinegar sa bleach dispenser kung meron yung sayo. Best if may hot water option.


    top load paps. di ba mangangamoy suka?
  • ^sa simula lang, after a load or 2 wala na. Pero kung ayaw mo suka, you can use bleach instead. Also check at baka puno na yung lint filter mo. Yung samin every week nililinis yung filter.
  • guys ano gamit niyo na pang linis ng washing machine? may itim na kasi yung sakin parang lumot kailangan pala linisin monthly haha


    merong aftermarket nabibiling Drum Cleaner solution. Isasabay mo lang sa tub/drum clean cycle. Kahit once every 3 months mo lang gamitin.

    tanong lang po sa mga naka samsung fawm.

    pano yung soak na wash cycle niya? gaano katagal yung soak?


    Sa top load 1:20-1:45 hr yung cycle
  • Sa top load 1:20-1:45 hr yung cycle


    ahh maiksi lang pala. binabalak ko kasi gabi palang isalang ko na para umaga e okay na siya.
  • @CrashAndBurn @gaL
    thanks mga paps.

    may nililinis akong filter yung nasa gilid ng drum pero iba pa yata yung lint filter.
    try ko muna yung suka + zonrox hehe
  • ^hinde pwedeng pagsamahin suka at bleach. isa lang dapat.
  • @client

    acetic acid ang suka at hypochlorite solution ang zonrox, pag na combine mo yan ay ma neutralize ang cleansing power nila, if i were you ay stick to suka ka na lang kasi yun zonrox mataas ang chance ng slight trigger ng corrosion sa metallic surfaces na makapitan nyan
  • oki thanks mga papi. zonrox muna gamitin ko, wala kami suka dito na plain. haha
  • meron po ba dito owners ng Whirlpool and Maytag na brand?
    iniisip ko kung good ba mag own ng Dryer units nila?
    effective ba sa pagpapatuyo?

    MAYTAG MYU-600 6.0 KG. FRONT LOAD DRYER
    WHIRLPOOL AWD80 AGP 8 KG. FONT LOAD ELECTRIC DRYER

    are these reliable brands?
    mas ok ba ang separate dryer unit compared sa combo apart from the extra space con?