Forum Topic

Bakit TRAFFIC lagi? Ano ang problema? Ano ang pwedeng solusyon?

  • Kainggit pag sa ibang bansa ka mapansin mo on time lahat ng bus nila kahit may traffic


    Minsan nga maaga pa sila sa designated time nila sa bus stop so they have to wait a few mins bago lumarga :)
  • San Francisco



    -- edited by DjDom2 on Feb 08 2018, 11:31 AM
  • ^Parang sa atin lang iyan. Iyan ang solusyon! Sawang-sawa na yung iba sa dami ng aberya kaya bumaba na sa riles paras wakasan na...
  • Ayusin muna lubak at kalasada. Di kc feasible unless may enuf space even.
  • 100+ million ang population ng pilipinas kaya matrapik
  • ^ yung population lang ng metro cities ang densely populated
  • Ultimately palagay ko is disiplina.

    Traffic signs are merely suggestions. No one follows "Loading/Unloading" areas. Tamad mga pinoy dahil kakahinto lang ng jeep, papara agad 10-30 meters away.

    Mga jeep na nag U-Turn sa C5 na kinakain 4-5 lanes. U-Turn na nagiging FULL TURN.

    Mga jeep na pag tawid ng intersection hihinto agad sa kabilang side = boom barado agad intersection.

    Natatawa nga ako minsan pag nasa BGC bus ako, may sisigaw ng "Para kuya".
  • Ultimately palagay ko is disiplina.


    ito talaga ang problema.
  • Post deleted #12192074
  • widen coding scheme....

    Monday - 1,2,3,4
    Tuesday - 3,4,5,6
    Wednesday - 5,6,7,8
    Thursday - 7,8,9,0
    Friday - 9,0,1,2
  • ^Hahaha
  • widen coding scheme....

    Monday - 1,2,3,4
    Tuesday - 3,4,5,6
    Wednesday - 5,6,7,8
    Thursday - 7,8,9,0
    Friday - 9,0,1,2


    Di uubra ito, sa Mura nang sasakyan at walang DP. Lalong dadami sasakyan lalong mag kaka traffic.
  • @blast

    Di uubra ito, sa Mura nang sasakyan at walang DP. Lalong dadami sasakyan lalong mag kaka traffic.



    widen coding scheme....

    Monday - 1,2,3,4,5,6
    Tuesday - 3,4,5,6,7,8
    Wednesday - 5,6,7,8,9,0
    Thursday - 7,8,9,0,1,2
    Friday - 9,0,1,2,3,4
  • pansin ko lang..

    yung 'Extreme' Traffic - applicable lang sa Metro Manila...
    yung ibang cities ng Pinas hindi naman yata ganun ka extreme ang traffic..

    so ang 'solution' is for Metro Manila people only di ba?
    which means in general yung pagsunod sa batas trapiko ay karaniwan nilalabag ng mga taga Metro Manila lang.. :)

    same din siguro problema katulad ng major cities sa ibang bansa like California, South America Capital Cities or Malaysia and Thailand na malaki volume ng vehicles..

    so dapat ang solution is internal sa mga Cities not totally applicable sa buong bansa..
    imo lang po
  • ^ Most suggestions dito nag aapply lang naman sa NCR. Ang taas ng population density kaya ramdam na ramdam ang traffic na dulot ng inefficiencies at hindi rin pag sunod sa implementation ng batas. Sa ibang probinsya, kung di ka tumawid sa pedestrian lane, hindi ganun ka ramdam kasi konti ang tao at konti din ang sasakyan na dumadaan.

    But other suggestions here will not hurt if implement din sa ibang cities. Umpisa pa lang habang hindi pa crowded, why not implement it para hindi na mahirapan sa back log kapag naging katulad na ng Manila ang issue, patong patong at complicated na.
  • ^ Most suggestions dito nag aapply lang naman sa NCR. Ang taas ng population density kaya ramdam na ramdam ang traffic na dulot ng inefficiencies at hindi rin pag sunod sa implementation ng batas. Sa ibang probinsya, kung di ka tumawid sa pedestrian lane, hindi ganun ka ramdam kasi konti ang tao at konti din ang sasakyan na dumadaan.

    But other suggestions here will not hurt if implement din sa ibang cities. Umpisa pa lang habang hindi pa crowded, why not implement it para hindi na mahirapan sa back log kapag naging katulad na ng Manila ang issue, patong patong at complicated na.


    that's why ser, I have been following this thread for quite a while..
    and I realized, teka, Metro Manila ang problem hindi naman buong Pilipinas..

    so meaning, yung pagiging Law abiding Citizen and Notorious Road Rages is not totally a definition of our nation as a whole..
    talagang dala lang ng sobrang laki ng problema sa traffic sa Metro Manila at hindi sa buong Pilipinas...

    conclusion: masunurin tayo bilang Pilipino sa Pilipinas man o wala..
    so yung traffic is EXTREME exceptional case in Metro Manila ONLY.
    likas naman tayo na masunurin sa batas at nabubuhay ng tahimik..
    sadya lamang na matindi ang problema ng batas trapiko sa Metro Manila na problema din sa ibang bansa na mahirap ma solusyunan..
    2 cents lang po
  • imho, ang solusyon sa traffic sa MM eh ma-develop at magkaroon ng trabaho ang ibang region ng Pilipinas na may competitive pay. marami kasing tao sa MM ay from outside MM talaga nakatiga na lumuluwas lang para mag-trabaho doon. either dahil walang trabaho na akma sa skill or masyadong mababa.

    sana maging "state" yung mga region natin tulad sa ibang bansa para pwedeng magkaroon ng sariling mga batas at tax policies na pang-attract ng mga investor which in turn will create jobs at di na kailangan pang magpunta ng MM para lang sa trabaho at desenteng pasahod.
  • imho, ang solusyon sa traffic sa MM eh ma-develop at magkaroon ng trabaho ang ibang region ng Pilipinas na may competitive pay. marami kasing tao sa MM ay from outside MM talaga nakatiga na lumuluwas lang para mag-trabaho doon. either dahil walang trabaho na akma sa skill or masyadong mababa.

    sana maging "state" yung mga region natin tulad sa ibang bansa para pwedeng magkaroon ng sariling mga batas at tax policies na pang-attract ng mga investor which in turn will create jobs at di na kailangan pang magpunta ng MM para lang sa trabaho at desenteng pasahod.


    I agree. Matagal naman ng plano yan, to urbanize nearby cities.
    Ang dali sabihin, pero hindi talaga magmaterialize..

    Isipin mo nalang may mga trabaho sa Bacoor or Alabang, sobrang lapit sa Manila. ang sahod minsan below minimum pa.
    Any ideas bakit hindi magawa gawa yan urbanize nearby cities plan na yan?
    or baka it might take 20 to 40 years pa.?
  • Hayif naisipan din nila yung idea ko na elevated walkway para sa mga bikes, personal EV at pedestrians.
  • Pwedeng mas lumala trapik pag natuloy pag ban sa mga provincial buses sa EDSA, sa bus at mga UV lang din naman kasi pwede lumipat mga pasahero galing terminal papasok sa MM. Pansin ko rin mas may disiplina yung mga provincial buses kumpara sa mga city buses na palagi nakatambay sa mga loading area.
  • Short - Term/Band-Aid Solution:
    * Increase Taxes for Private cars sales - Grabe meron nang "No DP" ngayun.. Ano yun? ID lang pwede na makauwi ng sasakyan?
    * Widen Coding Scheme - Mejo Extreme pero let's face it , extreme na rin yung traffic
    * Buy Additional Train Units for MRT/LRT 1 & 2 - Dapat every 5mins may dadaang tren. At Optimum dapat ang maintenance..
    * Forced Obsolescence ng mga 25yrs old+ na mga sasakyan (Private/Public vehicles) - Atleast kahit sa cities lang ito ipatupad. Sa probinsya, hala sige magdrive ka ng 19-kopong kopong Volkswagen Beetle, no problem.

    Long-Term Solution:
    * Improve Mass transportation - Extensive Train System pa rin ang pinakafeasible for Metro Manila, (Let's just think of Japan/Singapore) Pag ito um-ok, madedecongest din natin yung population within the City kasi people can already live in the outskirts of the metro. Possibly pati businesses kayanin na rin mag open outside the city dahil reliable na yung transportation.
    * Disciplined Bus System - Point-to-point lang din ang sakayan at babaan.
  • * Forced Obsolescence ng mga 25yrs old+ na mga sasakyan (Private/Public vehicles) - Atleast kahit sa cities lang ito ipatupad. Sa probinsya, hala sige magdrive ka ng 19-kopong kopong Volkswagen Beetle, no problem.


    wrong.... hindi yan ang solution... pinalabas na ng LTO yan as an idea ang dami ng nagreklamo.... bakit? marami kang makikitang mga mga bagong kotse na ilang taon lang edad, karag-karag na itsura at takbo.

    at marami din ang may 25 year old cars na mukha pang mas bago kesa bagong kotse, inside and outside.

    kung talagang gusto niyo masolusyonan yung trapik dito sa metro manila, ayusin nila yung MRT EDSA, maglagay ng isa pang MRT mula makati hanggang Alabang and back via SLEX tapos damihan nila yung mga coaches.... remember, yung MRT 3 hanggang 600,000 na katao na bawat araw ang pasahero.... pero magpahanggang ngayon kulang na kulang pa rin yung coaches nila, ayaw dagdagan at damihan.

    dyan muna sana sila mag concentrate.... EDSA.... pag ang mga lahat ng mga tao mahinahon na nakakapag byahe mula north ave hanggang Taft ng isang oras via MRT, tyak ko, luluwag na yung ibang lansangan dahil bakit ka pa mag kokotse kung meron naman MRT na malamig na, mabilis pa at di ka pa pagod sa pupuntahan mo... ganun din mangyayari pag gumawa sila ng LRT mula makati hanggang Alabang.
  • Sa ibang bansa tulad ng japan mura ang sasakyan, pero NAPAKAMAHAL kumuha/makakuha ng drivers license. At napakahirap ng exam. Sa pagkaka alam ko lampas 100k pesos yata ang pagkuha ng lisensya sa bansang ito. I correct nyo pa rin ako at baka mis informed lang ako.

    Baka pwede yan dito. Lahat ng mag new applicants at magrerenew ay dadaan sa napaka hirap na exam at magbabayad ng UBOD NG MAHAL. Malamang ubos ang driver walang trapik, yun nga lang wala na rin maghahatid sa mga trabahador papasok sa kanya kanyang trabaho.

    Kaya dapat talaga nila maimprove din nga ang public transportation system sa bansa natin.
  • ang rinig ko naman sa Japan, mura ang sasakyan lalo na bago pero pag naging 5 years old na, napakamahal iparehistro dahil sa car registration rules nila.... nagbasa uli ako at 3, 5, 7, 9, 11 years old daw ang registration ng mga sasakyan dun at abot 100,000 yen bawat registration tapos yun pa kelangan para marehistro yung sasakyan, sus ko po... mahal.

    kaya dami parating surplus parts na galing dun... lalo 3SGTE at 2ZZGE at 1NZFTE.... pero mahal lang.

    ^_^
  • But there's a need mabawasan ng mga sasakyan sa kalsada. Di naman dumadami yung kalsada eh. At if gagawa man ng panibagong Railway Transit, expect extreme traffic pa, kasi di biro construction nyan. I remember nung ginagawa pa LRT-2 sa Aurora blvd, isang lane lang ang kume-cater samin (bandang katipunan) from Marikina, Antipolo, Cainta, Angono, etc. More than 3yrs ata namin tiniis yang 1-lane na yan.
  • si Thanos ang solosyon!
  • 1. Madaming Sasakyan (I'm talking about private vehicles)
    2. Undisciplined drivers, motorists and PEDESTRIANS.

    Yan lang naman yan, kung maiisip mo maraming pang problema na nakapaloob diyan sa dalawang dahilan na yan.
  • yung mga dapat umayos ng traffic di inaayos yung traffic dahil ang iniisip nila yung pagkakakitaan nila...tingnan nyo yung mga traffic enforcers (kuno) puro naka kumpul sa kanto at nag aabang ng kokotongan nila...ang dapat ilagay sa bawat kanto yung nag aayos ng traffic.. di yung mga nag iisip ng quota nila...karamihan ng traffic nangagaling sa mga public buses and jeepneys na nagbababa at nagsasakay kung saan saan at nakabalandra sa kanto....naka go na yung ilaw ayaw pa lumarga dahil naghihintay ng pasahero tapos di hinuhuli dahil may lagay sa mga pulis...
  • But there's a need mabawasan ng mga sasakyan sa kalsada. Di naman dumadami yung kalsada eh.


    This :)

    Common sense na lang talaga diba, can you imagine the volume ng mga bagong sasakyan na dumadagdag each day samantalang yung kalsada mo remains the same.

    Yung ibang tao kase ayaw talaga i-accept itong mga facts na ito maybe because:
    1. Filipino dream is to have your own car, kahit wala ka namang parking space, sige lang :) diba merong mga sidestreets na medyo makipot na nga ginawa pang parking space yung gilid, lolz.
    2. The car companies have strong lobbyists kaya hindi sila magalaw ng government, kahit na nagsisikipan na mga kalsada natin :) I am sure na maraming matatalinong politiko na napansin itong problem na 'to, but they choose not to do anything, kayo na mag isip kung bakit, hehe.
  • Tamad mga pinoy dahil kakahinto lang ng jeep, papara agad 10-30 meters away.


    isang factor kaya tinatamad ang mga pinoy maglakad sa pilipinas ay dahil sa sobrang init ng klima natin. konting kilos mo lang dito, pawisan ka na kaagad. kaya maraming ayaw kumilos dahil papawisan sila at lubhang nakakapagod nga naman ang temperatura na umaabot na ng 40+ degrees celsius kapag summer. di gaya sa mga malalamig na bansa, napupuwersa ang mga taong kumilos para uminit ang pakiramdam nila at di ginawin.

    agree ako kay jose rizal na hindi tamad ang mga pilipino. sa tingin ko, nagiging tamad lang tayo dahil isang dahilan ay ang mainit na klima sa pilipinas. dagdag mo pa ang sangkatuuuuuuuuuuuutak na kotse na napakadaling ma-loan ngayon sa bangko at kaya nagiging isang malakiiiiiiiiing parking lot ang edsa. tsk, tsk.

    -- edited by ututin1 on May 06 2019, 04:05 AM