Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • Agree ako sa mmda na wala sa right of way yung nagche change lane pakaliwa tapos babalik ulit sa kanan para pumunta ng edsa. Tama nga dapat kapag pakanan ka na, sa right most lane ka na. Ang mali ay yung nasa harapan na nagbaba ng pasahero dahil obstruction yon. Pero dahil nasa likod ka, sana binusinahan mo na lang ng slight para reminder na bawal yon or at least bilisan nila mag baba. Otherwise, sana hinintay na lang at hindi na mag change lane na delikao naman talaga.
  • @matchachloe
    post mo naman video bro
    dapat pinasikat mo rin yun nagbaba ng passenger sa kanto
  • @matchachloe

    Based sa experience ko dati at nakausap ko sa Traffic Bureau ng PNP diyan sa Taguig:

    ang sabi nila kung nakanguso ka na meaning dapat nakikita ka na ng incoming traffic, as long as nakikita ka na niya, then kung bumangga yung nakakakita sayo - siya ang may fault.

    PS, may nakagitgitan ako na truck diyan sa Gate 3 years ago, sumabit lang sa side mirror ko luckily hairline scratch lang. Ang ginawa ko kahit hairline scratch lang, dinala ko siya sa Traffic Bureau para mag pagawa police report at maabala siya. At least 2-3 hours kami dun. Para matuto.
  • regarding pressure washer, yung belt driven like kawasaki type. ano ba dapat specs and features ideal since parang magkaiba ata yung motor(electric) ?
  • sir pa-OT

    lift ba ang number coding this coming holy week? wala akong makitang latest advisory for 2019 holy week.

    kakakuha ko lang kasi ng plaka ko eh naiba ung coding, monday coding na ko eh may lakad ako ng holy monday kaya nagaalangan ako ikabit ung plaka.

    salamat sa sasagot.
  • Normally lifted ang coding pag holidays. Since hindi pa naman holiday ang monday may coding yun. Abangan mo na lang din kung may announcement.
  • Automatic lifted coding pag holiday. Fyi, hindi holiday ang holy monday. Hehe. Thursday and friday lang.

    Mag grab ka na lang. Masarap din umupo sa likod ng sasakyan paminsan minsan :)
  • salamat sa input :)

    un nga eh pag ako nagdadrive nabobored akot, asawa ko at anak ko nasa likod. speaking of anak implemented n pala ang car seat law. sana masanay anak ko sa carseat mag 2 years old na xa mas gusto pa rin nya kalong.
  • Speaking of carseat law, buti nga ngayon lang yan dahil problema ko din dati noong toddler pa anak ko, ayaw niya magisa sa likod. Natatakot at nagwawala. Kaya napipilitan ako lagi sa harap siya paupuin at sa lap lang ang seat belt. No choice ako noon dahil madalas wala akong yaya. Kung ngayon ako may toddler malamang suki na ako ng grab :) di na uubra mag drive with the toddler.
  • Saan ba mura bumili ng car seat para sa mga bata at anong brand ang sulit? 2 yo palang din anak ko.. kalikutan stage kaya asap kailangan makabili na
  • @chino
    try mo sa lazada, car seat for children
  • Re: child car seat

    Curious lang pano kung isasakay mo ng public transportation like grab? Are they included sa law or private lang ang cover?
  • Dapat meron din ang grab na child seat as option.

    Singapore kasi kung may toddler kang kasama, kailangan book mo grab plus dahil may child seat.
  • chino Send Message View User Items on 25 Mar 19 @ 05:26 PM #
    Saan ba mura bumili ng car seat para sa mga bata at anong brand ang sulit? 2 yo palang din anak ko.. kalikutan stage kaya asap kailangan makabili na


    doon ka na sa branded bro para safe. check out Joie or Aprica.
    Joie ang binili ng niece ko para sa 1yr old daughter nya. premium quality compared sa mga china made na nakita ko na nabili sa lazada.
  • I can vouch for Joie
    yun gamit ng anak ko since 1yo, malapit na sya mag 4 ngayon maayos pa rin
  • aRTie Send Message View User Items on 25 Mar 19 @ 11:58 PM #
    I can vouch for Joie
    yun gamit ng anak ko since 1yo, malapit na sya mag 4 ngayon maayos pa rin


    cushioning pa lang panalo na diba? lalo na yung design ng harness nya, snug fit talaga ang bata pag buckled up na.
    parang nasa cocoon :)
  • mukhang maganda review ng Joie based sa messages nyo :)

    plan namin palitan ung existing car seat namin (baby 1st) ng Joie good for new born to 12 years old.

    kaso ung Joie car seat n plan ko bilin walang ISOFIX, seat belt dependent lang talaga.
  • pag bumili ng 2nd hand na auto, interior cleaning muna :)



    -- edited by ninjababez on Mar 26 2019, 10:56 AM
  • ^

    Siguro kailangan ko tanggalin upuan ng sasakyan ko one of these days para linisin ng mabuti

    Baka may treasure pa (mga coins)
  • @gowueld
    nakakuha ako 25c bro LOL
    bukod sa minor mantsa (i think juice ito eh), malinis naman overall.
    natanggal ko yun mga mantsa sa rear seats, tomorrow or sa weekend yung front seats
    sayang after cleaning nabawasan yung new car smell nya :(
  • @axelangel007, statix, artie

    Salamat sa tips!
  • Pa-recommend naman po ng airfreshner. Medyo sawa na sa Glade Ocean Escape. Salamat po
  • ^air spencer
  • ^ air spencer
  • After ko mag back read to research regarding 'usapang headlight', pansin ko meron dito nakapag paRetrofit from Xenon Concept. And wala ako nabasa na may nakapagpaRetrofit kay The HID Retrofit, Firedrake, and Chroma Lights Lipa. or meron ba? Any feedback from other retrofitting shops?

    Balak ko iparetrofit ung reflector type na high beam with drl sa stock headlight ng Gen4 Everest Trend into a projector type (para same na sa low beam) kasi super hina ng bato ng ilaw.. Questions ko are:
    1) possible ba na ung projector type na iretrofit is may function na low/high beam?
    2) possible ba na ung niretrofit na projector type baklasin at ibalik ung reflector type before ibenta ung car para magmukhang stock headlight ulit? then ung binaklas na projector type ilagay sa ibang car?
    3) any issues sa retrofitted headlight like nagkakaMoist ba or nagkakaDust?
    4) recommended brand of projector po? Hella or Morimoto? Ung Hella kasi daming variant at nakakalito ano ang 'bang for your buck'.

    at para sa mga nakasubok na sa Xenon Concept, any issues encountered (minor/major) so far? may warranty ba ang retrofitting nila? and musta ang after-sales service nila?


    * By the way ung stock low beam (projector type) and stock fog lamp (reflector type) ko are both good naman after ko palitan ng led bulb I bought from Aliexpress. Led chips ng led bulb nabili ko is Cree XHP70, 6000 kelvin, 13800 lumens 'daw'. So far so good naman. Un lang talaga reflector type na high beam with drl ang issue ko dahil hirap maghanap ng H15 led bulb na matino.


    Maraming Salamat po sa makakasagot!
  • Hindi mo masusulit yung high beam na projectors kase minsan mo lang magagamit yan eh.

    Bakit ba lagi mo need high beam? Most of the time sa expressway ka ba?

    What you can do is retrofit the stock low beam halogen projectors into a LED/HID projector with hi/lo beam function.

    Supplement na lang ung factory high beams. In that way, factory look pa din yung car with much better output.

    Almost lahat naman may 1 year warranty, parts and service.

    NHK ang gagamitin sayo, not Hella. Hella is the original, NHK copies it ;)

    -- edited by TheUninvited on Apr 03 2019, 01:12 AM
  • @TheUninvited: thanks sa info. not all the time, but there are times na sa highway, then may mga part na sobrang dilim sa daan pagpauwi ng province sa Albay, Bicol. there are out of towns din pag weekend. meron din part dito sa city na madilim ang daan (atleast sa mga dinadaanan ko) but low beam is enough naman na.

    First time ko marinig yang NHK na yan. I hope durable din like the original.
  • NHK gamit ng karamihan ng retrofitters locally, so wala ka prob dyan. And the output is superb, as long as light to medium lang tint mo sa windshield.

    -- edited by TheUninvited on Apr 03 2019, 02:50 AM
  • @TheUninvited: I see. Thank you sa info.

    Yes medium tint whole windshield gamit ko. Saktuhan lang din naman. Lumina ung brand, un ung kasamang freebie na ininstall from casa. Pero balak ko rin palitan maybe after 3 or 4 years ng BF Ceramic, ung black sa labas tignan pero clear pa rin from inside.

    -- edited by mmb101 on Apr 03 2019, 04:21 AM
  • ^

    Baka hindi good idea kumuha ng ganyan na tint. Kasi mukhang pagbabawalan na nila yung super dark tint.