Forum Topic

Is it worth it to study AutoCAD for building construction business?

  • Mga master,

    Plano ko imanage ang residential building construction business ng father in-law ko. Malaking tulong ba kung mag aaral pa ako ako ng AutoCAD?

    Gano kaya katagal ang training nito?

    Wala akong experience sa construction at pag design ng bahay, pero sa tingin ko meron akong Hilig dito.

    Kadalasan na client nila mga family friend, pero minsan meron din company, pero mga repair lang.


    Thank you...
  • Gumagamit ako AutoCAD sa construction business ng family namin. Pero ang nangyayari is yung architectural design company yung nagproprovide ng construction blueprints tapos ako nagreredraw ng "as-built" plans. Minsan kasi may changes sa pagconstruct and nag-iba na from the proposed plan.

    Kung kayo yung gumagawa mismo ng blueprints and not an external architectural firm, malaki tulong ng CAD.

    Kumuha lang ako ng certificate course sa basic 2D AutoCAD design sa Informatics Megamall, after that nag self-study na lang ako. Check mo na lang sa kanila kung meron pa course.
  • Thanks sir sa pag reply..

    Madalas kasi residential ang project, nag start talaga from 0. Meron din kami family friend na architect, sa iba pa sya nag papa gawa ng perspective. So sa tingin ko malaking tulong talaga ito sa akin..

    Thank you sa info. sir bluedude44.

    Sana madami pang mag reply dito... : )
  • No problem sir.
    Useful na skill siya talaga. Actually mabilis lang matutunan (at least for 2D) kahit magbasa or manood ng tutorial videos. Good luck sa business niyo sir!
  • Onga pala, sa experience mo, It doesn't matter ba kung ano ang work experience at course na natapos mo para maging successful sa ganitong business?

    IT graduate kasi ako, 9 years narin ako sa isang banko sa laguna as an IT Head.. maliit din kasi ang sweldo kaya naisapan ko pumasok sa ganitong business. Pero established nanaman itong business ni father in-law, actually meron din silang roofing business, mag ttake over lang ako, at balak ko ito pag handaan kaya naisipan ko mag AutoCAD. Im already 34 years old nga pala.
  • Kahit di naman civil engineering yung natapos I think kaya naman. Important lang IMO is may mentor ka sa umpisa and dapat may contacts / network in the business. Very important in the long run yung experience na matututunan mo by being in the business tho it won't hurt to do some self-study din.

    Nakikita ko rin sa mga kaibigan ko na kahit di tugma sa course nila yung pinasukan nilang hanapbuhay, basta may nag mentor sa kanila nakakaya nila.
  • mag self study ka na lang bili ka ng software ng auto CAD, tropa ko nag self study lang siya eh 2yrs vocational grad lang yun. Computer electronics, di ko lang alam yung company na pinagttrabuhan niya, japanese yung may-ari nun AutoCAD operator siya dun, mga cell sites ata gingawa nun... basta computer literate ka yaka mo yan
  • maganda ang AutoCAD sir kung papasok ka talaga sa construction, lalo na kung more on designing. mas madali rin mag compute using autocad, nagstart ako sa design ng mga cabinet then ngayon nasa construction na rin ako.