Forum Topic

Anong Kinalakihan nyo na "It's a Lie" Pala ngayon

  • kapag kumakati ang palad ay magkakapera daw, hehe.

    may 13th month pay at Christmas bonus na ba ang lahat..? ^_^
  • Masama daw mag walis sa gabi at lalabas ang swerti.... anong koneksyon non?
  • Masama daw mag walis


    masama daw magwalis kapag may bisita sa bahay..


    ano mangyayari? hhe
  • masama daw magwalis kapag may bisita sa bahay..

    ano mangyayari? hhe

    maalikabukan daw mga bisita hehehe
  • bawal matulog ng gutom. baka makulong daw yung kaluluwa mo sa kaldero dahil naghahanap ng pagkaen.
  • bawal matulog ng gutom. baka makulong daw yung kaluluwa mo sa kaldero dahil naghahanap ng pagkaen.

    ^uy ngayon kolang yata narinig yan hehe

    Hwag daw dadaan sa ilalim ng hagdanan or yung ladder na nakasandal daw sa pader - ano ito? for safety reason ba?

    -- edited by wheelee on Dec 11 2023, 01:47 AM
  • GAYUMA

    Hindi kagwapohan, hindi rin anak mayaman kaya dinedeadma lang ni HS campus crush. May pagka-TORPEDO rin, last resort: Snake Oil Gayuma.

    Ayun! hindi tumalab kay campus crush!

    -- edited by rulesmeister on Dec 11 2023, 06:22 PM
  • ^Yan ba yung mga nabibili sa Sta. Cruz dati, kasama nung mga pilik mata ng kambing? xD
  • ^Sa Baclaran ko nabili ung sakin. Pag gumamit ka na ng pilik-mata, ibig sabihin epekteb ung gayuma mo.

    Ung bundle na pilik-mata binigay ko nalang sa kaklase kong Pogi, mas magagamit nya daw un kumpara sa mga kagaya ko - L*ntek na un.
  • ^ahahaha, mga "batikan" xD
  • Parang kagat lang ng langgam iyang iniksyon sabi ng nars.

    Lintik na langgam iyan ang haba ng pangil!
  • ^ he he he

    pag nagpa tuli ka mas tatangkad ka! ^__^
    pag dika tuli dika magkaka anak!
  • bookmarked! ahehe

    GI parents ko. andame pamahiin amp! lalo na pag may na-dedz sa fam:

    1. after leaving the wake, dapat may basagin immediately before leaving the place (to break the cycle of death supposedly)
    2. pag may infant yung anak ng namatayan dapat itawid si baby sa kabaong prior to committing it to the ground (never found out what for; effing did this sa panganay ko noon :) )
    3. after the burial a rooster was killed and its blood was smeared on each of the immediate fam's forehead (hindi ko din lam what for; experienced this too...geeez!). may pagka-Old testament vibe

    'tas pag asa northern part of the country kami (Ilocos man yan o Cagayan) naglalagay kami pulbos sa shoulders namin pagkarating. kontra barang and the local "aswang" daw. takot sila sa "white magic" apparently...bwahaha. thankfully we don't do this anymore in the last decade or so and buhay pa naman mostly kami :)
  • ^ uy now kolang narining yung iba dyan ah hehehe

    pag naglakad ka sa gubat baliktarin mo daw shirt mo para dika maligaw, now meron ng google maps hehehe
  • totoo ba na may betamax si Billy Ray Bates at isang batikang aktres? :) please advise na lang po if bawal ganito so i could delete
  • Billy Ray Bates


    sayang talent ni boi, na lulong sa alak at droga.

    Not sure about the betamax, but with his known rap sheet with the police in the USA and PH, god knows what else he has effin' done.
  • Yung letter V,Q,X,F,J,C,Z at n^~ ay pwede daw. Pero minsan imposible. Kaya ako yung "n^~" ginagawa ko na lang ordinaryong "n"

    Pero parati na lang nagkakaproblema yung birth certificate ko kasi walang n^~ tapos minsan ginagawa nilang "nia" yung spelling sa Birth Certificate ko tapos magkakaproblema naman sa passport ko. Minsan doble gastos. Laking abala tuwing mag rerenew ng mga dokumento. Bakit kasi di na lang ayusing yung ABAKADA para pumasok na yung ibang letters samantalang yung letter "v" at iba eh ay ok naman, walang problema.
  • Madali daw mag spelling ng Pilipino, Eh papano mo sasabihin yung Chinese sa tagalog? "tsaynis", Ganun?
  • ^ diba intsik yun?

    wag daw matutulog after kumain at di matutunawan

    ayon, totoo nga yata dahil daming pinoy na payat pero ang laki ng tyan(isa na ako) hehehe
  • Pero parati na lang nagkakaproblema yung birth certificate ko kasi walang n^~ tapos minsan ginagawa nilang "nia" yung spelling sa Birth Certificate ko tapos magkakaproblema naman sa passport ko. Minsan doble gastos. Laking abala tuwing mag rerenew ng mga dokumento. Bakit kasi di na lang ayusing yung ABAKADA para pumasok na yung ibang letters samantalang yung letter "v" at iba eh ay ok naman, walang problema.


    alam ko updated na sa DFA and PSA. minsan sa encoder hindi nila alam short cut key.

    sabihin mo Hold Alt+1+6+4 ang small ñ, and Alt+1+6+5 sa capital Ñ.
  • ^ good to know

    noong bata kami Wag daw hahawakan ang pagong kasi magiging makakalimutin ka

    di naman totoo yun diba? alin na kasi yung hindi dapat hawakan??? ^__^
  • Kapag daw may kidlat, dapat takpan ang mga salamin sa bahay dahil papasok daw yung kidlat para tumalbog sa salamin at tamaan ang mga tao sa bahay..

    Syempre hindi naman pala totoo.. What I learned was that dapat bunutin yung telephone line during a lightning storm kasi puedeng tumulay doon ang kuryente papasok ng bahay. Same with the main breaker dapat nakapatay during a lightning storm.
  • huwag maliligo kung pagod(after strenuous work or sport activities), mapapasma ka daw.
    sa japan nga right after sauna bath derecho talon sa cold pool O_O

    huwag magbibilad sa araw, magkakaroon ka ng kuto/head lice.
    edi sa araw pala nagmumula ang mga kuto?! deym!
  • wag ka daw lalabas pag may Eclipse, mamalasin ka!

    the last total eclipse I experienced ay nung 70's yata yun, biglang dumilim as in gabi na kasi yung mga manok namin nagsibalikan sa mga lunga nila