Visit the Forums
Register Now!

User Login


Forum Topic

Official Networking Thread (LAN Configuration, Internet Sharing, Routers, Switches, etc.)

  • @archie

    May tutorial sa link na ito <click here for link>
    Dapat yung IP Address ay pasok sa IP Address range ng router mo
    and the Gateway IP Address is the IP of your router


  • turonngayon2 Send Message View User Items on 11 Mar 16 @ 08:19 PM #
    Hi mga sir.. ask ko lang po. pag nireformat ko ba yung pc ko sa office is mawawala yung mga naka blocked websites?? nabigyan kasi ako ng go signal ng supervisor ko na ako na lang magreformat ng desktop ko sa office kasi yung IT namin is currently naka leave. e need na talaga mareformat ng pc ko dahil ang dami ng virus. BTW. PLDT yung net namin


    Depende talaga to sa config ng IT niyo. Pero kung may access ka sa server room, i direct connect mo siya sa pldt.
  • Guys. Pa recommend naman ng cheap high range router that supports speeds of up to 100Mbps. Thanks!
  • @all

    Guys I need your help. Meron akong nabili na WiFi Extender/Repeater na gagamitin namin sa office. Now everything works okay and naconnect ko na yung Repeater sa main router via WiFi.

    Problem lang is ang ginamit na password nung WiFi Repeater is yung password ng main router even though nagset na ako ng ibang wifi password para sa repeater. Ang gusto ko sana is iba yung password nung repeater dun sa password ng main router. And when I try to access the setup page nung wifi repeater hindi ko na siya maaccess but if I type the IP address of the main router yun ang naaaccess ko kahit na connected ako sa repeater.

    Any idea regarding this?
  • @all

    Guys I need your help. Meron akong nabili na WiFi Extender/Repeater na gagamitin namin sa office. Now everything works okay and naconnect ko na yung Repeater sa main router via WiFi.

    Problem lang is ang ginamit na password nung WiFi Repeater is yung password ng main router even though nagset na ako ng ibang wifi password para sa repeater. Ang gusto ko sana is iba yung password nung repeater dun sa password ng main router. And when I try to access the setup page nung wifi repeater hindi ko na siya maaccess but if I type the IP address of the main router yun ang naaaccess ko kahit na connected ako sa repeater.

    Any idea regarding this?


    i-factory reset mo yung extender then set mo yung static ip ng wifi extender. Baka kasi naka auto dhcp lang si extender.

    Pwede mo rin download yung software na pang search ng ip address ng extender mo.

    -- edited by monsterbaker on Mar 16 2016, 09:14 AM
  • Mga master, help po
    Meron po ako 1 modem then tatlong 3 router.
    Ganito po setup ko,
    Router 1 to Modem
    Router 2 to Router 1
    Router 3 to Router 2
    LAN to LAN po gnwa ko.
    Sa router 1 lang po nka enabled un DHCP,
    Nagkaka ayos nmn po hangang router 2 lng, pero pag ni connect ko n un router 3 sa router 2, ayaw n po gumana.
    192.168.123.1 po ip nun router, tpos 192.168.123.2 po un router 2.
    Then gnwa ko po sa router 3 e 192.168.123.3.
    Salamt po
  • ^

    bali naka daisy chain yung mga router. try mu i-connect sa LAN ng router1 yung router2 and router3, 4x naman usually ang LAN ports ng mga router, so lan0=router2 tas lan1=router3 or kung yung modem mu at may 4x LAN ports rekta mu na dun lan0=router1, lan1=router2 tas lan2=router3.



  • Good Day po mga master, pweding pahirit ng kaunti,
    ganito kasi setup sa pisonet namin, at gusto ko sana gamitin
    ang tplink TL-WR741 v4.25,
    para gamit ang celphone (wifi), mahina ang dating ng signal
    at maka cable connect sa laptop.

    ano po dapat gawin at papaano?

    Maraming salamat po sa lahat
  • ^kung direct connect mo parehas ang tp-link wireless at switch sa pldt, tapos un pisonet doon kukuha sa switch at tp-link wireless, tapos laptop mo direct sa pldt.
  • may ganito po bang software or router?

    gusto po namin kasi malaman sino malakas gumamit sa amin
    marami naka-connect sa router
    ngayon gusto namin ma-trace sino malakas magdownload

    yun po sanang malalaman sino yung nagdada-download ng malakas with corresponding mac address ng mga unit namin
  • @ infoseeker

    Yung Linksys WRT54GL router ko may instantaneous bandwidth consumption pero wala nga lang tracking ng total network data. At least may snapshot ng bandwidth use per MAC address.
  • @dexski,
    tnx po. pero hindi uubra kasi maging sampayan ang mga cable sa gilid ng bahay. switch lang yung medyo malapit ng kaunti sa area ng tp link.

    baka may ibang paraan?

    salmat po ,
  • hello po mga sir, papatulong lang sana ko, gumagana po ba ang wifi extenders sa pldt modem natin? ganito po kasi situation ko, gusto ko sana paabutin sa kabilang bahay (20meters away) yung wifi signal.. hindi na kasi umaabot doon yung signal..kadalasan nadedetect ko yung wifi pero zero bar siya. Aabot po kaya wifi signal doon kapag gumamit ako ng extender? parecommend na rin po sana ng magandang wifi extender/repeater maraming salamat po
  • Mga sir, meron po akong Cisco Wireless N Home Router WRT120N, pwede ko po ba itong gamitin na wifi adapter ng desktop ko para maka-connect sa wifi.
  • @junt

    kung may wireless bridge capability, pwede. kung wala, baka kelangan ng ddwrt firmware or tomato if compatible.
  • alam nyo ang smtp relay ni bayantel?
  • Ask ko lang mga sir panu ba mag limit ng data banwidth sa bawat pc? Mabilis kc ma consume yung 50gig allocate data. Pag panay youtube.

    Tnx and advance.
  • Speed limiter lang meron sa firmware ng tplink.
    Option mo is to use 3rd party firmware.
    I'm using gargoyle where you can assign quota for each IP or IP range.
    Option either to throttle down or block internet once quota is reached.
    Quota can be reset either hourly, daily, or monthly.
  • Medyo mahaba po, sana may makatulong.

    Consult ko lang po yung problem ko sa network namin. Bali ang setup kasi is ina-access namin yung web host na gawa namin dito via XAMPP mula sa labas. Naka-bind yung IP namin sa no-ip.com (gamit yung DDNS server tab sa DD-WRT, so auto-setup na siya) at naka-port forward yung IP to port 8080. Naka-PLDT kami (5mbps) at naka-bridge mode yung HomeDSL router sa DD-WRT router. Dito naman sa local, naka-Static IP kaya yun din ang IP na nilagay ko sa port forwarding ng DD-WRT.

    Nitong kailan lang nagtataka kami kung bakit hindi ma-access yung dynamic DNS namin, (http://hostname.ddns.net:8080). Pag-check ko sa router, kakaiba yung WAN IP namin. Tapos, pag nag-check kami sa Speedtest.net, iba yung IP compared sa WAN IP sa DD-WRT. Dati naman, parehas sila. Hindi namin ma-access yung dynamic DNS namin, parating time out. Nag-check din ako sa ports checker, closed yung 8080 na ginawa namin. Kahit 80 sarado.

    Anyone having the same problem? Kung may kulang na info patanong na lang po, ang hirap lang na tama naman yung config namin at tapos biglang di na namin ma-access. Nagkaroon kami ng hunch na sa PLDT yung mali kasi may sinetup din akong CCTV naman via dynamic DNS din sa isa pang PLDT connection dito sa amin, at biglang hindi na rin ma-access yung dynamic DNS.

    Ano po kaya ang dapat gawin? If may makatulong pwede tayo mag-PM ^_^ Salamat in advanced!

    Router: ASUS RT-AC66U modded to DD-WRT Firmware:DD-WRT v24-sp2 (02/23/15) giga
    Dynamic DNS: no-ip.com
    PLDT setup: 5mbps HomeDSL Using Baudtec RN243R4

    -- edited by habble on Apr 18 2016, 05:49 PM
  • PLDT setup:


    kung ako sir, tanong ko muna sa PLDT, baka may ginagawa na naman sila. same with Globe may mga pagbabago silang ginagawa.
  • @habble,

    seems may ginagawa si PLDT sir. ganyan din ung akin. dun mismo sa modem, ang range ng IP ay 100.x.x.x , pro kapag nag access ka ng whatismyip.com, ang range ng IP is 124.x.x.x . walang masagot sa akin si PLDT nung time na tumawag ako. seems na parang naka proxy ung traffic for HTTP. not sure kung ano ung ginagawa ng PLDT regarding that.
  • I see. Sana temporary problem nga lang ito. Masaya naman ako sa PLDT sa ngayon (except may topak siya talaga sa Nintendo servers XD). Aantayin ko na lang muna, sometime last week pa ito nangyari. Usually 121.x.x.x ata yung IP na binabato sa akin.
  • limited na lang IPV4 kaya sa residential, pina private nila. or gusto yata nila bili ka din ng public ip sa ISP. mga 600-700 pesos per month din ang isang ip sa pilipinas. sobrang mahal.
  • Noob question mga sirs! :)

    Yung wireless router ko kasi one antenna lang (TP-Link) na ang limited sobra ng range. Gamit namin dito sa room sa second floor pero ang hina ng signal sa katabing room tapos di na umaabot sa first floor yung wifi.

    Tanong ko lang kung anong better solution dito. Bili ako ng higher range ng wireless router (yung three antennas na from TP-Link) or bili na lang ako ng wifi extender? Yun nga lang, yung mga presyo ng wifi extenders ang lapit na sa presyo ng bagong router unit.

    Mas may advantages ba kung wifi extender na lang (kaya mahal sila)?

    Ano kaya? Patulong naman! :)

    -- edited by requiem24 on Apr 23 2016, 09:21 AM

    -- edited by requiem24 on Apr 23 2016, 09:22 AM