Forum Topic

Mountaineering Discussion

  • mga boss ano marerecommend niyong seam sealer? Natanggal na rin kasi yung seam tape nung tent namin. Saka normal lang ba na nagiging sticky yung inner part ng rain fly ng tent?
  • ^
    Nung ni re-seam ko yung tent ko, gamit ko yung Gear Aid Tenacious Tape Repair Tape. Sa Outdoor Armory meron available.

    Medyo normal lang maging sticky lalo na kung matagal na yung tent. Nababakbak yung seam sealer tsaka waterproofing nun kaya sticky. Yung dati kong Apexus tadpole ko, nabakbak yung waterproofing, after noon naging sticky na. Kahit anong laba ko linis ko, ayaw na matanggal nag pag ka sticky. Ilan gamit pa lang nabakbak na. Kaya kumuha nako ng branded na tent after nun.

    Recommended talaga ni rere-seam at waterproofing ang tent every couple of years, depende sa usage.

    -- edited by HighWind on Feb 23 2018, 03:32 AM
  • @HighWind

    Thank sa tips sir. Yung tent namin ngayon ay yung tadpole ng sideout. Bigay lang siya ng pinsan ko. May way ba para mareapply yung waterproofing? Mas okay ba yung Repair Tape compared dun sa Gear Aid na seam sealer din?

    Anong branded tent din kinuha mo sir?
  • ^
    Yung ginawa ko dati saken medyo nabakbak na yung waterproofing sa flooring ng tent ko, so binakbak ko na ng tuluyuan by applying warm water tsaka Perla na soap (kasi mild soap sya, pwede nga sa mukha diba) tapos mano mano kong brinush hanggang matanggal yung original na waterproofing.

    Ni re-apply ko yung NixWax spray tapos, seam sealer tape sa kanto at dun sa mga pinag tahian na part ng tent.

    Ayun napalaban agad sa bagyo, so far wala naman leaks, parang bago ulit.

    I'm using North Face Rock 22. Dami ng pinag labanan kaya bumibigay na hehe.
  • May nanghiram kasi nung tent namin, tapos nilabhan ata using normal detergent. Ayun, pagsoli samin nagbabakbak na yung rain fly.

    Saan nakakabili nung NixWax spray sir? Balak ko nga ireapply na yung waterproofing habang summer. Baka mamaya mapahike sa tagulan e, mahirap na mabasa. Hehe.
  • Sa Xplore Outdoor sir, search mo sa FB, dun ako nakabili. Nasa 600-750 ata per bottle.
  • nagbayad ba ng 16M at nakulong na ba? mahaba haba din yang 6 years.
  • ^yung sa Pulag ba yan sir?
    Sabi ng kakilala ko na PAMB member, hindi naman nakulong at kasama sa siningil yung PAMB na nagissue ng permit sa mga hikers. Yan nabalitaan ko.
  • Anniversary sa New Trail sa Mt Batulao now diba? Di makaakyat buntis si wifey =)
  • magkano na ba inaabot fees sa baTulao now?
    last na akyat ko dun 2014 pa, puro daw kasi toll fee sa trail
  • ^ Sa new trail hindi masyado. Sa old trail madami na niningil. Sa baba donation lang, kina mang Resting P10 kapag day hike. P20 kapag overnight sa campsite. Huling akyat ko 2017 pa ata. Not sure now.
  • YohanSeals thanks sir, balak ko balikan yun this year hehe, ang saya dati dun lagi kami overnight tapos inuman, now kasi puro dayhike na lang ginagawa katamad yung ganun
  • wala bang mag set ng akyat.. KKB tayo.. para mag kita kita man lang.
  • Hi! Newbie palang po sa pag hihike. ano mas ok na tent? ung frog2 ng basekamp or ung sa brown trekker?

    baka pwede din sumabit sa KKB hike :D
  • ^Basecamp pipiliin ko dyan. :)

    san yang kkb climb niyo? Baka pwede sumama.
  • sabi ng isang kakilala ko malaki daw ung tadpole ng basekamp for 2 person? tsaka mas mabigat?

    latag nalang ung kkb hike :D
  • ^Base sa specs mas magaan talaga ang BT ng 200grams kaya siguro mas mabigat ang basecamp kasi mas malaki. Tingin ka din sir sa tents ng Naturehike may mga lightweight sila.