Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • @erecs

    Ako paps.. bakit? :)


    plan to buy as 2nd mot. hingi sana ako feedback sir
  • kagabi kakatapos ng ulan nung pauwi ko, basang basa ang daan.

    pero hindi nadumihan motmot paguwi kahapon.

    kasi...

    1week ng madumi motmot ko hahaha..

    kakatamad paliguan ng madalas lagi umuulan kasi..

    makulimlim na araw...
  • kaya nga e hahaha lagi umuulan maputik kainis.. kaya spray lang ng water hose hehehe
  • Mamya di ko alam kung maglilinis na naman ako. pa 3rd time na kapag umaalis ako palaging umuulan.
  • nakakatamad talaga maglinis ngayon..

    bumili ako ng muc off essentials kit (cleaning kit) para sa motor, pero hindi ko pa nagagamit..

    susunod ko yung kawasaki na pressurized water ek-ek..

    may nagamit ba dito ng KYT helmets? parang maganda eh..
  • bumili din ako ng givi box e43nml (43 liters) akala ko malaki, nung nilapit ko kay nmax, aba! lumiit..

    yung oem bracket wala pa, di ko type yung bracket ng motoworld, though mas mura ng 1k..

    simula na yata ng gastos. paktay!
  • motmot ko 2weeks na walang linisan kasi tuwing nililinis ko umuulan haha. kaya next week ko na linisin. ginagamitan nyu ba guys ng VS1 mga motor nyo? Pampakintab? pansin ko malagkit sya pero mabango. balik armor all na lang cguro ako pag ubos nito. bout dun sa kyt helmet. mukhang maganda nga sya. pero walang yamaha brand na design nila. puro ducati suzuki hehehe
  • @wigi, 43lts din na shad nilagay ko sa nmax ko, sakto lang ang lapad nya,pati kulay. Kasya ang laptop at marami pang iba.
  • Dapat nag-iingat yung mga gumagamit ng top box na kasya dalawang helmet. Kahapon tinamaan yung likuran ng sasakyan ko ng motor na sumingit. Kasya motor niya pero yung top box hindi.

    Natapos ko na rin course ko sa HSDC. Sarap ng feeling nang nakatapos para isang beginner. TMX mga pinapagamit sa min. Ginamit rin namin Click, Cbr150 at Xr125. Hirap pala gamitin ng Cbr150 (pati siguro ibang sportsbike) sa low speed. Pakiramdam ng makina ay gusto lang niya kapag mabilis.

    Sa EDSA nung Biyernes ay may nabangga akong motor. Tumba siya. Ramdam ko rin na kumalas front bumper ko. Kinabahan ako kasi baka nasaktan siya. Pero pagbangon niya at nang nakita yung bumper ko ay mabilis na kumaripas. Kamot ulo na lang ako. Haay... Alam niyang siya may kasalanan.

    -- edited by cocoy_g on Oct 16 2017, 08:34 AM

    -- edited by cocoy_g on Oct 16 2017, 08:35 AM

    -- edited by cocoy_g on Oct 16 2017, 08:36 AM
  • @cocoy_g
    sanayan lang sir. yung sa akin 48liters kasya 2 helmet, tapos bukod pa dun mas lumapad pa sya dahil sa crash guard ko sa likod pero nasanay na ako. Basta lusot manibela, lusot na rin likuran ko.
  • naalala ko yan singit na yan. yun iba kahit sobrang sikip na sisingit patagilid sa mga sasakyan nakahinto...ayun sayad buti di napansin nun cages yare sya ahaha...

    oo nga e kainis panahon ngayon panay ulan lagi madumi motor. kainis pala nun isang araw yun cover ko na motor na binili ko tig 899 ayun nag away mga pusa nakalmot may maliit na butas...kainis di ba? iingatan mo sisirain lang ng pusa...
  • balak ko din bumili branded na top box baka next year naliliitan na din kasi ako sa top box ko.
  • effective yung muc off motorcycle protectant, naulanan motor ko nung kahapon, konting spray lang ng tubig, tanggal mga dumu, wala ma moist na natira..

    1 month na motor ko, wala pa rin rehistro..
  • Mismong spray lang tubig sir gamit normal hose?
  • ang gamit ko sir is tabo..badtrip na ako sa hose, butasin..
  • hanep talaga. kala ko di na maulan. nag linis ako kahapon pag uwi ko galeng opis. ayun umulan nnaman. dumi nanaman. haha

    good morning mga lodi. ;)
  • Maulang umaga riders!!
  • Hirap pala gamitin ng Cbr150 (pati siguro ibang sportsbike) sa low speed. Pakiramdam ng makina ay gusto lang niya kapag mabilis.

    baka dahil mabigat. sanayan lang din naman.
    effective yung muc off motorcycle protectant, naulanan motor ko nung kahapon, konting spray lang ng tubig, tanggal mga dumu, wala ma moist na natira..

    tiningnan ko yan kahapon sa motoworld nung bumili ako ng gloves, medyo pricey kaya next time nalang. pero mukhang maganda yan...

    though kailangan ko lagi ng garden hose pang spray sa radiator, nanunuot yung putik pag basa ang kalsada. di kaya na tabo lang nasa loob kasi. =(
  • palagay ko ang isa sa sulit sa motorworld yung all weather na chain lubricant. mahal sya pero bihira mo lang naman gagamitin kaya tingin ko ok na rin. ang dali nya iapply at talagang malagkit.
  • talaga ba pag buy ka motor cash di pa kasama sa SRP ang registration fee?
  • nadala kasi ako sa putoline, kakaiba yung lagkit hahaha. pero effective siya.

    yung WD40 di naman pala nakasisira ng o-rings, so advisable siya panglinis, pero need ng chain lube pa din.
    talaga ba pag buy ka motor cash di pa kasama sa SRP ang registration fee?

    yup unit lang talaga. free lang usually ang registration via discount or promo. tulad sa mga kotse, yung magiging discount sa unit napupunta lang sa registration ang comprehensive insurance.

    -- edited by gen0 on Oct 18 2017, 03:15 PM

    -- edited by gen0 on Oct 18 2017, 03:16 PM
  • talaga ba pag buy ka motor cash di pa kasama sa SRP ang registration fee?


    sinasama na nila yan sir. ako kasi kasama na may additional na 1thou sa babayaran mo.

    kainis talaga batas sa pinas nanghuhuli ngaun ang pnp hpg ng led lights samantala na approved naman to ng LTO yun proper used pero kumpiskado parin...ang batayan nila bataspinapatupad ng pnp yun presidential decree 1973 panahon pa ni marcos? ayaw nila irespeto ang batas ng LTO....tsk...tsk... di lang sila napagbigyan sa half face helmet ngaun nanghuhuli sila sa mga nagmomotor...bakit lagi na lang tyo pinag iinitan?
  • ^ sa fb?

    teka silip nga muna ko sa mro page. bwisitin ko lang sarili ko bago umuwi. hahaha
  • pati ba naman sa helmet, parang kalokohan na yan ginagawa nila
  • Ako nga mufler ko may silencer na eh pero huli pa din kesho hindi daw stock at chicken pipe daw yun,at hindi na ko nangatwiran na bullet pipe yun na may silencer.
  • Morning riders!!
  • ^ sa fb?

    teka silip nga muna ko sa mro page. bwisitin ko lang sarili ko bago umuwi. hahaha


    balita ngaun yan sa news sir kalat na rin sa fb...sakit sa ulo wala magawa ang pnp pinag iinitan nila motorcycle...kumpiskado ang led natin worst balak pa daw nila ikulong mahuhuli....
  • may nasulyapan akong news clip kagabi, maramihan ng apprehended nila (sa video) ay 4 wheels. okay na din yun dahil dumadami na yung mga feeling escort na may blinkers sa harap.
  • May enghancement ba na nangyayari sa motor pag may open pipe?
  • Bawal nanaman ba mga led lights sa mga motor?