Forum Topic

Show me your riggy motorcycle (No trading)

  • warehouse sale sa spyder mga paps yung marvel na half face 999 na lang.. rcc center sa pasig shaw blvd malapit dun sa mga motel
  • @antis,
    thanks sa info, makapunta nga bukas. naghahanap din ako ng half face helmet since kukuha pa lang ako ng motor. last Friday lang ako nagpa reserve don sa yzone greenfield ng Yamaha sight.
  • ano balak ko sa sunod bibili uli ng modular hahaha wala na pag asa zeus modular ko pinalitan ko na reserved screw ayaw na talaga hahaha....
  • @dhamkit

    bro, sa totoo lang, wala naman talaga bisa ang permit to travel since unregistered ang motor mo.. kahit kotse bawal, haba-habaan mo na lang ang leeg mo if gagamit ka..

    anlakas ng ulan kagabi..

    so natuloy ako sa edsa shang kahapon, wala sila motorcycle parking. dinala ako sa shangrila mall parking.. ang mahal! 350 pesos..

    pero ok na rin,
  • ^ hala! meron sila pang motor sa basement. depende siguro sa guard na kausap.

    last week nagpark din ako ng motor sa waterfront. need sure na may complimentary pass para makapasok

    -- edited by gen0 on Dec 08 2017, 06:39 PM
  • nakakita ako nung bagong r15 malapit sa amin, napa huwaw ako hahah. mas malaki na sya tignan kesa dun sa v1 at v2 models ng r15 heheheh. napaisip tuloy ako hahahah
  • Mga lodi, magkano bayad sa notaryo kung may ipagagawa ka na deed of sale ng isang sasakyan o motorsiklo?
  • Mga lodi, magkano bayad sa notaryo kung may ipagagawa ka na deed of sale ng isang sasakyan o motorsiklo?



    >

    100 to 150 depende sa nag nonotaryo pero yan ang range nyan
  • good day mga ka riders pano diskarte nyo pag madalas mapundi headlight na H4? yung low ang madalas mapundi yung high e ok naman.

    > check mo voltage ng motor mo, baka mamaya over current kaya madalas namumundi ng ulaw, or pa check for any grounded, or talop na wire.
    Hope it helps
  • https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1932828700066326&id=100000176433229

    panalo po ba kung kunin ko yung nasa link mga sir?

    Yamaha R15, 3k ang odometer for 100k?

    -- edited by malmonben12 on Dec 09 2017, 06:41 AM
  • ^
    araw araw mo gagaitin?
  • Good morning sa lahat!

    Tungkol sa matching names sa OR-CR at driver's license, though sinisita ito sa mga checkpoints, ay meron bang batas na nagbabawal gumamit ng mc kung magkaiba ang pangalan? Di ba ang importante lang ay valid ang driver's license at registered pa ang mc? Kung ang rason ay baka nakaw di ba dapat gagamit sila ng Database para i-check kung may alarm ang mc. Kung wala ay dapat huwag huhulihin?

    Lagi kasing nababanggit ang topic na ito pero walang batas naman na nagpapatotoo. Meron ba?
  • ^

    ang alam ko dyan. pinanatawagan pa yung owner para makausap ng pulis. hindi ko pa kasi naeexperience. maganda na din sir yan para sa safety natin mga MC owners.

    @sir erecs

    Sorry sir late reply. Pa check nalang po



    -- edited by popo007 on Dec 11 2017, 10:08 AM
  • Mga lodi, magkano bayad sa notaryo kung may ipagagawa ka na deed of sale ng isang sasakyan o motorsiklo?

    depende sa presyo ng sasakyan, at depende din sa abogado. ang kalakaran ay P150-200 kung 35k ang value.

    yung cbr ko 80k ang nasa DOS pero P500 siningil sakin ng taga minisipyo. pinasuyo ko lang kasi sa liaison namin. di ko alam kung buraot lang yung nagnotaryo. the week prior kasi nakasama ko pa sya sa 4-day seminar. lol walang patawad.
    Yamaha R15, 3k ang odometer for 100k?

    broken link. pero kung v2 at 2015 model good buy yan. assuming good condition din of course.

    re: OR/CR name different sa rider. i think they're just being cautious, though may innocent till proven guilty nga naman tayo sa ating saligang batas.

    on another topic. after matumba ni cbr, nawala naman yung isang axle spacer sa rear wheel nung pinavulcanize ko. ako nagbaklas sa bahay at dinala ko lang sa shop para ipagawa. sure ako wala na yung spacer sa shop kasi nilinis ko muna bago ko dinala. huhuhuhu kung minamalas nga naman.

    -- edited by gen0 on Dec 11 2017, 10:14 AM
  • Post deleted #12061623
  • sir popo007, di ba sasayad ung led nyo sa fender pag nalubak?
  • ganun walang bisa yung permit to travel? sabi naman nila naka TRO daw yun, naguguluhan tuloy ako.


    ---Spokes yun nabili ko, wala kasi available na mags. Balak ko tuloy palitan yung spokes to mags ng Racing boy mags, nasa magkano kaya yun ? Sabi din ng mga tropa ko gamitn ko ng gamitin daw muna yung spokes/stock...

    -- edited by dhamkit on Dec 11 2017, 10:25 AM
  • @erecs

    Hindi sir..kasi yung front fender nakakabit din sa same area kung san nakalagay yung led so pag bumaba sabay sila :) ang problem ko is since binaba ng konti yung fender sumasayad siya sa gulong. mabigat kasi ako hahaha. kaya nagpakabit ako ng ibang fender.

    @dhamkit
    ang permit to travel sir is valid from Casa to Bahay lang. after nun wala ng bisa yan.. ang case mo papasok parin sa unregistered vehicle. now ang TRO, ang alam ko dyan yan yung para sa mga dealer na maglalabas ng motor na wala pang OR/CR. kaya dati hinihintay pa nila marelease yung OR/CR bago ibigay ang unit sa owner. e may TRO kaya balik ulit sa dating kalakaran :D

    -- edited by popo007 on Dec 11 2017, 10:38 AM
  • Morning riders!! Astig ng scooter mo paps popo!!
  • ^6rifter

    Thanks paps
  • sir popo007, pwede patingin ng mismo pinagkabitan ng led? TIA.
  • @erecs

    di ko mapicturan ngayun sir.. magbubutas ka sir dun sa ilalim ng headlight.
  • nagka diarrhea ako kahapon, pero nakauwi namn ako, tapos bumili kami ng handbar end, habang kinakabit un , muntik na ako matumba haha, overfatigue siguro patumba na ako, buti nacontrol ko pa sarili ko. 2x yun muntik ko na ako maging passenger ipapauwi ko yung motor ko haha!
  • tatlo pala (at least) ang motorcycle threads dito sa TPC:

    1. this thread
    2. IT Riders
    3. TPC Riders
  • ^ eto madalas na active na napapansin ko hahaha
  • wala pa rin tatalo sa TT bikers club.
  • sino yang TT hahaha

    on a side note. papalitan kaya natin yung thread title?

    -- edited by gen0 on Dec 13 2017, 10:33 AM
  • This Thread bikers club.
  • IT Riders, sobrang tagal na nyang club na yan, been with them before sa isang tambay sa may shell c5. heheh. good times!
  • mga sir kamusta na december na may sale na naman sa MW.