Forum Topic

TPC - KSA, atbp (No trading or selling)

  • ot guys:
    a not so good news today arrived. isang kasama ko binawian ng buhay due to covid dito sa riyadh.
    may idea po ba kayo on how to process yung ganitong case esp dun sa family.
    as of now wala kami magawa kundi bigyan ng comforting words yung asawa and kids.
    nakaquarantine yung family nila sa bahay nila and its so frustrating wala kami magawa.
    keep safe and pray for all of us.


    D yata uso cremation dito. Pagkakaalam ko dito sa KSA within 24hrs kailangan i-bury sa lupa. Bawal itravel ang labi ng expats.
  • ^pwede sir ipadala sa pinas, yun magasikaso consulate natin medyo matagal daw pagkuha 2-3 months sabi ng friend ko nagwork sa morgue ng ospital.

    Ibang bansa daw mabilis process mga 1 week lang.
  • ^ iba ata ang process pag namatay sa covid tols
  • ^pwede sir ipadala sa pinas, yun magasikaso consulate natin medyo matagal daw pagkuha 2-3 months sabi ng friend ko nagwork sa morgue ng ospital.

    Ibang bansa daw mabilis process mga 1 week lang.


    Ayan yung time frame kapag namatay ng hindi covid case, 2-3 months. Pero kapag namatay dahil sa covid, libing na agad.

    Just like sa Pinas, need ma-cremate within 24 hours.
  • Guys..

    ano nga pala guideline ng Saudi about dun sa mga uuwi for vacation during this period? pati kung babalik naman dito ano din guideline nila?
  • pano kayo nakaka pag pagupit mga sadik? hehe
  • nkahiram lng ako ng hair clipper/trimmer. kaso mas maganda sana ung de wire at malapad sya di gaya ng de baterya wla pa 30mins palyado na! para paraanan na lang din talaga hehe... at syempre nuod lng ng youtube kung paano teknik...
  • Hay tang.nang kumpanya to, mag iisang taon na ako next month hanggang ngayon wala pa din ako iqama. Yung dalawang kasama kong dumating matagal nang meron.

    Nung nakaraan may nag rorondang pulis kamalasang nahintuan ako. nung nanghingi ng iqama sinabi ko na lang na passport lang ang meron ako at bagong dating pa lang. buti hindi na tinignan kundi pasong visa ang tatambad.
  • ^malamang red alert yan company mo.
    Dasal at konting ingat lang kabayan.... Magipon ka ng magipon para makauwi at hindi na bumalik pa dito.
  • @mrm08
    normally madalas prin praktis yan sa mga establishment, pro kapag sa kumpanya malamang malakas yan sa lugar ninyo. siguro nsa province din kyo dto ksa, kasi mas maluwag cla kumpara sa mga cities. tama ipon ipon lng muna at habaan pa ang pasensya. ganito naman tayo dito... pero in da end, bbalik at babalik prin dto hehe... Stay safe everyone and God bless!

    Nga pala, open na sa karamihang lugar dito...tanong ko lng is, inoobserba parin ba nila ung dami ng tao na mgkakasama? like bawal ung 5 na katao etc...etc.. thanks!
  • mga paps, pwede ba or hindi marenew ang iqama kung nasa labas ng ksa? hindi sa dependents, as a worker mismo.

    -- edited by ssi_markd on Jul 05 2020, 01:55 PM
  • ^salamat mga paps. Yan nga din ang sabi ng misis ko, mas maganda pang umuwi na lang ako. Nung wala pa pandemic sure nako sa ganyang idea kaso nung pumutok tong covid nag aalangan nako mag work na lang sa pinas, sa dami ng nawalan ng trabaho mukhang mahirap makahanap ng mapapasukan. Hanggang ngayon may mga kumpanya pa din na nag tatanggalan. Kung may open man eh siguradong hindi malaki ang io-offer dahil tag higpit ang mga kumpanya ngayon.

    Pasalamat na lang din talaga at may trabaho pa din tayo. Dito sa lugar namin (al khobar) balik sa dati nung nawala curfew, karamihan mga pako na nag kukumpulan. Wala ding social distancing. May mga linyang nilagay (bakala, resto, grocery, etc.) pero di din nasusunod. Sabihan mo sila pa galit.
  • mga sir, sa company nyo ba di na rin ba nagpabalik ng saudi yung mga naka-vacation? may mga kasamahan kasi kami na inabutan ng lockdown dati, 1 month lang ini-extend ang visa nila then after nun terminated na, binagay naman daw yung esb nila.

    Kaya parang out of plan muna umuwi ng pinas this year, baka same scenario din mangyari.
  • ^depende sa financial capability ng company mo. Pero sa nangyayari kahit malalaki company nahihirapan. Sa amin suspended contract lang. Pag naging ok saka bumalik at sumeweldo.
  • yes, tama si sephy. it all depends sa company mo. dito sa amin, alaga naman nila ung mga dpa nakakabalik pero who knows di ba. Pwede cla mgdecide na tuluyan ng iterminate ang tao pero what to do basta maibigay ung ESB mo malaking pasasalamat nrin ke Lord. That's why prayers talaga sa pang araw2 natin. stay safe lang always mga pipz. btw, nglagay ng single ring dun sa unahan ng corniche al khobar. lahat nmn ng nglalaro is nka face mask. ako daan lng at konting shooting then bike lang ikot ikot hehe.
  • Buti sa inyo sir, wala pa na-terminate na employee. Karamihan sa amin nag-avail na lng local vacation dito, sa mga di nagamit na vacation for year 2019 contract. Hopefully by Dec 2020 umokey na ang situation para makauwi na ulit ng pinas.

    Stay safe din sa inyo po mga sir.
  • I heard na gumagawa ng hakbang ang ARAMCO for the Construction field na makabalik yun mga nakabakasyon
  • Ung nabangit ko lng ung mga naLockdown sa bakasyon pero tuloy prin ang mga nateterminate sa iba ibang division. ung Travels nga namin halos 20 ang tinerminate at mga branches totally closed na.
  • Sa amin wala namn natterminate pa. Suspended contract lng talaga since last month wala yatang sweldo. Ung andto naman aside sa "hardship allowance" na bnbgay magbbgay daw ng anual increase dun sa mga "eligible employee" to show their appreciation

    -- edited by sephy on Jul 09 2020, 02:43 PM
  • guys, good day po. pwede po mahingi # at ng pwedeng tawagan regarding sa pgskeds ng pguwi ng Pinas o kung mas maige po ung site mismo kung paano proseso at pgapply. Khobar po sana. Marami salamat.
  • ^ same concern di ko din mahanap saan
  • mga mudir tanong ko lang po sa mga naka subok na sa STC PAY.

    nagpadala kasi ako Local Bank Transfer nung Thursday around 4PM. Kailan kaya yun papasok dun sa pinadalhan ko? until now (SATURDAY) wala pa kasi.

    shukran.
  • @saneran2009

    kung hindi po bukas yan sa monday po.. ng mga hapon max tuesday
  • ^mga ilang araw talaga kapag Local Bank Transfer, kaya kami gamit nmin ung Sadad payment. Pag bayad mo papasok agad sa kanya pero syempre dpat nka mystc kayo preho.
  • @babygel

    pumasok yung padala ng SUNDAY. prior nun naka chat ko customer representative ng STC Pay at sabi nga eh 24 hours working days daw sa bank. Wala nga pala pasok Bank until Saturday.
  • Kumusta na kayo dyan?

    May narinig akong balita na sa September na daw ire-resume ang flights sa KSA. Narinig nyo rin ba ito?
  • ^Totoo ba ang balita na after international flight from August-September, 3 years na sila magoopen ulit?

    Thanks
  • Kumusta na kayo dyan?

    May narinig akong balita na sa September na daw ire-resume ang flights sa KSA. Narinig nyo rin ba ito?


    Ang balita ko nga din is September daw.
  • sa september pa ang resumption? sad! pero mas sad kung tatamaan ng di nakikita. mas malaking pasalamat pa rin na di nagkakasakit simula nung lockdown. sana lahat ay malakas at pilit nilalabanan ang traydor nitong kaaway natin. yung mga dating nakaugalian, sadyang nabago na talaga. be safe mga peeps, saan man sulok ng mundo.
  • Sa Saudia ang naririnig ko sa mga piloto is sometime in august daw ang target... pero mgging limited din. sa riyadh kc lahat ng expat na piloto (captain) pinagbaksyon ng 6 mos sa january at feb ang balik. lahat ng first officer na expat tinerminate ung contract at ang mga karamihan ng FA suspended contract till next year daw.

    -- edited by sephy on Jul 22 2020, 03:15 PM

    -- edited by sephy on Jul 22 2020, 07:44 PM