Forum Topic

TPC - KSA, atbp (No trading or selling)

  • stable na rin ang app, refresh lang at updated na pero yung guard namin di stable. may inabot lang ako sa courier service at alam naman nya di naman ako lumabas, at nang pabalik na ako sabay "tawakkalna!". wala na, sunod-sunuran na talaga tayo. preliminary pa lang ito, may susunod pang malala (sigh)
  • ^haha protocol eh matraffic tuloy papasok ng opisina.
  • ang siste ngayon, di bale maiwan mong lahat huwag lang smartphone :]
  • ^tumpak lahat pa naman nang establishment hinahanap ang tawakkalna, lahat tuloy kelangan may internet.
  • Bumili ang kasama ko ng shawarma, napakasarap SR 1000 ang halaga.

    Nahuli ng pulis nagkukumpol kumpol, nasampolan hehe
  • ^ yan ba yung sa may malapit sa rahmaniya? hehe
  • putek na shawarma yan, pahamak. hehe
  • Bumili ang kasama ko ng shawarma, napakasarap SR 1000 ang halaga

    peste! *_*

    ako rin may kwento... officemate ko bumyahe ng hapon, inabot ng dilim sa daan. nakita sya ng pulis at hinabol. yung isang tail light daw pundido. sabi ni officemate malapit lang ang bilihan, bibili sya ng bulb @6sr. sabi ni pulis, lah lah! wahid alf riyals. kasing halaga din pala ng swarma ang bombilya, hehe.
  • kakabalik ko lang from vacation, aasikasuhin ko na pala absher ko na yan, yan pa naman problema ko dati pa, di tugma mga info hahaha, di maka register sa tawwakalna
  • Maiba naman, meron po ba dito na tuloy-tuloy pa rin naghuhulog sa SSS/Pag-ibig contribution?

    last year di ako nakapaghulog dahil sa pandemic, pwede pa kaya maghulog ng 2020? walang contact number sa branch namin para magtanong. nag-email naman ako wala pang reply.

    sa pag-ibig, magkano kaya ang contribution para sa ofw?
  • ^Pwede pa sir mag generate ng PRN sa SSS from January 2020 to December 2020.

    Login lang kayo sa sss then generate PRN tapos bayaran na lang sa gcash.
  • ^ thanks sa info sir, kaya pala active pa yung 2020 sa applicable period :)
    gcash medyo hirap ako gumawa ng account. pinicture ko ng malinaw ang passport, ayaw pa rin. isa pa, daming proseso sa pagta-transfer ng pera (quickpay > moneygram > gcash). akala ko pwede lang sa stcpay o debit card.
  • ^isang fee lang sir bayad from Quickpay to monegram tapos sa Gcash to SSS wala na sir fee na babayaran.
  • aside from gcash pwede naman online banking (phil)
  • Di na pwede magbayad para sa sss 2020, deadline ay nung January, Yung whole month na di makapag generate ng prn
  • Meron na ba nakapag try bumili sa microless UAE dito? Bili sana ako budget GPU pang gaming.

    Thanks
  • sino nagpabakuna na? anong vaccine kaya tinuturok nila?
  • Bumili ang kasama ko ng shawarma, napakasarap SR 1000 ang halaga.


    kilala ko to! At yun isa broasted ang binili..hehe

    -- edited by Angoy on Mar 02 2021, 08:50 PM
  • re: 1K fine
    mga kasamahan namin sa work pumila sa may kiosk machine para makapag-register sa tawakkalna, dahil sa haba ng pila inabot sila ng gutom at bumili ng pagkain. pinagsaluhan naman nila kung saan sila nakapila, pagbaba ng facemask "boom!" lumapit ang police at pinagpipicture'an ang iqama.

    eto pa, contractor namin na pinoy sumakay ng saptco at nag-stop-over. pumunta lang ng cr with facemask, hinubad ang facemask para itapon kasi nga marumi na. pabalik na sa bus "boom!", may naka-abang pala na police.

    sarap sana magbenta ng facemask kahit 50sr isa :)

    ingat mga peeps.
  • sino nagpabakuna na? anong vaccine kaya tinuturok nila?


    as of now pfizer and astrazeneca ang approved vaccines sa saudi arabia. sa mga bagong for vaccination astrazeneca ang ibinibigay. ang pfizer binibgay sa mga old vaccinated na for 2nd dose.
  • astrazeneca ang ibinibigay

    may nabasa ako ngayon tungkol sa south korea, tutoo kaya yun?
  • saan may nabibili mga 2nd hand pc, preferably gaming pc
  • sa mga taga al khobar. Madami pa dn ba nanghuhuli sa social distancing and facemask? I'll be there with my friends by this thurs and friday.

    Thank you
  • sino dito naka receive ng sms from GOSI? na kailangan daw irenew ang contract at kapag di na action'an within 7 days ay automatic terminated?
  • ^ Di totoo yun. Sakin di ko naman nirenew pero di naman ako terminated. More than 6 months na nung natanggap ko yung message na yun.
  • sino dito naka receive ng sms from GOSI? na kailangan daw irenew ang contract at kapag di na action'an within 7 days ay automatic terminated?


    samin kasi nag email HR namin requirement kasi nang MoHR to authenticate un employee contracts sa new platform called Mudad(pero gosi un SMS). basically same naman ung contrata na pinirmahan ko sa company at ung naka upload sa GOSI.
    tsaka may binigay HR namin na step by step sa pag fill up for contract authentication

    ask your HR nalang regarding this...
  • ^auto approved yan pag inignore mo.
  • @pong and swing, thanks sa info mga ser.

    may memo na rin dumating sa amin ngayon for information lang. wala naman sinabi na may ibang gagawin, basta active ang mobile number sa absher :)
  • awwww 1.90 ma ang 91....
  • ^ cheap pa rin kumpara sa atin ????
    pero posible pa raw tataas yan kapag bagsak na sila ????