Forum Topic

*Condo Unit or House and Lot?

  • Turnover na po ng bahay ko bukas. Tanong ko lang po if magkano po ang magagastos sa occupancy permit at magpapermanent connection ng Meralco? Tsaka, okay lang ba magmove-in na ko bukas? Wala kasi magbabantay sa bahay and Tuesday ko pa maifile application for occupancy permit gawa ng holiday.


    Sa experience ko ng move-in, binayaran ko na lahat sa developer ang occupancy permit at connection ng meralco, pati garbage fee and street lights for 3 years. Pagkabayad ko kay developer, nag advice sila saken na 1 month pa bago ibigay saken yung susi ng house kasi aayusin pa nila (kung meron man) yung mga sira sa bahay. Pero syempre kapag ni turn over sayo, puede mo pa rin icheck kung meron man sira at ipaayos sa kanila.

    Total of 8.5k ang binayaran ko dati. 2016 pa yun.

    BTW, RFO yung nakuha namin na bahay.

    -- edited by rhael on Feb 21 2019, 09:21 AM

    -- edited by rhael on Feb 21 2019, 09:22 AM
  • magandang turn over pag tag ulan... makikita mo talaga kung may marks ng tulo esp sa kisame at mga pader.
  • Mga sir, may nakapag-tripping na ba dito sa Anyana sa tanza, or may experience sa Antel group?

    Nakita ko lang sa fb feed yung project and looks promising sa pictures, mababa pa yung price

    Parang ang sarap lang pagplanuhan and gawing retirement home

    Also, tama ba yung tanda ko na may comment dati na prone sa baha yung lugar pag dating sakahan yung area?
  • magandang turn over pag tag ulan... makikita mo talaga kung may marks ng tulo esp sa kisame at mga pader.

    Sa Camella Daang-Hari, 1 year ang ibinigay samin para ireport kung may makikitang sira or wala.
    Sa property na nakuha ko sa San Pedro, 1 year din ang ibinigay sakin.
    Both properties kahit na naka 1year plus na may nakita kaming tulo inayos pa rin nung magkaibang developer.
    Mapaguusapan naman, lalo na kung itturn over na sayo yung house lalo na at hindi naman rainy season.
  • Sa Camella Daang-Hari, 1 year ang ibinigay samin para ireport kung may makikitang sira or wala.
    Sa property na nakuha ko sa San Pedro, 1 year din ang ibinigay sakin.
    Both properties kahit na naka 1year plus na may nakita kaming tulo inayos pa rin nung magkaibang developer.
    Mapaguusapan naman, lalo na kung itturn over na sayo yung house lalo na at hindi naman rainy season.


    yung sa amin naman, hindi na nag abala pa si misis na ipaayos kung may sira pa. ipaparenovate naman daw yung bahay. sabi ko kay esmi, "ikaw na".. hahahaha :D
  • may ma rereco ba kau na mid rise condo around pasig? right now sorrento oasis p lng cinoconsider ko.
  • ^
    Check mo rin sir yung Acacia Escalades saka Satori Residences, baka magustuhan mo
  • fame condo unit for 5m ok ba un.. location is near sm megamall
  • @artie

    thanks paps check ko rin yan pati ung mirea residence.
  • Pwede na ba agad mag apply ng home improvement sa Pag-Ibig kahit di pa na tuturn over yung bahay? If hindi, how soon pwede mag apply after makalipat?
  • ^
    Hindi ba naka loan yung property sir?

    Kung nasa iyo naman na yung title and walang anotation or anything, tingin ko pwede ka na mag apply agad, especially if halos patapos na yung bahay mo

    Kaya naman na ma-asses yung value ng h&l para malaman kung magkano yung pwede mo ma loan
    Beside, home improvement naman yun, hindi naman siguro sya ka presyo ng property mo
  • Speaking of home improvement loan sa PAGIBIG, pwede ba ang home improvement loan para sa pagpagawa ng additional apartment?
  • aRTie Send Message View User Items on 19 Mar 19 @ 07:27 AM #

    ^
    Hindi ba naka loan yung property sir?

    Kung nasa iyo naman na yung title and walang anotation or anything, tingin ko pwede ka na mag apply agad, especially if halos patapos na yung bahay mo

    Kaya naman na ma-asses yung value ng h&l para malaman kung magkano yung pwede mo ma loan
    Beside, home improvement naman yun, hindi naman siguro sya ka presyo ng property mo


    Naka loan in-house sir. Wala pa rin samen title. Inisip ko lang kasi kung pwede na mag apply ng home improvement para isang gawaan para pag lipat tapos na lahat. Pwede ba yun ganun?
  • ^
    Alam ko kasi sir, kahit home improvement loan lang, kailangan pa rin nyan ng collateral

    Since naka loan ka ngayon para sa bahay mo, ibig sabihin naka collateral na yung property mo para sa acquisition ng property, hindi mo na magagamit para sa pinaplano mo na renovation loan

    Ang pwede mong gawin, if meron kang ibang property, yun yung gamitin as collateral, or mag apply ka ng personal loan

    Note though na sobrang mataas ang interest ng personal loan kaya hindi advisable kunin
  • noted sir Artie

    thanks a sagot
  • yung mga nakakuha sa TV, ilang months ba bago kayo nakalipat after matapos bayaran yung dp. ako kasi last September 2018 pa tapos pero wala pang balita kung ginagawa na at kung na file na ba sa pag ibig yung housing loan. sabi kasi nung agent for construction na daw last January pero until now wala pa rin balita, sino kaya pwede makontak don sa developer aside from the agent? bale sa phase 2 pala yung nakuha ko. thanks
  • @xyzaalexi

    Natapos ko Equity ko by Mid-2017 (June ata) pero until now hindi parin ako nakaka lipat.

    Phase 1 akin, Last batch construction ng bahay ko. 100% na ngayon waiting sa turnover.

    I think mga this year or next year yang inyo, although ang daming bahay na sa phase 2 plus 100% completed na ang kalsada.

    Ipa-file ang loan mo sa pag ibig once nasa 90% ng tapos ang bahay mo para iwas daw sa ghost house loan.
  • @razorjay
    thanks sa info
  • mga sir, ok po ba ung ama tower? developer nya ay picar. balak ko kasi kumuha
  • musta ang mga condo sa lindol po?

    ala ba mga bitak?

    dami reported sa FB lalo na sa lower floors daming crack.
  • eto yung magandang worst case scenarios.. LINDOL.

    prang daming sub standard ngayon nakikita sa mga condos. tsk..tsk..tsk..
  • the good question is..

    iilan kaya ang mga may mga investment na paupahang condo/apartment na may comprehensive at personal liability insurance?

    kadalasan mortgage redemption at fire insurance lang inaavail para makamenos sa fees.

    giba na yung building, nagbabayad ka pa rin sa bangko because of financial illiteracy and unpreparedness. failed to protect your capital and assets.
  • Our condo has served me well...Bawi na ang puhunan at kumikitang kabuhayan pa... Fully paid na rin since 2014...We also have the insurance in placed by the Developer....And so far so good naman sa nagdaang lindol at aftershocks...(knock on the wood)....


  • Ang pinakasikat na uri ng property insurance ay ang home insurance. Binibigyang proteksyon ang iyong bahay sakaling ikaw ay masunugan, manakawan, masalanta ng kalamidad at iba pang acts of God.

    Hindi covered ang regular wear and tear ng bahay sa insurance. Kaya dapat maglaan ng separate budget para dito. Last time na nagbayad kami ng home insurance, ito ay nasa PHP1,000 kada million na value ng bahay. Kung PHP5M ang bahay mo, nasa PHP5,000 ang home insurance nito.

    From:
    <click here for link>

    We also have the insurance in placed by the Developer


    PHP.... for inside the condo unit home insurance
    PHP.... for outside the condo unit building insurance ng condo paghahati hatian ng lahat ng unit owners
    *hindi lumalabas yung Peso sign sa website ng TPC hahaha

    ano inclusions?
    monthly price range? quarterly price range? yearly price range?

    -- edited by jay_soriano56 on Apr 23 2019, 04:22 PM
  • sabay segway sa pagebebenta ng insurance? hehe









  • From:
    <click here for link>

    -- edited by jay_soriano56 on Apr 23 2019, 05:51 PM
  • ano this? Ads?

    O.o
  • ^nope its not ads, i'll edit tanggalin ko yung Zipmatch.

    if you're doing a condo as paupahan and investment here are the fees on top of that.

    uninformed investor sasabihin niyan ayan na nga mga hidden fees/costs.
  • ^Actually informative. Thanks!

    I was looking for that before pero wala akong makitang compiled or tabled information to easily understand.
  • ^
    agree. informative nman. buti may nag post ng ganyan dito. yung iba paulet ulet lang post kakaumay na. hehe..