Forum Topic

TPC RC Quadcopter / FPV Thread (Helping each other - Firmware / Hardware upgrades)

  • ito yung part 3

    https://www.youtube.com/watch?v=htIbmIRhVPY&t=1s

    -- edited by Espiya01 on Jul 02 2017, 07:13 PM
  • @alexraz
    you sa banggood? hindi pa. I tried hobbyking kaso lang nakalagay during checkout ito naka lagay

    "There aren't any shipping options available at your location from this warehouse. Try providing additional address information or changing the warehouse."

    may idea kayo how to deal with this issue?
  • @Espiya

    I doubt na power ang issue. Mukhang config issue. With that being said, kuha ka ng multimeter tas test mo yung charge ng battery mo kung ano binibigay na voltage. Dapat 14.8V or higher. Tas kuha ka na rin ng maayos na charger and PSU. Kahit Accucell.

    Regarding sa config, Kamusta receiver tests mo? Note na kailangan nakakabit yung batt pag nag rereceiver test ka.
  • @Cocoy

    Aling warehouse ba pinili mo? Make sure na naka set sa International (Hong Kong). Tinest ko ngayon pwede naman mag paship sa Cagayan De Oro gamit ang FedEx.

    1S lang ang inoorder ko sa BG eh. Di ako kampante sa mga binebenta nilang LiPo pag malalaki.
  • I doubt na power ang issue. Mukhang config issue. With that being said, kuha ka ng multimeter tas test mo yung charge ng battery mo kung ano binibigay na voltage. Dapat 14.8V or higher. Tas kuha ka na rin ng maayos na charger and PSU. Kahit Accucell.

    Regarding sa config, Kamusta receiver tests mo? Note na kailangan nakakabit yung batt pag nag rereceiver test ka.


    wala na yatang pagasa lumipad itong quadcopter ko sayang lang pala pera ko dito hayz bad moves imbis na makapag palipad kamalasan pa inabot

    sira talaga charger ko amoy sunog

    bad news pa rin ayaw gumana ng quadcopter ko walang ilaw ang taillight overheating FC wala ring blue at redlight pati yung board ng salpakan ng antenna wala na ding red light ang masklap pa wala na ring akong naririnig na beeping kapag naka connect ang battery sa quadcopter

    sinubukan kung i bind ang receiver gamit ang jumper at lipo battery may na dedetect yung fly sky i6 ko na RX battery



    nag reply na ang banngood sa akin sabi nila magpapadala daw sila ng bagong FC board iba nga lang naze32 or cc3d. ang tanong kung pipiliin ko ang Naze 32 same pa rin kaya ang mga wiring nya sa quadcopter ko

    baka may alam kayong nag repair ng racing drone pa bulong naman gusto ko na kasing magamit ito

    -- edited by Espiya01 on Jul 04 2017, 02:41 AM
  • maraming fb quadcopter groups sali kayo dun paps mas mabilis response ng mga ka drone dun kesa dito
    member ako ng multi rotor at iba pang group sali kayo


    sir meron akong group na pinasukan about drone walang makatulong sa akin kasi mga DJI users ang karamihan wala raw silang idea about racing drone kagaya ng sa akin hindi nila kabisado kung paano i tweak ang sp racing f3

    paano ba sumali dito sa group na ito may tinatanong pa kasi bago mag join

    https://www.facebook.com/groups/mrbasph/

    -- edited by Espiya01 on Jul 04 2017, 03:05 AM
  • @Espiya01

    Buti pa nga mag Naze32 ka. Tried and tested. Wag kang mag alala sa wiring. Parepareho lang yan. May mga options for single cable or multi cable setup between RX and FC depende sa feature ng RX.

    Payo ko sir, since first build mo to, keep it simple. Wag mo muna kabit yung parts saka accessories na di necessary para lumipad yung quad. I assemble mo lang yung frame, fc, ESCs, motors, and receiver. Paliparin mo muna sya ng ganun, tweak settings and PID until rock solid na sya (or as close as possible). Palagay ko mag eenjoy ka pa rin sa basic setup and LOS flying ng bagong quad.

    Pag solid na solid na lipad ng quad saka mo kabit yung FPV gear saka mga borloloy. This way, mas madaling mag trace ng issue.
  • ^ meron na ako nakausap na gagawa ng quad ko pinakita ko sa kanya yung mga problema ng quad ko. ang sabi sa akin sira daw FC nito need palitan nasa 1.5k magagastos mga newest FC daw ikakabit nya frysky yata ang ikakabit nabanggit nya rin sa akin ang mga naze32 daw pala ay utdated na pero pwede pa ring gamitin sa mga low budget na gustong mag build ng drone totoo ba yung sinabi nya hehe

    baka ang mangyari nito kapag dumating na yung naze32 na pinadala ni banggood mag build pa ako ng isang quad kahit receiver muna esc motors remotecontrol at frame in he future

    hanga nga ako dito e ang daming flip :D
    paano nya nagagagawa yung flip dito pinapatay nya ba ang motor tapos biglang buhay sa switch key or naka set pa rin sa beta flight at cleanflight?



    -- edited by Espiya01 on Jul 04 2017, 11:55 PM

    -- edited by Espiya01 on Jul 05 2017, 01:14 AM
  • @alexrax
    I tried it sir. ok na. Salamat sir. This will be my first time sa Hobbyking. Sir matanong ko lang based sa experience nyo, ok bang yung graphene? or ordinary lipos will do? may pros and cons kasi ang graphene.
    Sir ano marecommend nyo for beginners sa FPV, monitor or VR Box? wag muna goggles, malayo sa budget eh hehehe..
  • paano nya nagagagawa yung flip dito pinapatay nya ba ang motor tapos biglang buhay sa switch key or naka set pa rin sa beta flight at cleanflight?


    Airmode. Pag nag zero throttle ka, umaandar pa rin ng minimal yung props so stable pa rin. Talagang binababa yung throttle to almost zero tuwing babaliktad.



    Sa 2:27, zero ang throttle ko pero nakapag 270deg turn pa rin on the way down =P Hindi ko nilagyan ng sountrack para hindi ma cover yung speed ng motor.


    Pag kelangan mo mag tanong mag post ka dito

    https://www.rcgroups.com/multirotor-drone-talk-659/

    https://www.rcgroups.com/multirotor-drone-talk-659/

    Madami dyang sub forums tungkol sa builds. Madalas din ako mag diagnose / troubleshoot ng mga builds nila.

    -- edited by Hajile on Jul 05 2017, 04:24 PM
  • good day mga master, anybody here who knows where i can buy BUGS 3 ESC? TIA
  • @cocoy

    Although I have Graphenes for my racer, I haven't used them long enough to comment if they're good or bad. I don't think they're actually made from Graphene. Branding lang. Yun lang nilagay ko sa racer kasi maganda balot. Hahaha.

    If you want to get into FPV, I say plunge in and get goggles. May mga cheap ones sa banggood. Marerecommend ko yung box na may monitor at lens sa loob.
  • @ alexraz

    salamat sa info. regarding sa goggles, yes i will be into this hobby. Regarding sa goggles, ano po marerecomend nyo yung masasabi natin na bang for the buck ika nga? ang dami kasi sa market lalo na ang fatshark ang daming model tapos iba iba impression sa mga reviews. Sulit ba ang fatshark? I can afford pero namamahalan ako. Regarding sa box naman, yung eachine goggle 2 and VR d2 mga positive ang reviews. Ang tinitignan ko ngayon is yung fatshark transformer. something in between the high end and lower end. Kaso lang wala masyadong reviews at mostly iba iba impression din. TBH di pa ako naka pagtry mga suot ng goggles at box kaya wala talaga ako idea.

    Based sa experience mo sir, ano marecommend nyo na fpv goggles/box? gusto ko matibay at pangmatagalan na. at balak ko lang mag freestlye. masyadong mabigat si chameleon ko for racing.
  • @Cocoy

    Gamit ko Headplay HD. Early adopter ako nun. Medyo overkill kasi grabe laki ng display. Leaning ako sa boxed monitor style na goggles kasi malapad mukha ko so may mga goggles na double monitor na naduduling ako pag di adjustable yung inter pupillary distance.

    Mabigat lang ang mga boxed monitor goggles pero ang lamang nya mura kahit yung mga full HD even compared sa non HD na fatshark styled goggles. Problema lang pag di ka sanay, nakakalula kasi ang lawak ng view.

    Meanwhile, yung fatshark style goggles magaan saka cool tignan. yung view nya para kang nanonood ng sine tas naka upo ka sa likod ng sinehan. Yung boxed style kasi nasa front row ka so minan kailangan imodify or adjust yung lens, otherwise baka di mo Makita yung buong screen.

    Yung mga mamahalin na fatshark style goggles HD na may HDMI input. Meanwhile may murang boxed style na HD at may HDMI na rin. Anong significance nito? Magagamit mo sa ibang bagay tulad ng PC, Xbox etc. Saka kung bibili ka ng DJI, magagamit mo rin sya.

    Pinaka maganda nyan, punta ka sa maraming nag papalipad Lalo na pag may event tas makitesting ka sa mga tao para Makita mo for yourself yung pros and cons.
  • Mga ka elisi! Magkaka DJI na sa megamall, 5th floor.
  • san po bang pinaka murang dji mavic pro fly more combo makakabili? thanks...
  • Hello! Alam nyo ba kung bawal magpalipad ng drone sa boracay? Especially sa station 1, 2 or 3? thanks!
  • Technically bawal mag palipad sa ANY public beach pag may tao. Bawal din magpalipad over structures unless may permisio ng may ari.

    Public ang beaches fronting sa stations ng Boracay unlike mga private beaches tulad ng Caylabne and Montemar.
  • Help po nakabit ko ung tx01s ko nung una ok pa sya then bigla ayaw na gumana :(
  • @skydominator

    Eto yung cam/vtx combo? kailangan ng context.
  • ^opo sir ung nakasplit ung vtx
  • Kulang sa context pero baka nasunog or defective.
  • Post deleted #12024667
  • Post deleted #12024671
  • Post deleted #12024672
  • Post deleted #12024673
  • Nakakamiss mag palipaaaaaaad!

    @jawslash

    Sir buhay ka pa? hehehe

    Pa rebuild naman nitong racer ko!
  • Anyone share experience ordering from Banggood or Gearbest?
    Safe ba sila ka deal?
    Wala naman tax pag less than 10k yun drone di ba?
  • Tried both. Still use Banggood regularly.

    Yup, kahit ano walang tax under 10K.
  • basta kapag pupunta na sa post office dala ung invoice