Forum Topic

Car 101: Tips and FAQ Thread

  • tagal ko nang gusto magpa sound deadening para maramdaman naman upgrades ng seps at coaxial ko... so far yung brand na "Acoustipad" ang nakikita kong mura pero okay ang quality. Ito yata yung made locally. May roller na ko haha katakot lang gawin
  • Sir ninjababez, ramdam ba difference ng may sound deadening? Worth it po ba sa iyo pinagawa mo?
  • ako nag diy ang asphalt based din pero doors lang nilagyan ko. Nag upgrade din kasi ng car audio and ang lagay na din ako ng subwoofer. Ramdam naman sya kasi mas naging mabigat yung doors and mas maganda yung talbog ng tunog ng speakers.
  • saan kayo naka kuha sir? @reezer
  • Sir ninjababez, ramdam ba difference ng may sound deadening? Worth it po ba sa iyo pinagawa mo?

    worth it considering 5k lang nagastos ko for materials and 2k sa installation labor. compared sa accessories stores na 4-5k single application sa front doors palang. NVH and sound quality nung audio nag improve. btw yun iba kahit stock speakers lang gamit, laki daw improvement.
  • tagal ko nang gusto magpa sound deadening para maramdaman naman upgrades ng seps at coaxial ko... so far yung brand na "Acoustipad" ang nakikita kong mura pero okay ang quality. Ito yata yung made locally. May roller na ko haha katakot lang gawin


    yan din yata yung gamit ko noon eh
    chromelike yun color sa isang side then black yun pinandikit sa auto, tama?
  • saan kayo naka kuha sir? @reezer


    cheap lang ginawa ko ah. hahahahaha search mo yung flashband i did it two years ago so far oks naman sya. Mas advisable if yung acoustipad.

  • cheap lang ginawa ko ah. hahahahaha search mo yung flashband i did it two years ago so far oks naman sya. Mas advisable if yung acoustipad.

    technically bro mas mahal yan, pero mas madali nga ikabit ^_^
    no need ng heatgun
  • Boss ninja ano maganda sealant sa headlight?
  • Boss ninja ano maganda sealant sa headlight?

    cant say maganda bro kasi ito lang na try ko for personal use
    iirc may gray din nito

  • ay wait, did you mean sealant like wax?
    if yes, then turtle wax ice bro. i swear by this product
    lalo na if sa headlight lang!
    pero sa paint, collinite for protection and shine
  • technically bro mas mahal yan, pero mas madali nga ikabit ^_^
    no need ng heatgun


    mas mahal ba? doors lang ginawa ko ah. siguro kung pati mga floors and wheel wells. Alam ko 700 worth lang binili ko. hahaha

    Pero dun sa mga nag iisip mag sound deadning, go for it sulit sya. ramdam ko yung improvement sa pagbaba ng noise. May mga nakikita naman ako na packages for 2k and up.
  • mas mahal ba? doors lang ginawa ko ah. siguro kung pati mga floors and wheel wells. Alam ko 700 worth lang binili ko. hahaha

    Pero dun sa mga nag iisip mag sound deadning, go for it sulit sya. ramdam ko yung improvement sa pagbaba ng noise. May mga nakikita naman ako na packages for 2k and up.


    uu naman bro, mahal sya pag maramihan na ^_^






    btw may nakasubok na sa inyo ng ganitong klase ng gps tracker and engine cutoff?
    kamusta naman quality, need ba talaga ng subscription after a year?

    thanks!







    -- edited by ninjababez on May 11 2021, 09:48 AM
  • May additional fee nga sa car registration hassle.

    Feb 2018 ORCR but plate ending in 5. Pinag bayad nung Feb to May. Ugh
  • ^ mukhang tama naman dahil expired na yung 3 years last feb 2021. Buti walang penalty dahil expired na yung registration as of Feb?
  • May additional fee nga, yun yung penalty. Pero parang nabasa ko somewhere na kung nagpa reg ako nung Feb, papa reg uli ako this may. In that case sulit na yung fee/penalty.
  • Yes, tama ka. Kung nagpareg ka ng feb, uulit ka ng may. Pero ang babayaran mo lang naman is feb to may and not for 1yr. Medyo risky lang ginawa mo dahil expired registration ka from feb to may this year. Kung natiyempuhan ka, pwede ka maimpound.
  • pa suggest sana ng exhaust pipe for my mazda 323 gen. 1. putol kasi sya gusto ko palagyan ng muffler with resonator. ok lang saken copy basta not more than 3k. yung may grunt sana kahit walang dagdag horsepower. ^_^

    <click here for link>

    -- edited by synchr0n1z3r82 on May 11 2021, 10:28 PM
  • Yes, tama ka. Kung nagpareg ka ng feb, uulit ka ng may. Pero ang babayaran mo lang naman is feb to may and not for 1yr. Medyo risky lang ginawa mo dahil expired registration ka from feb to may this year. Kung natiyempuhan ka, pwede ka maimpound.

    Ang sinasabi kase sundin ang plaka =))
  • ^ yun nga ang tama, sundin ang plaka, but you were 1 year late. Dapat May 2020 ka nagrenew at Feb 2021 to May 2021 lang ang babayaran mo. That way you would have been registered at all times and wala kang penalty.
  • Arivo Tires. May nakagamit na?
  • @oonaakona

    hahaha binili ko to kasi pinaka mura. pero surprisingly wala ako naging issue dito. ARZ4 model.
    for 6 months na ok pa din TW
  • Lalagay ko sana sa Mirage ni misis. Overdue tire replacement na kasi. Hehe. 1,700 isa pag 4 kinuha. Libre install, balance and align.
  • Meron ba dito sa metro manila pakabitan ng RFID for nlex,sctex,tplex? (mall, gas station, etc)

    Punta kasi ako norte. As much as possible ayoko pumila sa nlex.

    Edit:
    Another question, may nakakabyahe ba ngayon to Pampanga? Need ba swab? Mahigpit ba? May checkpoints? TIA

    -- edited by songerph on May 16 2021, 10:07 AM
  • Another question, may nakakabyahe ba ngayon to Pampanga? Need ba swab? Mahigpit ba? May checkpoints? TIA


    May checkpoint sa exit ng Angeles, pero no need swab.
  • Punta kasi ako norte. As much as possible ayoko pumila sa nlex.
    nung pumunta kami paps ng bulacan, maikli naman pila at mabilis.
  • songerph Send Message View User Items on 16 May 21 @ 09:59 AM #
    Meron ba dito sa metro manila pakabitan ng RFID for nlex,sctex,tplex? (mall, gas station, etc)


    sa shell magallanes nakakuha daughter ko 3 weeks ago.
  • Thankx boss ninja yan nga sealant ang tinatanong ko. Bubuksan ko kasi housing ng headlight mismo hehe
  • Napakabit ko na yung sound deadening. Apat na pinto at buong sahig kasama na yung sahig ng trunk. Yung sa sahig abot hanggang kalahati ng firewall. Yung takip ng trunk ay DIY ko na. Sa hood andun pa naman yung stock kaya OK na. Sinabay ko na rin roof insulation.

    Worth it siya. Hindi na naririnig mga high frequency sound sa labas. Worried lang ako kasi nabawasan tunog kapag dumadaan sa mga lubak. Baka mapaaga yung suspension ko dahil sa pandinig ay hindi naman masama ang pagkatama sa lubak. Haha
  • ^pag dating naman sa lubak paps kung nadinig mo na sya too late ka na. hahahaha