Forum Topic

Ghost stories ng mga members dito.. wanna share?

  • they have been at it until they passed away at they have a museum to show for it.... oh and that annabelle escaped story? all baloney. I saw a YT of annabelle being stored in its glass case 4 weeks ago. Its still there.


    Yep. Am aware of the museum. I used to think so highly of the Warrens, but after having a gander at their channel... I don’t look up to them that much anymore.
  • I would NOT go so fast as to judge them by their channel. Remember, they've been doing that since the 60s until Ed died. You want to know their work, don't go to youtube to find it, you do research to do that.

    Not everything that you find in the internet is what it appears to be.

    -- edited by redwing0001 on Sep 17 2020, 02:50 AM
  • november na naman!
    sana mabuhay ulit tong thread (necromancy!)

    haha. i have a few stories though hindi ito bago lang pero this year.

    1st, sino naniniwala dito sa premonition?
    here's the story, may kapitbahay kami(tropa) na nagkwento samin na ilang araw na syang di mapakali
    few weeks after lockdown to. so sabi naman baka stress lang yan tol. then sabi nya hindi raw
    parang anxiety daw na hindi alam yung cause kasi okay naman ang buhay nila/niya so walang way para magka-anxiety
    then a call from his relatives in the province, her lola passed away because of covid.
    then nasabi nya na lang na yun pala yung anxiety nya.

    2nd, mysterious whisper while sleeping
    nakapagpost na ako dati nito dito, ang weird kasi naulit na naman, siguro 3rd or 4th time na nangyari sa tanan ng buhay ko.
    anyways, so patulog na ako ng 3 or 330AM after watching yt vids.
    wala kaming kwarto and katabi ng bed ko yung bed ng utol ko na natutulog na.
    so nasa pumikit na ako, nasa pagitan na ako ng gising at tulog(nawawala na yung ulirat ko)
    ng biglang may bumulong sakin "sana gumising kana" in babaeng tone.
    as in halos nakadikit sa tenga ko yung bibig nung bumulong.
    nagising ako ng nakatihaya tapos sobrang init nung right ear ko na parang nagstay yung hininga nya.
    tapos pagsilip ko sa phone ko 5AM palang.
    talagang napaWTF ako nun.
    pero since hindi na bago sakin, nagCP muna ako saglit hanggang magkaaraw. tapos natulog ulit ako.
  • Sino na nakapag-Cagbalete island dito sa Mauban Quezon?

    3 beses na kaming nakapag-overnight sa resort dun. Yung unang punta namin dun kami lang ang guest sa resort. At ng sandali namin na naiwan yung bigas at itlog namin sa balcony ng kubo namin, pagbalik namin wala na. wala pang 5 minutes kaming nawala ng misis ko. at halos tanaw lang namin yung kubo namin sa shore. 2nd time na pumunta kami dun may nakasabay kaming mga teacher na weekly kung maguwian. habang nasa bangka kami pabalik ng main land sabi nya wag daw kaming bibili ng pagkain kung saan saan lang dun sa isla. dun daw kami lagi bumili ng food sa likod ng school kasi sure daw na walang budbod yung pagkain. Naniniwala naman ako sa teacher kasi di din talaga sila taga-roon. Kaya kahit sila iwas din silang bumili ng food sa ibang nagtitinda ng pagkain sa isla.
  • ^
    ano ibig sabihin ng walang "budbod"?
  • may nilagay sa pagkain na kakainin ng bumili na di dapat nilalagay..... sa mga kwento ng aswang, ganyan ginagawa ng mga gustong ipasa yung pagkaasawang nila sa ibang tao na di nila alam...

    kaya yung iba, nag dadala ng mga panangga katulad ng labuyo o asin pag kumakain sa mga di kilalang kainan, lalo na sa mga kainan na may kwento kwentong ganyan.
  • ^mga manlalason yan, kalimitan sasakit tyan mo tapos sila din gagamot sayo equals profit.
  • ^korek. kaya dapat talaga ingat lagi mga kinakain lalo na sa mga nasa liblib na lugar.
  • Happy New Year
  • happy new year po
  • Musta mga kabayan?
  • ok lang naman lods. eto work from homies pa rin. nice.
    ikaw kamusta sir?
  • ^^^

    Ayos, stay safe na lang tayo lods.
  • so nasa pumikit na ako, nasa pagitan na ako ng gising at tulog(nawawala na yung ulirat ko) ng biglang may bumulong sakin "sana gumising kana" in babaeng tone.


    Hypnagogia - transitional state between wakefulness and sleep in humans. Normal ang auditory hallucination kapag nangyayari 'to. Nakakarinig din ako ng boses minsan sa moment na ayun patulog na ako.

    Ang nakakainis lang, pasigaw iyong boses na naririnig ko kaya nawawala ang antok ko hahaha
  • woaah been a while since na nakapagopen ako ng tipidpc.. and check sa mga forums.. im still seeing familiar names dito :)
  • HYARRR!!!
  • Hello everyone. Matagal na kong lurker sa forum na 'to, also had my share of ghost experiences na nai-post na.

    I started a YouTube channel November last year and I am requesting if I can get an approval from everyone regarding the use of your ghost stories in this forum. I'm still compiling the stories at the moment, and hindi po lahat nilalagay ko.

    Feel free to message me for information on this. For now, I am selecting stories here and compiling it for the channel. No worries about your privacy, no personal information will be disclosed on the story and it will only focus on the experience. Any information that might deem as revealing will be removed or modified.



    Thank you!

    -- edited by holyorders on Jul 08 2021, 08:57 AM
  • @holyorders
    What is the name of your channel?
  • @holyorders

    kung mapili mo man sakin, feel free na ibroadcast mo sya sa channel mo. XD

    basta wag mo kalimutan, kahit pa sino samin dito ang napili mo, give credits to the owner (kahit user name nia dito sa tpc lang mailagay mo, ok na).

    -- edited by Reim on Jul 23 2021, 11:30 AM
  • @instabul
    saka na sir , wala pa masyado laman eh, kakahiya pa haha. isabay ko na lang upon publish ng first video ng ghost stories.

    @Reim
    yes. yun exactly ang plan. will do some overlay info sa video regarding sa source ng story.

    @ALL
    I realized sobrang tedious pala nung sinabi ko na iisa-isahin ko ung approval from each member, knowing 500+ pages na tong thread na to, almost 2 decades worth of stories.
    Ganito na lang. Although mejo nakakaumay magbacktrack, If you ever decide na ayaw niyo i-share ung story niyo (either particular lang or lahat ng na-share niyo), please let me know either thru PM or reply lang dito, para masala ko ung mga nakuha ko nang story (sinasama ko naman mga info like username and page #). again, linawin ko lang po na protected ung info niyo kung meron man nakalagay. the narration/storytelling will focus on the experience hindi sa kung sino ung tao.


    In advance, maraming salamat sa pagsuporta. Right now, nagc-collate pa lang ako ng stories. Medyo tedious pa ung proseso pero ung first few videos will be by Q1 or Q2 next year.

    -- edited by holyorders on Aug 20 2021, 11:08 AM
  • ... wrong thread.

    ^_^

    -- edited by redwing0001 on Aug 22 2021, 06:35 PM
  • Story time, eto nangyari last 2019, di sya multo, di ko alam kung anong tawag sa ganito.

    Kwento ito ni utol, pero witness ako sa nangyari pagkatapos.

    Sabi nya nanginip sya na meron kumakatok sa gate at lumapit sya. Nakita nya na meron dark man, matangkad at di makita ng malinaw yung mukha. Sabi ng dark man "pwedeng pumasok?" Eto naman si kuya, binuksan yung kandado ng gate, pero bago nya maibukas yung gate napaisip sya "teka mali ito" at pinilit nyang isara ulit yung kandado.

    Syempre, pag pinilit mong ibahin ang nangyayari sa panaginip gigising ka.

    Di nya masyadong binigyang importansya yun, at natulog ulit.

    Eto naman ako pumasok sa eksena. Mga 7:30pm nung araw na yun, kumatok yung kapitbahay namin sabi nya yung puno namin bumagsak nakaharang sa kalye. Yung puno na yan 40 years old, malaki ang troso at sanga nya.

    Unang naisip ko, syet, laking perwisyo ito buti na lang di nya tinangay yung mga linya sa poste tapat nung bumagsak.

    Halos 11pm na nung natapos kami (+barangay tanods) sa pagligpit.

    Sunod na umaga, mga 9am, me narinig akong ingay sa harap ng bahay, sumilip ako, naku yung isa pang puno bumagsak din! WHY!?! Walang malakas na hangin kahapon at ngayon, bakit bumagsak? Mga 20 feet ang distansya ng dalawang puno so di siguro nag hilaan sila.

    So inayos nanaman namin yung kalat, milagro ulit walang nadamay na kotse o nagdadaan.

    Pagakatos nun nilapitan ako ni utol at kinwento nya yung panaginip. Isip nya sinalo ng 2 puno yung 'sumpa' ni dark man. Yung 2 puno na yun ay itinanim ng yumaong magulang namin nung lumipat kami doon noong 1979.

    Sinuri din namin yung ugat at troso kung naging bulok o marupok na dahil sa edad o anay o peste, wala naman.

  • thought you guys deserve an update on the request I made last year. Still a work in progress, pero paunti unti me nabubuo na. True Ghost Stories Vol. 1 is a compilation of 50 ghost stories posted here (illustrated and translated to English). Volume 1, as I said, is made up of 50 ghost stories broken down into 5 full videos each with 10 stories.

    Eto sneak peek of one of those stories. Posted by pester on 01 Feb 04 @ 07:26 PM. The exact post can be found on Page 2 of this thread.

    Here is the translated story by yours truly. I did my best to direct translate the original post as respect to OP. Slight modifications were only made if I felt the changes would make more sense grammatically or logically (to the sentence/story).



    Here is the illustrated concept.



    For now, no definite timeline. I apologize kung sinabi ko Q1 or Q2 this year dapat, pero from what I see, mukang mam-move ung timeline. Pero, continuous naman ung illustration, though hindi pa nalalapatan ng voice over due to other prioritizations.

    -- edited by holyorders on Mar 16 2022, 08:10 PM
  • nice
  • PTPA: Sudden behavioral changes po with my ate's husband lang. Anywhere here na nakapunta na sa Forest Lodge sa Camp John Hay? Any weird feeling or creepy experience. Nagpunta kasi don yung ate ko with her husband po. Mejo vlogger sya and ginawa nila nilibot nila yung hotel & don sa 2nd floor daw po e, walang mga naka checkin pero puro sira yung door knob and napagkatuwaan pa daw po na tignan ng asawa nya yung rooms. He's okay naman, not until midnight. Natutulog na si ate ng biglang ginising sya ni Bayaw na bababa daw dahil chcheck yung car sabi nya e wag na dahil may guard pero natatakot din si ate talaga na at wala maiwan sa anak nila. After that incident, di na nakakatulog si bayaw. Like, madaling araw na pero maaalimpungatan si ate tapos kumakain or gising pa si bayaw. Tas sobrang hirap na hirap na sya, sabi nya sa ate may bumubulong daw sakanya at sinasabing tumalon sa hotel. Minsan may ginagawa sya na akala nya nagawa nya pero hindi pala, viseversa. Hindi po sya adik or what ah. Nag seek na din sila ng medical advise sa isang Psych pero niresetahan lang. Anyone encounter this or may same weird experience? Ano pong need gawin. Ewan naman kung ipapatawas ba namin or what.

    Edit: nag seek po ng medical help. Pang drug addict user daw po yung medication. NOT A DRUG USER. Also, no genes / history of insanity or mental problems po.



    nabasa ko lng sa DIYTP FB page.
  • @z3phyr2012
    He may have touched/inhaled a hallucinogenic substance and been contaminated while exploring. Second-hand drug use is insidious, its why former meth lab houses are impossible to stay in.
  • ^
    ano ibig sabihin ng walang "budbod"?


    yung panlason o para ma-transfer yung pagiging aswang nila sa ibang tao.

    May nabasa ako na pag bumili ka ng food sa mga 'di kilalang kinakainan, patakan mo lng ng kalamansi yung binili mo na food sa kanila then mawawala na daw yung bisa ng budbod.
  • May nabasa ako na pag bumili ka ng food sa mga 'di kilalang kinakainan, patakan mo lng ng kalamansi yung binili mo na food sa kanila then mawawala na daw yung bisa ng budbod.


    o kaya lalabas ang totoong itsura at amoy nung pagkain pag pinatakan ng kalamansi.