Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • MONITOR BenQ DL2020 LED Monitor 19.5" Seems like a good deal. 20" for the price of 18".
    same resu lang ito ng 18.5" na stretch lang into 19.5"
  • Diskless system: Cyberindo
    Timer: Gcafe

    Problem: Sa server nagana crossfire, sa client nakakalogin pero pag joining game na nalabas. Ano kaya problem?


    tignan mo sa client if meron folder ng crossfire sa mydocument pag meron mag super client ka ng isang unit delete mo yun.
  • mga ka lanshop. help naman.

    ano kaya problema ng network ko.. sa facebook lang halos ayaw na mag load.
    sa lahat ng site eh okey naman. dsl 5mb. kahapon lang nag start.

    sa server okey naman ang fb. sa wifi eh okey din naman. sa mga client ko lang.

    server w/ pfsense.

    maraming salamat sa makakatulong.
  • DL2020 makapal mukhang sinaunang LCD.
  • @herrossmith

    Check mo yong PFSense. Kung ikaw ang nagsetup, baka may conflict sa client side ng browsing.
  • Help naman mga pfsense master..

    Ask ko lang, ano ang problema, bakit ayaw magload ng fb sa mga client ko.. pero sa ping ng (cmd) fb eh meron naman net. Sa lahat ng website eh okey naman sa lahat ng client maliban sa fb. Nagyari na rin ito lastweek.. almost 2 days akong walang fb. Then bumalik naman kahit wala akong ginagalaw kaso since 2 day nga yun eh malaki nawala sa kita.. san kaya my problema? Salamat sa makakatulong
  • @Zlite

    Hmmm san kayang setting gagalawin.. 3 weeks naman okey ung pfsense eh, before lastweek. Then naging okey na lang din bigla.. then ngayon ulit.. halos ayaw na naman magload. Di ko naman ma restart dahil my online player na naka open time.
  • Good day, ask ko lang po kung ano po ung the best and cheapest UTP cable cat6 for comp shop? thanks.
  • @mcdhollar

    Lan wire 4.00 lang per meter
  • ano po ba ang mga usong laro ngayon sa mga computer shop? bukod po sa lol, dota2 at nba.
  • same resu lang ito ng 18.5" na stretch lang into 19.5"


    @AJCshop02

    Na-realize ko nga rin e. My fault not checking the difference. But too late na kasi na-deliver na e.

    Nakaka-asar lang yung pagka stretch nya.
  • ano po ba ang mga usong laro ngayon sa mga computer shop? bukod po sa lol, dota2 at nba.


    Nakakapag-LAN ba sa NBA?

    Its not for everyone but Blizzard Games are also good.
  • Sino po pwede makatulong sa regarding sa ccboot problem ko? Nao-open naman po yung mga client pero wala po sila internet connection. Nag-hardreset po kasi ako nung modem nung isang araw at nakalimutan ko yung dati nya settings. Taga dito lang po yung shop ko sa sta. mesa, and bayaran ko na lang po yung service charge sa makakatulong. Thanks po
  • ^check the client properties if ano ang gateway... kung ano nakalagay na gateway sa client yun ang gawin mo na IP ng router mo.
  • pa help nga mga paps..

    eto matagal ko na itong problema sa ran gs ko. dami ko na kasi uling player nito sa gabi. pagnagpaptach ako, natigil as in natigil. kailangan mo pang i-restart uli launcher para magbakasakaling tumuloy. pag madaling araw lang ako nagiging sucessful sa pag patch.

    pag manual patch naman ginagamit ko, di ba i-run lang naman yun sa loob ng launcher, nalabas naman yung "you need launcher.exe update".. hays...

    bukod tanging itong ran lang ang di ko pwedeng iwanan sa patching. sakit sa ulo.. wala naman akong makita sa net na solusyon. yung nakalagay naman sa website nila ay ganun nga nangyayari, nalabas yung "you need launcher.exe update"
  • Problem solved!

    ang problema pala, nag-sesave na rin pala ng video settings ang crossfire sa mydocuments everytime na mag login ka sa kanya. so, ang ginawa ko, pag run ko ng crossfire, then nag create na sya ng parang ini file nya. dun ko binago ang settings. nag super client ako para permanent na yung config nya.
  • Mga Boss, magbubuo po ako ng bagong server, ok lang po ba gumamit ng M2 SSD sa write back.. practical lang ba for 30 units?? ...o saan po mas maganda ilagay yung M2 SSD sa image ok lang din ba?
  • sino po ba marunong mag openline ng b315s-936 modem pm nalang po novaliches area
    pang back up lang sana...
  • @kukang
    if M2 mas ok na lagay mo nlang sa ssd cached yan, at yung writeback mo lagyan mo ng RAM cached.
  • @AJCshop02

    Thanks.

    -- edited by kukang on Aug 12 2016, 11:18 AM
  • @ajcshop02

    sir bakit kailangang i-delete yung folder ng crossfire sa mydocuments? di ba parang ini files yun? kasi yun ginamit ko nung di ko maset ng tama resolution ko dun sa 3 kong 20" lang.

    kahit nga po pala i-delete mo yun, once na mag run ang crossfire, mag create uli sya ng panibagong folder..

    -- edited by metaljacket on Aug 12 2016, 02:54 PM
  • ^yes need mo yun delete lalo na pag multi specs ang diskless mo or ililipat mo sa ibang specs yung hdd mo or papalitan mo ng ibang vga yung unit mo, kasi naka store dun mga setting, pag nag run ka nman ulit mag create yan ng new seting na tama sa specs mo.
  • pero if 2 to 3 defferent specs lang ok na at iconfig mo sa mas mababang specs.
  • Good day,
    plano ko po mag tayo ng Comp shop diskless with 20 clients.
    server specs:
    intel i5
    16 gb ram
    2 ssd
    1tb black
    ask ko lang kung ilan dapat kong ilagay sa image disk, game disk and write back.
    need ko po ba i partion ung 1 ssd para sa OS and image? or pwede na hindi?
    thanks.
  • Ano bang timer ang magandang ipalit sa Handycafe na LIBRE??? Nag-auto update dito ang handycafe...nagkaproblema sa control sa sound volume ng mga client. I-click mo pa lang yung volume control sa server ay automatic mute na agad....hindi na ma-control kung gaano kahina o kalakas ang volume. Speaker ang gamit namin at hindi headset.

    Nag-o-automatic restart ma pag sinara mo lahat yung nasa application list.

    -- edited by Decikator2 on Aug 15 2016, 07:24 AM
  • sir yung luma handycafe lagyan mo ng folder na may name na s4116.exe at c4116.exe sa instalation forlder niya, to trick the handycafe system na naka dl na siya ng patch at pag run niya yun eh d mag update talaga, yan lang ang ginawa ko sa mga shop na hawak ko.
  • Good day Everyone!

    Balak ko magbuo ng diskless server for 8-13 units.
    Possible din ba na magkakasama ung CCBoot, PFsense and timer sa isang server lang?
    Any specs recommendation para sa server?

    Thanks in advance
  • @decikator

    Maraming free Sir. CyberCafePRO at CafeSuite.
  • Sino nakaranas na nag shutdown lahat ng clients gamit yung bagong handycafe? kagabi, biglang nagshutdown yung buong shop. sa kabila, sa UL..P, may naka experience din. Kaiinis itong new version. Na-update kasi ng staff ko. wala pa mandin akong lumang version nito.
  • question po sa mga mikrotik users for their lan shops.

    kaya po ba ng 5Mbps ang 10 units using mikrotik? TIA!