Forum Topic

Post your aircon & ref problems...

  • share ko lang, using the 14k Panasonic 7.6 cuft single door inverter ref with an ad that says 5-6 php per day. my setting is at the lowest with nothing inside. it is the only thing turned on in the condo and meralco prepaid is saying consumption is 10 php per day. when i unplug the ref the consumption is zero. so not as advertised siya haha
  • @songerph gaano katagal mo in-on?
  • @songerph
    it is the only thing turned on in the condo and meralco prepaid is saying consumption is 10 php per day. when i unplug the ref the consumption is zero. so not as advertised siya haha

    Wait you have me confused. Consumption should be in wattage (or KwH) and not peso. Ilan ang lumalabas na power consumption (not electricity cost)? Also, if meron kang ibang devices na naka-off but are plugged in and naka-standby ay may consumption pa rin ang mga yun.

    Also, dun sa prepaid electricity program ng Meralco, magkano ang minimum charge? Kasi almost all utilities have a minimum charge even when consumption is at zero. So I expect na sa prepaid, though possible na zero ang babayaran kapag zero ang consumption, usually ay may minimum charge pa rin na rate for consumption.
  • Share ko lang..

    We finally replaced yung aming 7.8 cubic ft. na Condura manual frost ref.. Ang pumalit? 9cubic ft. na Panasonic manual frost ref. Still using it with my trusty Tronix Ref Clock Saver.. And the good thing? Even with the bigger ref, mas mababa pa yung consumption kaysa sa dati since the new ref has good sealing and a more efficient compressor.

    Why didn't we get an inverter? Simple - persistent pa rin yung feedbacks na sirain ang PCB ng inverter ref. So ang binili ko conventional pa rin.. Hehehe.. 10 years na naman ito..
  • @songerph gaano katagal mo in-on?

    5 days. 10 pesos everyday ang nirereport ni meralco prepaid.

    Wait you have me confused. Consumption should be in wattage (or KwH) and not peso. Ilan ang lumalabas na power consumption (not electricity cost)? Also, if meron kang ibang devices na naka-off but are plugged in and naka-standby ay may consumption pa rin ang mga yun.

    Also, dun sa prepaid electricity program ng Meralco, magkano ang minimum charge? Kasi almost all utilities have a minimum charge even when consumption is at zero. So I expect na sa prepaid, though possible na zero ang babayaran kapag zero ang consumption, usually ay may minimum charge pa rin na rate for consumption.

    yeah mali haha. i realize may computation pa pala (consumption*price per kWh). so 10 php cost = 0.91 kWh * 11 php/kWh (yung rate dati). so 0.91 kWh ang consumption ng ref at the minimum setting and walang laman.

    kapag turned off mga ilaw and unplugged lahat no change sa balance. minsan naiiwan ko nakasaksak yung electric fan for many days pero no change pa rin sa daily balance. so i think walang minimum?
  • https://www.smappliance.com/products/nr-aq211vs-7-6cuft-panasonic-1-door-inv-ref

    tama ba yung compute ko haha? sabi dito monthly 15.6 kWh. so around 0.52 per day compared sakin na 0.91.
  • sabi dito monthly 15.6 kWh. so around 0.52 per day compared sakin na 0.91.

    Moral lesson: NEVER believe claims made by brands. Parang yung claim ng Carrier na yung Xpower Gold 3 daw nila eh nasa P1.50 per hour lang ang konsumo at 18deg high fan setting. Pero yun pala eh ginawa sa kwarto na walang heat load tapos insulated na parang ice box. Laking kalokohan.
  • we finally bought an inv ref, pero di pa nadedeliver. Gusto ko sana mag Panasonic kaso trip talaga nung nanay ko yung Samsung so hinayaan ko na lang since siya naman magbabayad HAHA

    We got the 10.8 cu ft wifi model. Sana tumagal. Ano ba mga common problem sa samsung and what can we do to make it last longer?

    Hopefully ma offset nito yung bago kong ac, feeling ko malaki yung next bill namin eh lol non inv pa kasi yung current ref namin

    -- edited by KSolomon on Apr 21 2024, 05:47 AM
  • we finally bought an inv ref, pero di pa nadedeliver.

    Na deliver na ba? Did you wait a certain amount of time before plugging/turning it on?
  • Ano ba mga common problem sa samsung and what can we do to make it last longer?


    Sa pagkakaalam ko yun cooling fan yun nagkakaissue after several years. So kung may marinig ka na weird sound, like maingay na humming e patingnan mo agad.
  • Na deliver na ba? Did you wait a certain amount of time before plugging/turning it on?


    Nadeliver na kanina, pero di pa namin ginagamit kasi nandun pa yung luma naming ref. Nahihirapan din kaming ilevel yung ref, talaga bang 1 lang yung adjustable na leg ng mga samsung AC?
  • ^Yung dati naming Samsung 2 legs sa harap ang adjustable
  • Sa mga naka inv ref, kapag ba binubuksan niyo yung pinto ng fridge niyo (hindi freezer), wala ding nalabas na lamig? Malamig naman yung items sa loob pero di mo ramdam yung malamig na hangin. Ginagawa pa nga naming joke dati yung nagpapalamig sa tapat ng ref pero impossible siya sa ref namin ngayon haha

    First time kasi namin magka inverter ref, di ko alam if dahil ba siya sa inverter tech.
  • KSolomon
    Sa mga naka inv ref, kapag ba binubuksan niyo yung pinto ng fridge niyo (hindi freezer), wala ding nalabas na lamig? Malamig naman yung items sa loob pero di mo ramdam yung malamig na hangin.


    meron naman. lalo ngayon mas mainit ang panahon kaya feel agad ang cold breeze pagbukas ng fridge.
    pero kung nalamig naman ang fridge compartment mo, walang problema yan.
  • mga boss, car compressor ito, ano kaya possible issue kung nag leak agad yung compressor shaft seal? bnew compressor, less than 1 week nag leak na, sinisisi ng AC tech yung madungis ko na condenser, may black oil daw, pero aminado silang hindi na leak test before ikabit yung bnew compressor.
  • yung manual frost ba and no frost magkaiba yun? parang mas ok no frost e para di namumuo yelo
  • ^Yep go for no frost. Di na rin kse nagkakalayo sa presyo e. Halos maintenance free na, pag manual kelangan mo tlga sched ng defrost yun.
  • mga sir, mejo OT question sa mga may pinapa-lease na apartment or condo unit

    inverter aircon/ ref na ba nilalagay nyo in case furnished yung unit?
    hinahanap ba tong feature ng mga potential renters or mejo hindi masyado nagma-matter?
  • aRTie
    inverter aircon/ ref na ba nilalagay nyo in case furnished yung unit?
    hinahanap ba tong feature ng mga potential renters or mejo hindi masyado nagma-matter?


    kung ako mag-lease lalo na kung long term? isasama ko na sa checklist kung inverter ang AC & fridge kung furnished sya as advertised. as the thread tittle goes, magiging problema rin yan at the end of the day imo.
  • ^
    Salamat sir sa input
    Budget-an ko na nga rin ng better appliances, advantage nga rin sa renter since mas mababa magiging bill nya
  • ^it's us the end users/buyers are winning while them manufacturers are competing. you know the drill naman na ngayon bossing, now we can get better appliances yet easy on the budget sa dami na ng pagpipilian. research na lang ;)
  • mga sir, mejo OT question sa mga may pinapa-lease na apartment or condo unit

    inverter aircon/ ref na ba nilalagay nyo in case furnished yung unit?
    hinahanap ba tong feature ng mga potential renters or mejo hindi masyado nagma-matter?



    Speaking from experience, it does matter, lalo na yung AC :)

    Umaaray kase mga tenants sa taas ng electric bill if hindi inverter ang mga appliances, so magiging request din eventually ng mga brokers na palitan yung AC and ref ng inverter type para mas madali sila makahanap ng tenants.
  • Matanong ko lang po. Kung ano ang possible na problema ng ac ko. 1 week palang nagagamit. Bago palang nabili sa online. Pagka install unang gamit hindi tumagal ang lamig.

    Scenario 1: naka-on 6am maayos ang lamig, 10am-5pm hindi na malamig ang nilalabas, fan/blower at from 22° nagiging 34° room temp 10am-5pm. (May chances na from 10am-9pm hindi na lumalamig talaga) minsan pagdating ng 5pm bumabalik ung lamig niya hanggang sa patayin ng 9pm.

    (Iniiisip ko sobrang init sa labas kapag tanghali kaya hindi kaya ng aircon palamigin ng matagal ang room ???? )

    Scenario 2: nagtry buksan ng ibang oras 2am para hindi mainit ang singaw. Ni hindi man lang lumamig kahit naka set sa cool 22°. Room temp sa ac 33° 2am na. Nagtry din buksan 2pm hindi din lumamig. Pero twing 6am bubuksan lumalamig siya hanggang 10am nga lang tpos blower nalang ang ibubuga niya hanggang gabi which is sobrang init. Magbubuga ng lamig mga 2 seconds lang tapos may pabagsak/lagabog sound sa aircon kapag hihina ang buga ng hangin na continously ngyayari kapag nagsimula na magbuga ng blower at unti unti aangat ang temp painit.
    (Cool 4 hours)
    (blower/fan lagabog sound after magbuga ng 2 seconds na lamig hihina into blower ulit continously for 8hrs or more)

    -- edited by dine02 on Apr 27 2024, 11:39 AM
  • ^
    make/model ng AC?
    room size & conditions?

    much better to inform the seller ASAP for warranty claims.
  • Model ETA10WDR3-HF Room size nasa 13sqm. Wala po ata akong warranty since hindi ako nagpa install sknila may dati na kasi akong ac kaya all goods pa ung lahat ng wirings, nag upgrade lang sa mas higher hp.
  • dine02
    Model ETA10WDR3-HF Room size nasa 13sqm.


    googled it, 1hp lang pala yan. 1.5hp na dapat yan at least.
    hindi mo pa rin sinagot yung tungkol sa condition ng room mo like heat load, sun exposure, insulation etc.
    check out page 01 the FAQs + DO'S & DON'TS on this thread; <click here for link>
  • high ceiling 10m2 maraming otocan drawer at cabinet hm po hp dapat
  • sem_rs
    high ceiling 10m2 maraming otocan drawer at cabinet hm po hp dapat


    1hp minimum for a good enough headroom.

    edit:

    move your queries on this thread; <click here for link>

    -- edited by statix on Apr 28 2024, 05:23 PM
  • Paano maayos yung nag leleak sa front ng window type ac? No problems with the cold sadyang sobrang lakas ng tulo
  • theluffy99
    Paano maayos yung nag leleak sa front ng window type ac? No problems with the cold sadyang sobrang lakas ng tulo


    malinis ba ang unit mo? if yes, disregard. have it clean kung marumi na.
    check the tilt/pitch, baka zero degree ang pagka-mount nya. tilted towards the back dapat yan para sa likod sya mag drip.