Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Ganito kasi design nung samin

  • Hi Guys,

    Is this possible?

    I apply for a loan to high rise our home, then since maganda ang location, yung front is commercial and back is residential.

    Then yung pambayad ng loan will come from the lease of probably the 3rd to 5th floors of the commercial area.

    Is that doable? or Is there a company would do that like motor company, etc.

    129 sqm, tapos infront of Kalayaan avenue near BGC.
  • magkano kaya aabutin magpalagay ng vinyl na mukang wood planks? planning to install kapag na-turnover na yung bahay samin, around 30 sqm lang naman and direkta dikit na ba yun sa existing tiles? thanks


    Kung matyaga ka, gawin mo na lang weekend project. Nilalatag lang naman ang mga vinyl plank (parang puzzle lang sya heheh), then may locking mechanism sya para magdikit-dikit. Ang challenge lang ay yung mga corner at yung mga corner na may odd shape like door and stairs, best is to cut it using jigsaw with fine teeth lalo na kung makapal yung vinyl. You can use a regular utility knife (cutter) kung manipis lang yung vinyl planks (yung mga mura nasa 3mm lang yung thinkness). I don't know the local price in PH, but here in US a good quality vinyl planks with a 20mil specs in the top coating (these are the commercial grade) usually cost 3-4 bucks per square footage. Yung mga mura na vinyl planks comes at 6mil laminate top coating , in my experience madali sya magasgas.

    30 sqm = 323 sqft. then mag allowance ka ng 10% since hindi lahat ng vinyl plank ay usable. May mga kelangan ka i-cut na planks na hindi mo magagamit lalo na kung maraming odd corner sa paglalatagan mo.

    So 360 sqft multiply by PHP150 = PHP54K for vinyl planks.
  • anyone who tried PVC folding door? mas mahal pa pala compared to flush door
  • mas ok ata yung centralized heating. Yung tipong may malaking tank then yun ang mag provide ng hot water sa buong house - parang sa ibang countries na may hot and cold sa all water outlets - all you need to do is turn the appropriate knobs.
    ok lang yan kung hotel ka at palaging nagagamit yung hot water....at mas magastos yan sa electricity...not to mention the 2nd piping throughout the house....ganyan yung dati naming setup...napakalakas sa kuryente nyan kung ngayon mo gagawin...para kang merong nakasaksak na water heater 24hours a day whether someone uses it or not...tapos maghihintay ka pang dumating yung hot water dahil pagka centralize yan depende kung nasaan yung hot tank mo....in our case we put individual heaters in each bathroom....mas matipid at mas efficient...at mas madaling ayusin kung may sira...you just replace 1 unit with a new one...pero in my experience halos di nasisira yung heater...yung panasonic namin mga 25plus years na...yung markes 1997 pa buhay pa ngayon...sayang lang nagastos namin sa hot water piping throughout the house...pero during that time kasi (1991) yung centralized ang uso at wala pang masyadong individual heaters at mahal pa...
  • Lakas ng ulan yung understairs toilet namin nagleak.

    Dameng backjob. Sakit sa ulo nito pag wala ng warranty :)
  • Sa lakas ng ulan samin may leak din sa kisame, pero mukhang sa pader lang galing kasi naka ilang ulan na rin kami ngayon lang nag leak. Muntik na mabasa tv tapos yng switch ko yung natuluan na talaga. Hay.
  • Sa bahay naman namin yung kitchen ang may leak. Bale nasa likod ung kitchen at buhos yung bubong para provision for another room sa 2nd floor pag nagkabudget. Ang nakakainis ay hindi tiniktik ung side ng wall sa likod at gilid (wall ng banyo) so tumatagas dun ang tubig ulan if dun sa walls ang direksyonng angge. Hindi din nahaluan ng sahara ung pinangbuhos sa concrete slab para sana at least mas watertight. Kaya ayun kahit gusto ko lagyan ng ceiling at wiring ung kitchen postpone muna. Tyaga muna sa extension wires.
  • @batanghamog

    parang ganyan yun nangyare samin...ang sabe ba naman eh papahiran uli ng flexibond/plexibond yun wall. Tama ba yun? ano ba yun ipapahid na yun parang pintura para maging watertight yun wall, nadaan daw kasi sa mga wall cracks yun tubig ulan kaya natulo hanggang loob ng bahay at masama pa nito pwedeng mabulok yun kisame. Ang hirap pa naman ngayun at puro ulan.
  • @windom99, @batanghamog
    Have you considered using housewrap? It's been a standard for a couple of decades now in the US/Canada.
  • @aklo07

    available ba yun sa pinas?
  • question. paano mag rough estimate ng bakod made of CHB and buhos for the poste ng main gate and smaller gate pangtao? around 70 feet ang haba ng front perimeter. yung height is 5 feet.
  • ^
    sa mga natanong ko sir, nasa 8k per meter ang ave., pinaka mura na ang 6k per meter, plastered and painted na yun
  • @batanghamog and @windom99
    use bostik concrete waterproofing sealant. used for exterior and interior.
    Meron nyan sa hardware, ace or wilcon. patuyuin muna kahit 30mins bago patungan ng ng susunod na layer. apply kahit 3 layers

    maganda kung applyan yung labas kung saan nababasa yung pader at dumadaloy yung tubig.

    -- edited by 1008dma on Sep 18 2019, 10:36 PM
  • Yep. I'm considering bostik para sa flooring. yan din ang recommended ng mga karpintero na naging katropa ko na dito sa subd namin. Besides wala naman foot traffic so kaya na ni bostik un. Although hindi pa pwede i-apply ngayon since laging umuulan. For now ipon-ipon muna pero excited talaga ako na maggawa ko ung ceiling at overhead cabinets during weekends para clutter-free na ang kitchen.


  • Eto gamit kong pang water proof all purpose.
  • Sirs

    Sino familiar sa Ayala 6750 steel parking? Diba yung flooring ng parking nila is made of steel at naka mesh. Alam nyo ba kung san nabibili ang steel na yun? Para sana sa upcoming project ko :-) TIA!
  • @1008dma

    use bostik concrete waterproofing sealant. used for exterior and interior.
    Meron nyan sa hardware, ace or wilcon. patuyuin muna kahit 30mins bago patungan ng ng susunod na layer. apply kahit 3 layers

    maganda kung applyan yung labas kung saan nababasa yung pader at dumadaloy yung tubig.



    ahh ok..salamat dito sir, mga magkano kaya ang isang gallon nito? Tama na siguro 2 gallons, para dun sa pader. Oo nga naman hirap mag pintura ngayon at naulan di mo alam kung aaraw ba o bigla na lang bubuhos ang ulan.

    Ano nga pala po itsura nun, para alam ko na pag bibili na.

    -- edited by windom99 on Sep 19 2019, 03:14 PM
  • sa mga natanong ko sir, nasa 8k per meter ang ave., pinaka mura na ang 6k per meter, plastered and painted na yun

    thank you sir
  • Problema ko din mukang sa pader yung tubig, firewall ko pa naman. Nagbabubbles kasi yung pintura. Repaint din siguro contractor ko nito. Try ko yang suggestion niyo. Wala pang 8 months yung bahay hehe
  • Kakagulat bigla kami nagbill ng P900 sa tubig this month eh normally below P400 lang kami.

    Then pag check ko metro namin running pala sya kahit off na lahat sa bahay. I checked naman wala naman leaks. Sa water closet wala din.

    2013 pa kami dito now lang nagkaganito. Check daw ng engineering ng subdivision pero possible na nagloloko metro pwede ba yun mangyari mga boss
  • Possible naman sir na masira nga yung metro. Nangyari na din samin, pinalitan metro. Kaasar nga lang kasi kami rin nagbayad nung replacement meter.
  • Ganun din ba kaso sa inyo boss wala leak pero tumatakbo metro?
  • Yung problem samin, nakapatay na dapat sa metro pero tumatakbo pa rin.

    @batanghamog and @windom99
    use bostik concrete waterproofing sealant. used for exterior and interior.
    Meron nyan sa hardware, ace or wilcon. patuyuin muna kahit 30mins bago patungan ng ng susunod na layer. apply kahit 3 layers

    maganda kung applyan yung labas kung saan nababasa yung pader at dumadaloy yung tubig.


    @1008dma

    Madali lang ba i-apply yan sir? Hindi pa rin tumitigil yung leak sa bahay. Luckily PVC panel yung kisame namin kaya yung kurnisa lang possible na madamage nung leaks.
  • Bad news. Pinalitan metro ganun pa din. So baka sa mga tubo nga. Baka may kilala kayo tubero around Trece
  • ibig sabihin yun tubo papasok sa bahay ang may butas, meron ka bang nadrill or pinakuan o hinukay recently sa inyo?
  • Negative boss never ako nagDIY kaya din nagtataka ako
  • san ba nakaka bili ng molds and mildew remover na 1 gallon? 6 cleaning chemical company (local) natanungan ko puro multi-purpose cleaner lang benta nila lahat.. tapos pang mga interior lang.. nagpunta na din ako sa mga local groceries and ace hardware, true value wala din...
  • Guys, pano ba ang pricing and computation labor and equipment dito sa PH? Ex. Cleaning service.. Per Project, Per Sqm, Per Hour?

    sinasama ba sa computation yung wear and tear ng equipments (machine)?

    meron bang app pang measure ng sqm (or foot)?
  • @jr2_pajarillo


    Definitely may leak nga ang tubo mo. Hopefully sa labas lang para hindi na magalaw yung installation sa loob. Start mo i-check yung tubo mula sa metro going in. Check if may part na laging basa or moist at pakinggan mo na din kung may sumisirit. Sa loob naman yung sa ilalim ng lababo then do the same sa banyo. Pwede din na baka natanggal ung dikit or nagloose sa connector joints (elbows & T's).

    Worst case scenario ay mag new layout kung hindi talaga matukoy ung leak.