Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Bright_Light Send Message View User Items on 09 Mar 21 @ 05:03 PM - User is online #

    Kung may specific reference ka naman na ma ituturo na di allowed butasan ang pre-cast panel then i will agree with you. Di lang ako agree na basta lang sasabihin na Di allowed at walang reference.

    hinde yan reference kundi by design yan, you must know what is Structural RC Wall Panel and Architectural RC Wall Panel

    PreCast/PreFab RC Wall Panel ay maraming klase yan defined by how it is being used (Structural/Architectural)

    yun mga sample mo Architectural yan, walang kine-carry na load kaya pwede mag-modify cut alter, mahirap nga lang ang procedure, ang main Structure ng buildings ay Columns at Beams na pinapatungan nitong wall system type kaya di magsuffer ang structural integrity

    sa Structural RC Wall Panel (Precast/Cast-In Place) walang columns at beams ang building structure, this wall system is the whole structural itself lahat ng load carry ng wall panel na ito, back read ka na-explain ko na yan una pa...
  • Bright_Light...

    Ikaw kaya una nag generalize.. base sa item 1 definition mo ng precast panel.

    magbasa ng mabuti at intindihin, nag bigay ako ng example at usage, may mali ba dyan? pag Structural ang intended use ng RC Wall Panel hinde yan pwede modify/alter, ikaw ang nag-generalize at walang binigay na sample at pinipilit mo na pwede lahat ng klase ng Precast Wall System

    1. Precast Wall Panel System
    - manufactured or cast offsite
    - most expensive and not economical for residential house use
    - supplier availability
    - faster to install but need specialized installation
    - serves as Structural member of a building/house
    - can not be modified/alter after installation
  • 1. Precast Wall Panel System
    - manufactured or cast offsite
    - most expensive and not economical for residential house use
    - supplier availability
    - faster to install but need specialized installation
    - serves as Structural member of a building/house
    - can not be modified/alter after installation


    Pero hindi lahat ng pre-cast panel serve as structural member as you also mentioned na rin. General pagakakasabi mo dyan na yung pre-cast panel serves as structural member. Ngayon mo nalang nililinaw along discussion yung gusto mo.

    Cannot modified? - No comment na ako. Oks na ako. Good vibes nalang.

    Nagbigay na ako ng reference from google. Yung reference mo nalang ng building code na nag sasabi na bawal mag butas then i will i agree nga sayo.

    sa Structural RC Wall Panel (Precast/Cast-In Place) walang columns at beams ang building structure, this wall system is the whole structural itself lahat ng load carry ng wall panel na ito, back read ka na-explain ko na yan una pa...

    Regarding naman dito, ang alam ko nag dedesign kayo base sa minimum load allowed ng code para economical pero di nyo naman ginagawa na sakto sa minimum dahil ang goal is greater than or equal for safety, saka inaalam nyo din purpose ng dedesign nyo kasama na kung may future expansion ba para ma accomodate nyo yung load di ba?

    As long as di ma violate yung minimum allowed load at may structural remedies approved by approver which usually kayo then we're good sa modification.

    -- edited by Bright_Light on Mar 09 2021, 06:58 PM
  • @Bright_Light....
    Nagbigay na ako ng reference from google. Yung reference mo nalang ng building code na nag sasabi na bawal mag butas then i will i agree nga sayo.

    naintindihan mo ba mabute yun google reference mo? yun building under renovation composed of Columns and Beams Structure, yun binubutas nila na Precast Concrete Wall ay Architectural Wall Panel yan, meaning wala yan dinadalang vertical loads ng building kya pwede nila yan butasan ng openings, pero hinde pwede magbutas ng openings sa Structural Wall Panel dahil may dinadala itong vertical and horizontal loads magsa-suffer ang structural integrity ng buong buildings...

    Structural provision states that, Circular holes are preferable as square holes can induce stress concentrations, increasing the risk of cracking. Long rectangular holes are not recommended as they can significantly affect the structural performance of the member. Also, holes should be located away from points of high bending moment or shear. All holes, apart from very small ones, should be ‘framed’ by links and longitudinal steel. Guidance on the provision of reinforcement is given in the Institution of Structural Engineers/Concrete Society Manual Standard method of detailing structural concrete.

    In general the hole diameter (or dimension in the direction considered) should not exceed 25% of the relevant section. Even holes of this size may significantly affect the design of structural members.

    >> holes lang yan hinde cut openings na kasing lake ng Windows at Doors, kya hinde pwede mag butas ng malaking openings sa Structural RC Wall Panel

    Consult a professional wag magmarunong, rest my case now c",?
  • guys can we be more polite with our exchanges?
  • Structural provision states that, Circular holes are preferable as square holes can induce stress concentrations, increasing the risk of cracking. Long rectangular holes are not recommended as they can significantly affect the structural performance of the member. Also, holes should be located away from points of high bending moment or shear. All holes, apart from very small ones, should be ‘framed’ by links and longitudinal steel. Guidance on the provision of reinforcement is given in the Institution of Structural Engineers/Concrete Society Manual Standard method of detailing structural concrete.


    ^ Ito ay para sa size ng structural concrete beams. At imposible tayo makabutas dyan ng para sa windows. Usually holes lang talaga dito kasi kalimitan kaya lang tayo magbubutas sa concrete beams ay para sa expoxy anchor bolt na need natin kung may new connection tayo. Preferred yan pero di sinabi directly na bawal rectangular pero wala ka naman mahahanap din na anchor bolt na square.

    In general the hole diameter (or dimension in the direction considered) should not exceed 25% of the relevant section. Even holes of this size may significantly affect the design of structural members.
    >> holes lang yan hinde cut openings na kasing lake ng Windows at Doors, kya hinde pwede mag butas ng malaking openings sa Structural RC Wall Panel


    ^Dito maliwanag na dapat hindi ka mag eexceed sa 25% ng relevant section mo. Pwede kang may wall panel size na ang window opening mo ay less than 25% of your panel size kung iaaply mo yang provision na yan. So, si structural engineer at hawak nyang data lang makakapag sabi na yung structural wall panel mo ay di na kayang butasan. Pero kung base sa hawak nyang data and computation ay pasok pa dyan at may work around pa sya para ma compensate yung mababawas na area then we'are good to go.

    Simple lang, basta pasok pa sa design criteria ang gagawin at may remedies pa, OK pa yan.

    Tama ka naman na mag consult sa professional and i also encourage lahat dito na magconsult.


    @ninjababsez, Sorry po.. :) last ko na po yan na comment sa topic na yan. Di naman yan dahilan ko bakit ako nag babasa dito.. just sharing some inputs lang dyan. Ang gusto ko talaga yung mga basic room improvement's and carpentry,, parang ang sarap maging hobby ant good vibes lang sana...

    -- edited by Bright_Light on Mar 10 2021, 11:26 AM
  • I don't know if this is the proper thread for my query but anyway.

    What brand and model do you recommend for cordless drill/impact driver? The main usage would be drilling concrete walls and quick screwing on woods.


    Budget would be around 4-6k


    Thanks in Advance! ^^V
  • ^
    Bosch for me, maghihintay ka nga lang ng sale to fit your budget
    They have wide range of tools using the same battery, so yung mga next purchase mo, pwedeng bare tool na lang
  • aRTie Send Message View User Items on 10 Mar 21 @ 01:27 PM #

    ^
    Bosch for me, maghihintay ka nga lang ng sale to fit your budget
    They have wide range of tools using the same battery, so yung mga next purchase mo, pwedeng bare tool na lang



    I see, btw aside from mall, may mare-recommend ka bang reputable na hardware store?


    Also, ok ba ang milwaukee? Pricey siya pero maganda ang review. Ang worry ko lang is yung mga binebenta dito (black/grey) markets eh walang battery.
  • Bosch for me, maghihintay ka nga lang ng sale to fit your budget

    inaabangan ko nga yun trade in promo nila bro, sayang din yun 50% off
  • ^
    Meron ata ngayon sir sa Handyman
    Parang kakakita ko lang sa FB

    Sa tradein ng handyman ko rin nakuha yung Bosch pressure washer ko
    Minsan maluwag sila, papabilin ka lang ng screw driver sa shop, oks na pang tradein
  • Meron ata ngayon sir sa Handyman
    Parang kakakita ko lang sa FB

    Sa tradein ng handyman ko rin nakuha yung Bosch pressure washer ko
    Minsan maluwag sila, papabilin ka lang ng screw driver sa shop, oks na pang tradein


    thanks for the headsup bro!
    will check it out, manghiram lang ako fb ni gf lol
  • ^
    La ka pa rin palang fb sir
    Hirap ba, baka maraming mag-message? Hehehe
  • Overpriced yung Bosch sa Handyman. May mga legit dealer ng Bosch na mas makakamura ka. Minsan kahit 50% off pa sya, parang mas mahal pa rin bentahan kesa sa iba.
  • @tech_hero
    ^Bro saan yan.. naririnig ko sa Binondo daw.
    Meron ako nabili black+decker sa ACE nung sale yung naka set na tools with cord nga lang pero parang mabilis uminit.

    Pag sale lang din ako bumibili. Cordless ang susunod ko.
  • ^
    La ka pa rin palang fb sir
    Hirap ba, baka maraming mag-message? Hehehe


    11 years na bro :)
    btw looked it up, max 40% lang daw
    akala ko makakatisod ng 1.5k lang after discounts hehehe


    Meron ako nabili black+decker sa ACE nung sale yung naka set na tools with cord nga lang pero parang mabilis uminit.


    BW gamit ko bro, 12 years old na, so far OK naman sya hanggang ngayon. madalas din mahiram ng mga kapitbahay



    yun nasa binondo ba original?
    makita kasi dami fakes

    -- edited by ninjababez on Mar 11 2021, 07:04 AM
  • BW gamit ko bro, 12 years old na, so far OK naman sya hanggang ngayon. madalas din mahiram ng mga kapitbahay

    yun nasa binondo ba original?
    makita kasi dami fakes


    Ayos,, tatagal din pala to. 3 years palang siguro tong sakin ito yung set na may kasama ng martilyo at iba pa,, Naalala ko tuloy nung bagong bili ko to..di ko pa nagagamit gusto na hiramin..hahaha.. Sabi ko nalang sealed pa..heheh

    Sa binondo,, yun ang di ko sure bro kung Orig sila.. nababasa ko lang madami daw dun.
  • Ayos,, tatagal din pala to. 3 years palang siguro tong sakin ito yung set na may kasama ng martilyo at iba pa,, Naalala ko tuloy nung bagong bili ko to..di ko pa nagagamit gusto na hiramin..hahaha.. Sabi ko nalang sealed pa..heheh


    yun mason na nakakita sakin paano ko gamitin yung BW drill ko, sabi tinitreat ko daw na parang demolition drill yung BW. ewan ko pero parang nilalaspag ko yata ibig nya sabihin LOL
  • Magandang hapon po, question lang, may nabili po kasi akong property and may plant box sa labas na inookupa at ginagawang sampayan yung harap ng kapitbahay, eh ang plano ko po sana i adjust na lang yung pader, sasakupin na yung plant box sa harap, parte pa po ba yung ng property? salamat po.
  • ^
    Normally hindi
    Planting strip and side walk are usually part of road lot

    Best pa rin if macheck mo sa plano or confirm with subdivision admin, or hire a geodetic engineer para ma delineate yung property line mo

    Pero if yung sinasabi mong plant box, meron sa buong stretch ng street, then quite sure na hindi yan part ng property nyo
  • Sa binondo,, yun ang di ko sure bro kung Orig sila.. nababasa ko lang madami daw dun.


    May legit doon, pero meron ding hindi legit. Pero banda jan sa may Binondo meron kasi mga dealer/supplier talaga ng mga power tools na legit.

    Pwede ka rin mag check nung [email protected], meron mga legit powertool seller un, Pero make sure reputable yung seller at magbase sa reviews.

    Pwede rin kayo magsilip silip yung mga along the road na parang mga warehouse na may mga slogan na Construction/Power Tools supply. Usually may mga logo ng bosch, dewalt, stanley etc. Usually mas mga mabababa yung presyo dun compared handyman.
  • thank you Sir Artie.

    -- edited by ceejaytwo3 on Mar 11 2021, 04:32 PM
  • @tech_hero
    thanks bro
    sana maalala ko after mass vaccination lol
  • Magtatanong po pala ako, sa mga nag pipintura, may ni-repair kasi ako or parang pina repair ko na rin na concrete crack sa bahay namin gawa ng kinalawang yung rebar. Natapos ko na yung repair, one month ago na siguro or lagpas na., Ngayon gusto ko sana mapinturahan para pumarehas kahit papano sa existing white na dati nyang pintura. Ano po tamang proseso sa pag pipintura at anong klaseng pintura at kung may mga technique. Kailangan pa ba my primer paint muna sya?. Medyo ngayon lang ako nag aayos ayos ng mga sira gawa ng lock down at may oras at medyo limitted or wala pang alam sa finishing.

    Nag baback read na rin ako dito. thanks.

    yun mason na nakakita sakin paano ko gamitin yung BW drill ko, sabi tinitreat ko daw na parang demolition drill yung BW. ewan ko pero parang nilalaspag ko yata ibig nya sabihin LOL


    sakin wala pa nakakita, sa loob ng bahay ko lang ginagamit.. pero pag may makakita baka sabihin bini-baby ko naman,,,konting lalim hugot agad at pahinga ng onte kasi pakiramdam ko umiinit. Medyo di sanay gumamit..
    Thanks din @tech_hero.

  • sakin wala pa nakakita, sa loob ng bahay ko lang ginagamit.. pero pag may makakita baka sabihin bini-baby ko naman,,,konting lalim hugot agad at pahinga ng onte kasi pakiramdam ko umiinit. Medyo di sanay gumamit..
    Thanks din @tech_hero.
    if under warranty bro, use it normally as anyone would
  • May trusted plumber ba kayo around Cavite ito kasing tubig namin 2 years na almost problem lakas ng takbo ng metro namin. Dami na tumingin di talaga makita problem. Last resort na sana yung paglilinya ng bago. Rinig naman sa CR sa baba na parang may nasirit kaso di makita saan.
  • Bawal ba renovation/construction during ECQ? Start sana kami ng renovation ng bahay pero walang permit to since minor repairs (palit ng bubong etc) lang naman gagawin. So ang kausap lang namin foreman/carpenter and wala na archi/engineer.
  • ^
    Last ECQ bawal
    not sure if may provision ngayon that allows private construction, pero i would assume same lang

    if nasa subdivision/ village ka, check din with your admin
    samin bawal kahit MECQ
  • Last ECQ bawal
    not sure if may provision ngayon that allows private construction, pero i would assume same lang


    napanood ko yun short video bro, bawal nga ang private.
  • ^ bawal nga bro,, ang exempted lang sa pagkaka alala ko sabi ni Roque ay yung malalaki na private construction na may sariling accommodation sa worker nila at yung essential government projects. Di ko sure kung nabago na.
    Mahirap baka masilip at mamulta pag sumaway,, baka makita pa sa tayo TV as violator..hehe..

    Pero sa nadadanan ko samin,, meron padin nagpapagawa. Hirap din talaga sitwasyon ng laborer ngayon ECQ.