Forum Topic

PC Technician Lounge (Trading/Selling Not Allowed)

  • Toshiba Satellite C55-B5200

    issue: natapunan ng tubig yung keyboard ng kapatid ko (nasa barko pa sya nun)

    tinanggal ko na lahat (HD, Memory, Wifi Adapter, pati ibang connectors nya) gang motherboard na lang ang matira. nilinis ko na rin Motherboard ng alcohol at pinatuyo ko ng maigi. Ending di pa rin sya ng power on, kapag i-power on sisindi sya saglit at mag off din agad. pero may power naman kapag naka plug charger nya dahil naka ilaw yung LED ng power. ginamitan ko na rin ng tester yung charger at power jack connector to check kung may power at ok naman. di ko alam kung anu problema nung laptop?? may nag short circuit na kaya dun sa mga nakahinang na parts?? patulong naman po sa TPC expert naten jan ..
  • hi mga sir may ikukunsulta lang ako

    ganito problema ko sa pc ko, minsan sa isang araw na mamatay monitor ko pero open naman yung cpu unit, kainis lang kasi pag may ginagawa ako trabaho di ko pa na save ulit na naman ako.


    sinubukan ko na mag palit ng dvi cable kahit monitor nag palit na rin ako ganon parin ang problema, yung setting sa power tinignan ko, ok naman,
    ngayon nagpalit ako ng power supply obserbahan ko pa ano mangyayari.. pero kung mamatay ulit monitor ko, ano na kaya problema nito mga sir?
  • Saan ba may murang cleaning service cpu gpu repaste, 5 years na asus K43 ko mataas na temp kapag naglalaro, 1k mahigit sa malls, thanks guys
  • @AntisXXmuna

    May mga na repair ako na monitor/LCD with the same problem. May bloated capacitors sa board so i had to replace them.
  • anong cause ng fatal error yung Warcraft 3 ko nag fafatal .
  • ^
    Is it a BSOD? If the game just crashes, you can try checking the Event logs in Control panel and sift through the log files.
  • @AntisXXmuna

    May mga na repair ako na monitor/LCD with the same problem. May bloated capacitors sa board so i had to replace them.


    Ah possible motherboard ko pala ang may problema sir?, sa ngayon inobserbahan ko pa rin, simula nung palitan ko ng PSU nung isang araw, hanggang ngayon di pa naman ulit namatay monitor
  • hi mga sir may ikukunsulta lang ako

    ganito problema ko sa pc ko, minsan sa isang araw na mamatay monitor ko pero open naman yung cpu unit, kainis lang kasi pag may ginagawa ako trabaho di ko pa na save ulit na naman ako.


    sinubukan ko na mag palit ng dvi cable kahit monitor nag palit na rin ako ganon parin ang problema, yung setting sa power tinignan ko, ok naman,
    ngayon nagpalit ako ng power supply obserbahan ko pa ano mangyayari.. pero kung mamatay ulit monitor ko, ano na kaya problema nito mga sir?


    ops my bad on this one nagpalit ka pala ng monitor and same issue...akala ko kasi nde mo pa na try yun...

    Are you using built-in video sa motherboard ba or may videocard ka naka install...if may built-in video yung mobo try mo dun then check mo if ganun pa din
  • Mga master, question lang.

    Recently I recently installed Rise of the Tomb Raider na game. Ok naman cya at first after a while thought bigla nalang namatay ang screen ko. When put it on again ayuna na.. kahit sa boot part ng screen e nag stutter or nagfiflicker na. ano kaya problema nito. monitor, cable monitor or ung video card mismo. tried reformatting na ayaw parin mawala ng flicker. ano kaya possible na problema nito. any feedback is appreciated. Thanks
  • Are you using built-in video sa motherboard ba or may videocard ka naka install...if may built-in video yung mobo try mo dun then check mo if ganun pa din


    ay nakalimutan ko pala, may videocard ako gamit saka nag 2 monitor ako, nung wala pa ko videocard di naman nag kakaproblema. parehas naka nakabit yung monitor sa videocard, na try ko na rin yung isa monitor sa onboard naka kabit pero na matayan pa rin sya..

    sa ngayon mag 3days na sya wala problema simula nung mag palit ako ng PSU
  • ^ayun na matay na ulit yung monitor, posible motherboard na talaga problema nun? nagpalit na rin pala ako ng videocard bago ko mag palit ng PSU.. wala ganon parin ang problema
  • @badhellzing
    mukhang na-short yung board ng laptop
    swerte kung makahanap ka ng same model na semi-defective
    (kumbaga ibang part lang ang may sira)
    kahuyin mo na lang kung walang budget para sa bago

    @knightfrost200425
    ano video port gamit mo, on-board o sa video card?
    kung video card, try mo sa on-board (kung meron)
    try mo rin kung may mahiraman ka ng video card pang-test lang
    pag mag-play ka ng mp3, nagsa-stutter rin ba yung audio?
  • anong mas maganda usb wireless adapter o pci wireless adapter?
  • ^obsolete na pci wireless adapter, usb adapter mas ok due, no hassle
  • kelangan ba talaga update yung nvidia o pede disable update nlng istorbo kc.
  • ^depende kung affected ka ng update, if stable stay ka muna
  • paano ayusin yung windows activation? gusto ko sana yung permanent na.
  • ^
    If your Windows is genuine, you shouldn't have a problem with activation. Otherwise, here's a reminder:

    The following are not allowed in the forums:

    * piracy, or content that promote piracy
  • paano malalman kung genuine yung windows 10 ko?
  • paano malalman kung genuine yung windows 10 ko?


    On Start Menu type/search for 'System'. Click on System to open the System Window. At the bottom of the System Window, under Activation, it should read "Windows is Activated".
    Pwede rin sa Settings click on Activation. Sa Activation Tab, under ng 'Activation' dapat nakasulat "Windows is activated".
  • Windows Activated naman sakin kaso 180days lang.

    -- edited by tpcjml on Mar 23 2017, 02:57 AM
  • baka naman pwede i-google na lang yung kasimple simpleng tanong, marunong naman siguro tayo umintindi,
  • ^ natry ko na mag google mga tweaks lumalabas yung iba application daw kuno pero virus naman pala nag bakasali lang ako dito baka merong marunong pero parang papunta ng piracy tanong ko kaya end topic na. kala ko kc pag nag expire yung activation ng windows eh d na gagana pero nakita ko sa google gagana panaman may mga ma disable lang na feature sa os.

    -- edited by tpcjml on Mar 23 2017, 03:00 AM
  • ano video port gamit mo, on-board o sa video card?
    kung video card, try mo sa on-board (kung meron)
    try mo rin kung may mahiraman ka ng video card pang-test lang
    pag mag-play ka ng mp3, nagsa-stutter rin ba yung audio?


    @IZOD ok naman ang audio ung nakakabit pa sa video card pero di ko pa na try gamit ang on-board. But is there any possibility na hindi sa monitor ang problema(ok lang din kasi na mag upgrade ako ng cpu wag lang ang monitor) hehe.. Thank you boss.
  • @tpcjml
    fresh install ba yung Win10 mo?
    Home or Pro?

    @knightfrost200425
    masakit nga kung yung monitor ang nadale
    (though I don't see how that would happen)
    pero kasi yung monitor nagdedepende naman yan
    sa binabato sa kanya ng video card e.
    kunyari pag 'no display', wala siyang nakukuha,
    pwedeng yung video card pero pwedeng cable lang.
    try mo muna yung on-board video
    lalo kung wala ka mahiram na video card.
    at least that way, malaman natin kung ok pa monitor mo.
  • pano ayusin yung laptop ko nag hang sa boot windows 7 try reformat ganun din d makapag install ng os nag hahang kahit sa installer palang.
  • pano ayusin yung laptop ko nag hang sa boot windows 7 try reformat ganun din d makapag install ng os nag hahang kahit sa installer palang.


    check mo kung may clicking noise yung HDD possible faulty na... or try mo check yung health via HDtune
    try mo din ibang installer baka may issue ung image ng installer mo
  • hi guys...

    ask ko lang. merun kasi akong laptop with a failing hard drive. balak ko sana bumili ng replacement hard drive kaso problem ko yung OS (Windows 8 which was upgraded to Windows 10) ng failing hdd. is there any way na ma-copy ko yung legit os ng failing hdd sa bagong hdd? take note wala po akong cd nung OS. pre-installed dun sa laptop yung OS.

    salamat po sa magrereply.
  • hi guys...

    ask ko lang. merun kasi akong laptop with a failing hard drive. balak ko sana bumili ng replacement hard drive kaso problem ko yung OS (Windows 8 which was upgraded to Windows 10) ng failing hdd. is there any way na ma-copy ko yung legit os ng failing hdd sa bagong hdd? take note wala po akong cd nung OS. pre-installed dun sa laptop yung OS.

    salamat po sa magrereply.


    not advisable possible hindi din makopya ng maayos since failing na yung hDD
    other way is to use the activation key sa likod ng laptop mo for activating ng windows

    -- edited by xirus1234 on Mar 29 2017, 06:12 PM
  • ^
    I'm not 100% sure, but when you upgrade to Win 10, a copy of your system configuration is kept in Microsoft's servers, allowing Win 10 to validate a reinstall on the same machine once you connect to the Internet.